[1] Surrender My Heart

9.7K 218 1
                                    

CHAPTER ONE

One year later...

MAINGAT na nag-park si Lyra sa bakuran ng mansiyon. Hindi siya makapaniwalang nakabalik din siya doon matapos ng mahigit isang taon niyang pagsasarili. At iyon ay kung hindi pa dahil sa pamimilit ng kaniyang Dad at ng pinsang si Lucille.

"Ikaw na ba 'yan, Lyra?" salubong sa kaniya ng mayordoma. Halata ang pagkagulat sa mukha nito pagkakita sa kaniya.

"Manang Ising!"

Nagyakap sila nito nang mahigpit. Bukod kay Lucille ay isa rin ito sa mga naging hingahan niya ng sama ng loob kapag sinisira ng kapatid niyang si Luane ang damit at sapatos na ibinibigay ni Lolo Poldo sa kaniya.

"Dalagang-dalaga ka na! May nobyo ka na ba?"

"Naku, masyado po akong busy magpayaman para maghanap ng boyfriend. Hindi ko maisingit-singit sa schedule ko ang mga lalaki na 'yan," biro niya.

Napahagikhik naman si Manang Ising.

"'Yan ang gusto ko sa'yo, hija, e. Napakamasayahin mo pa rin sa kabila ng lahat. O, siya, tama na munang kwentuhan ito at hinihintay ka na ni Leon sa loob."

"Sige po."

Sinamahan siya nito sa sala kung saan nandoon na ang mga kamag-anak niya. Ang seryosong mga mukha nito ay lalong nagdilim pagkakita sa kaniya at si Tiya Lucinda naman ay inismiran pa siya.

"Cous." Mabilis na tumayo si Lucille sa kinauupuan nito at sinalubong siya.

Nagyakap naman silang magpinsan.

"Ano'ng meron?" tanong niya.

"Isang malaking kalokohan," sagot ni Lucille at pinaikot ang mga mata nito.

Ang Dad naman niya ang nilapitan niya.

"Hi, Dad."

Yumakap siya rito at hinalikan naman siya nito sa kaniyang sentido.

"I'm glad ligtas kang nakapunta rito, anak."

Umupo siya sa tabi nito at nagpanggap na lamang na hindi kunwari niya napansin si Tita Elaine, ang kaniyang stepmother. After all, kung papansin niya ito at sa hindi ay wala rin naman itong pakialam. Parang hindi rin naman siya nito nakikita dahil ang tingin nito sa kaniya ay masamang hangin.

Saka lang niya napansin ang isang hindi pamilyar na ginoo na nakaupo sa gitna ng dalawang panig. Nakasuot ito ng three-piece suit at kapansin-pansin ang kulay gintong tila emblem na nakasabit sa kanang dibdib nito na simbolong 'S' at cross sabers.

"Ano ang pangalan mo, Binibini?" tanong ng ginoo sa kaniya na nasa late sixties na yata nito.

"Ang pangalan ko po ay 'Lyra'," magalang niyang sabi.

"Ako si Mr. Richard Gamboa, kinatawan ng pamilya Stevens. Kasama ka rin ba sa magsusukat ng sapatos?"

Hindi napigilang magsalubong ng kilay niya.

"Magsusukat ng ano po?"

"Hindi siya kasama dahil bastarda lang siya ng kapatid ko," ang sagot ni Tiya Lucinda.

"Tama. Ang may karapatang magsukat ng gamit mula sa mga dugong-bughaw ay iyong mga tunay na Arnaez lamang," segunda naman ni Tita Elaine.

Imbes na patulan ang dalawa ay magalang niyang nginitian ang lalaki.

"Nandito lang po ako dahil sa kahilingan ng Dad ko at ni Lucille," sagot niya kahit na ang totoo ay wala pa rin siyang ideya sa mangyayari nang mga sandaling iyon.

Surrender My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon