[3] Surrender My Heart

8.7K 238 5
                                    


CHAPTER THREE

"PATAWAD sa inyong lahat," taas-noo niyang sabi. "Hindi ako sang-ayon na magpakasal si Lucille sa taong hindi niya mahal dahil lang sa isang kalokohan. Huwag na lang sana siya. Hayaan na lang natin siya sa taong mahal niya. Mahirap bang gawin 'yon? Kung nabubuhay lang si Lolo, tiyak na hindi siya sasang-ayon dito. Oo nga at may napagkasunduan ang dalawang pamilya, pero alam kong mas mahalaga pa rin para kay Lolo ang kaligayahan naming mga apo niya kaysa sa anupamang kasunduan na 'yan." Tiningnan niya si Julian na tila ba natulala na lang sa kaniya. "I know you know what I mean, Julian. But this shoes, no matter how careful and wonderful it was made, is still just a shoes at the end of the day." Hinubad niya ang sapatos at inilagay ang mga iyon sa kamay nito. "I'm really sorry, everyone."

Pagkasabi ay tumakbo siya palabas ng mansiyon na iyon. Habang papalayo siya ay dinig na dinig pa niya ang panggagalaiti ni Tiya Lucinda at ni Wendell.

"Lyra, hang on!" tawag sa kaniya ni Julian na hinahabol siya.

"Utang-na-loob, Julian! Marami pang babaeng nababagay sa'yo!" hindi humihintong sabi niya.

Nang makalabas siya ng gate ay tumingin siya sa kaliwa at kanan niya. Walang senyales na may paparating na taxi kaya nagtago siya sa pinakamalapit na puno at nagtago bago pa man siya makita ni Julian. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Pagkatapos ng gabing iyon ay wala na siyang mukhang maihaharap dito at sa pamilya niya. Nahigit niya ang paghinga nang makarinig siya ng mga yabag.

"Lyra? Are you still here? Let's talk!"

Hindi ngayon, Julian...

"I KNOW na-disappoint kayo, Dad. I'm sorry."

Pagkarating na pagkarating ni Lyra sa bahay niya matapos niyang magpahatid sa taxi ay tinawagan niya agad ang Daddy Leon niya.

"No, don't ever think that you have disappointed me, hija. You did the right thing. Kilala ko si Jakob. He's a good man at hinding-hindi magsisisi si Lucille sa kaniya. Lucinda is very mad right now but I warned her that she can't sue you. Malaki ang pabor na gusto niyang hingin mula sa 'kin at ayaw niyang magalit ako. She should know na sumusobra na siya. Uunahin pa niya ang pansarili niyang ambisyon kaysa sa kapakanan ni Lucille."

"Y-you've always been my saviour..." naluhang sabi niya.

Bakit ba nagiging iyakin na siya lately?

"Dahil anak kita, Lyra. At hindi ko hahayaan ang sino at ano man na saktan ka."

Napasinghot pa siya at pinahid ang mga luha niya.

"I'll see you tomorrow, Dad!" aniya sa pinasiglang tinig. "Good night. I love you!"

"I love you more, anak. Good night. Magpahinga ka nang husto."

Siguro nga kailangan na niyang magpahinga. That was a tough night for her. Alam niyang hindi na magiging ordinaryo ang buhay niya magmula sa gabing iyon.

SA ABOT ng kanyang makakaya ay sinikap niyang umakto nang normal nang sumunod na araw. She had been praying na sana ay ligtas na makarating sina Lucille at si Jakob sa patutunguhan ng mga ito at maging maayos ang kalagayan ng mga ito sa lahat ng pagkakataon. Noon pa man ay hinahangaan na niya ang pagmamahalan ng mga ito. Kahit langit at lupa ang pagitan ng dalawang iyon ay hindi naman iyon naging hadlang upang mahulog ang loob ng mga ito sa isa't isa.

Fourth year college na sila nang maging mag-on ang dalawa. Scholar ng university nila si Jakob dahil mahirap lamang ang pamilyang pinanggalingan nito. Dahil masipag si Jakob ay nakapasok naman ito sa kompanya ng Dad niya hanggang sa na-promote at nakaipon na para sa future nito at ni Lucille. Si Tiya Lucinda lang talaga ang kumukontra sa pagmamahalan ng mga ito dahil gusto nito na anak-mayaman ang maging manugang nito.

Surrender My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon