chapter3:panget

21 5 0
                                    


Asan na ba kasi tong si Eunice?!
Kanina pa ako palakad lakad dito sa hall way.

Ang dami ko pa namang dala.
Dumagdag pa tong mga bulaklak.pero ayos lang.
Para naman to sa kanya.

Makapunta nga sa
Pinaka iinisan kong lugar sa school para malagay ko tong ibang bit bit ko.

Pinakakainisan kong lugar?
Ano pa ba?

Eh di ang
Locker area

Bakit?

Well...maliban sa dito ako laging kinukulong nang mga bullies noong elementary ang isa pang dahilan ay----

Bahagya akong napasigaw nang pagbukas ko nang locker.  

Bumungad ba naman sa akin ang mukha nang mamamatay tao sa wrong turn the movie. Yong napakapangit na character doon.

Biglang  nanikip yong dibdib ko at hindi ako makahinga.

Agad kong hinalungkat yong bag ko para makita yong inhaler. Pero pambihira! Asan ko ba kasi inilagay yon? Sa pagkakatanda ko, nandito lang yong eh.

Nang makita ko yong kanina ko pang hinahanap at lumuwag ang paghinga,

Napangiti nalang ako.

Pambihira! Natakot ako sa mismong pagmumukha ko. Muntik pang naging sanhi nang aking kamatayan.

I just saw my face in the mirror na nakasabit sa locker ko. Para nga akong  mamamatay tao sa wring turn movie na pinanood ko kagabi.

I hate mirrors.

Pinapaalala kasi nito na panget ako.

Pero ewan ko ba kung bakit meron ako nito dito.

Sino naman kaya ang naglagay dito?
Meron pang sticky note na naka dikit sa upper part nang salamin.

PANGIT ANG TAONG TO!"

Gusto ko mang isipin na galing to sa secret admirer ko,pero parang malabo.

Unpogi problem 001
Hindi ako pogi!

Grabe. Ang panget ko talaga!

Seguro pag wala tong pimples ko...

Seguro pag wala tong makapal na eye glasses ko...

Seguro kong hindi lang space teeth ang ngipin ko..

Seguro

Pogi din ako.

Kaso nga lang...

Hindi eh.

Panget mo kasi.

Panget!
Panget!
Paaaaaaaaaaangeeeeet!

"Tama na nga yan?!baka mabasag pa yang salamin sa kakatitig mo sa sarili mo!"
Eunice

My one and only loveeeeeee.

"Hi...helli...ah...e..i.."

Bulol na sambit ko.  Palaging naka tirintas yong mga dila ko pag kaharap ko siya.

Umayos ka naith.

Ayosin mong magsalita.

"Andito ka lang pala!kanina pa kita hinahanap. Na surprise ka ba sa pasurprise ko?" Aniya nito referring sa salamin.

hashstag:UnPogiProblems (#upp)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon