chapter 36

2 1 0
                                    

Naithan's POV

Parang kahapon lang.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Parang kahapon lang nang inamin ko sa taong mahal ko na mahal ko siya.

Naalala ko pa kung gaano ako kakabado nang sinabi ang mga salitang yon.

Naalala ko pa--

Nang ipinikit ko ang aking mata upang sanay damhin ang mga sandali.

At sa pagdilat ko'y hindi ko inaasahang na agad pagsisihan ang aking pagpikit.

"Oh! Bro! Mabuti naman at gising kana!"

Isang familiar na boses ang bigla kong narinig sa aking pagdilat nang mata.

Im still lying at the hospital bed at medyo masakit pa ang ulo ko.

Hindi ko inaasahan na pinapanaginip ko nalang ang mga nangyari.

Na bigla nalang pagkagising ko, bumalik na sa lahat.

"Gutom ka ba?"
It was ethan.He was back to his old self.

Gaya nang dati, gwapo pa rin.

At ako, heto pangit na nga, mas lalo pang pumangit dahil sa gasgas na nakuha ko sa accidente.

"Anong gusto mo? Prutas?maraming
Prutas dito. Sabihin mo lang." Sambit nito habang hinahawakan ang mga prutas sa basket.

"Ano na?" Dugtong pa nito sabay tingin sa akin na tila nag aantay sa sagot ko.

"Pagsinabi ko ba ang gusto ko, ibibigay mo?"

Napangiti lang siya. "Alam mo, ang arte mo. Epekto pa ba yan sa pagkaka accidente mo?"

"O baka naman pag sinabi ko sayo kung ano gusto ko, gugustohin mo rin?"

"Oh come on bro! Alam mo naman na mahina ang utak ko sa ganyan. Gwapo lang ang meron ako, pero mahina ito." Sabay turo niya sa ulo niya. "Ano ba ang gusto mo?!" Aniya pa nito habang tinatapon sa ere ang mansanas at sinasalo.

"Si eunice. Si eunice ang gusto ko. Ikaw? Gusto mo rin ba siya?!"

Biglang tumahimik ang paligid at tanging pag bagsak lang nang mansanas sa sahig ang umalingawngaw.

"Ethan! Sagutin mo ko!"

"Bakit? Na thre- threatened ka ba Na magustohan ko si Eunice? Well, alam naman natin pareho na may gusto yon sa akin. Diba?"

"At obvious naman na gusto ko siya diba?"

"Alam ko. Pero paano kung sabihin ko sayo na nagugustohan ko siya?!"

Nagugustohan niya.

Nagugustohan niya.

Lahat naman nang babae na may gusto sa kanya, kahit hindi niya gusto pipilitin niyang gustohin.

Eh, yon siya eh. Yon ang isang Ethan.

"Gusto mo siya? O gusto mo siya dahil bigla siyang gumanda?! Ethan naman eh, lahat na nasayo na ho. Attention nang mga tao,gwapo,lahat nang babae nagkakandarapa sayo, pati ang taong mahal ko. Please Than, kahit ito lang ang sa akin. Kahit si Eunice lang." Sambit ko na hindi na namamalayang tumutulo na palang ang aking mga luha.

--------

Ethan's POV

I saw my twin sitting at the hospital bed crying.

I've seen this scene before. This scene happened before when we're still little.

Nakaupo siya sa hospital bed at umiiyak na nagmamakaawa sa akin.
Pleading na ibigay sa kanya ang laruang gustong gusto niya na inagaw ko. Eh,gusto ko rin yon eh. Kaya yon, dahil gusto ko,hindi ko binigay sa kanya.

hashstag:UnPogiProblems (#upp)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon