"--Alpha."
Napatuwid ako ng upo nang marinig ang halos pang-apat nang pagtawag sa atensiyon ko ng aking gamma o third of command.
"Yes, James, do you have any news about my mate?"
"U-uh, I'm sorry, Alpha, but we failed again to locate your mate."
Napasapo ako sa ulo ko.
"Okey. Continue your searching. Huwag kayong titigil hangga't hindi nyo nakikita si Rain. Pati na rin si Asher," matigas na utos ko.
Si James ang namumuno sa grupong inatasan ko sa paghahanap sa magkaibigan.
"Yes, Alpha," sagot nito.
"You can go now."
He bowed at me before he turn his back.
Nakasalubong pa ni James ang papasok na si Brix. Yumukod rin ito bilang pagbibigay galang sa beta ng Black Moon Pack.
Bahagya lamang itong tinanguan ni Brix. Nang mawala na sa paningin namin si James ay saka lamang nagsalita si Brix.
"You ready, Alpha?"
Tumayo ako mula sa inuupuan ko at lumigid sa mesa.
"Let's go."
Lumabas na kami ng aking pribadong opisina.
Patungo kami ngayon sa cemetery kung saan inilagak ang mga labi ng ama ni Rain.
Mula ng araw na pumanaw si Raul. Parati na kaming nagtutungo roon sa pagbabakasakaling lumitaw sina Rain at Asher.
Umaasa kaming dalawa ni Brix na sa pagkamatay ng ama ni Rain ay magbalik ang magkaibigan. Kahit pa alam naming pareho na kami ang nasa likod ng dahilan kung bakit bigla na lang naglaho noon na parang bula sina Rain at Asher.
Ilan taon na ba akong nagdurusa sa paglayo ni Rain? Mahigit anim na taon at sa loob ng mga taon na 'yon, walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang kasalanan ko dito. At kahit hindi gaanong kumibo o magsalita si Brix, alam kong ganon rin ang nadarama nya. Lalo na, hindi, higit pa dahil sa 'nagawa' nya kay Asher noon.
Kung sana maaari ko lamang ibalik ang oras, hindi ko sasaktan o dudurugin ang puso ni Rain matapos kong makuha ang nais ko sa kanya. Kung sana lang hindi naging makitid ang utak ko at tinanggap ng buong puso ang taong inilaan sa akin ng Moon Goddess, maligaya sana kaming magkasama ngayon ni Rain at nagmamahalan. Hindi ko kasi matanggap noon na isang lalaki ang itinadhana para sa akin. Kung sana hindi ko nilabanan ang kapalaran naming dalawa, narito pa sana sa tabi ko ang taong nagmamay-ari sa aking puso. Maraming 'sana' ang pinalagpas ko at pinagbabayaran ko na ang lahat ng iyon.
At kahit lugmok na lugmok ako sa pagkawala ni Rain, hindi ako tumigil sa paghahanap dito. Halos gawin na namin ni Brix ang lahat ng paraan upang matagpuan ang mga taong pinakawalan namin noon pero hindi umaayon sa amin ang swerte. Sinubukan na rin naming gamitin ang pack link o mate link kina Rain at Asher pero nabigo kami dahil mula ng araw na ni-reject namin ang mga ito, naputol na ang anumang koneksiyon mayroon kami sa dalawa.
Nilunok ko na rin ang anumang pride na natitira sa sarili ko at aking isinantabi ang pagiging Alpha nang lumuhod ako sa harapan ng ama ni Rain at nakiusap sa kanyang ibigay sa akin ang lokasyon ng anak nya pero matigas at hindi nababali ang salita ni Raul. Na wala akong makukuhang kahit ano o kapiraso man lang na impormasyon tungkol sa anak nya. At hanggang sa huling araw sa mundo ni Raul, nanatiling tikom ang bibig nya.
Nirespeto ko ang pasyang iyon ni Raul pero hindi ibig sabihin niyon ay sumuko na ako. Lalo akong nagpursige sa paghahanap kay Rain. At ipinangako ko sa aking sarili na sa oras matagpuan ko sya, hindi ko na sya muling pakakawalan pa at ilalayo sa tabi ko.
Nang makarating kami sa cemetery ni Brix, bakas sa aming mga mukha ang panlulumo. Muli na naman kaming bigo na masilayan ulit ang mga taong hinihintay naming magpakita sa lugar na iyon.
Lilipas na naman ang buong araw na hindi ko pa rin nakakapiling si Rain.
Nanatili pa kami ng ilang oras roon bago tuluyang nagpasyang umalis.
"Tayo na. Bumalik na lang ulit tayo dito bukas."
Tumango lang si Brix.
We both turn to our wolf form again and dash to the forest but I give a one last glance to Raul's grave before I run and dissappered.
---------
Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin, agad kaming dumiretso sa isang Hotel.
"Listen, kids. Tomorrow, we're all going somewhere. So, you need all go to bed early. No more play muna, alright?"
"But Tito Ash--"
"And no more buts, Kai," putol ko sa gagawing pagtutol ng bata.
Bumagsak ang balikat nya at humaba ang nguso na ikinangiti ko ng lihim.
"Stop sulking, kiddo. Why don't you pick your favorite books. I read it in bed time."
Nagliwanag ang mukha ni Kai.
"Really, tito? I can pick whatever I want?" excited pang paniniguro nya sa akin.
"Of course, honey."
"Yay," nagtatalon pa sa tuwa si Kai at yumakap sa akin. "Thanks, tito."
Ginulo ko ang buhok nya.
"Go and pick a book.
"Okey."
Tumakbo sya palapit sa bag na kinalalagyan ng mga story books na dinala namin pabalik dito sa bansa.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng suite na kinuha namin ni Rain na pasamantalang tutuluyan namin habang narito kami sa bansa.
Napako ang mata ko sa gawi ni Rain na nakatayo sa tabi ng malaking bintana. Transparent ang salamin niyon kaya naman kitang-kita ang view sa labas.
Magmula na ng dumating kami dito, tahimik na sya at naging malungkot ang mga mata.
At nauunawaan ko kung bakit naging ganun ang kilos ni Rain. Alam kong masakit para sa kaibigan ko ang napipintong pagharap nya sa puntod ng kanyang ama.
That's why the sooner, the better na matapos namin ang totoong sadya sa lugar na ito nang makauwi rin kami agad sa tunay at itinuturing na naming bagong tahanan sa loob ng anim na taon at tuluyang ibaon sa limot ang masamang nakaraan namin dito.
Dahan-dahan akong lumapit sa tabi ni Rain at ipinulupot ko ang dalawang braso sa katawan nya.
Inihilig naman ni Rain ang ulo nya sa balikat ko at kahit walang namagitang usapan sa amin ay nakaramdan kami ng kapayapaan sa mga puso namin habang pinapanood ang ang magandang tanawing naaabot ng aming mga mata.
"Everything's going okey, bud. When this is over, we can go home and continue of our life, at peace."
Naramdaman ko ang pagtango ng ulo ni Rain bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.
YOU ARE READING
'Your Mine, Mine Alone' [boyxboy]
RandomRain left the pack, along with his bestfriend, Asher, after they own mates cruelly rejected them both. After so many years, Rain decided to came back to their old pack silently when his father's passed away. But the fate is not in his side at that m...