chapter 19:jealousEunice

7 2 0
                                    

Eunice pov

Haaaay...mabuti naman at nagkaroon ako nang opportunity para magkaroon nang pov sa kuwentong to.

Anyways...yon nga!

Monthsary ni ethan at ni emerald!

Eh di congrats.
Masaya ako sa kanila!

Kahit na-----

"Whaaaaaaa...ang sakit naith! Ang sakit!"pag eemote ko habang naglalakad kami ni naith pauwi.

Well accepted ko naman talaga na mas maganda si emerald kung ikokompara sa akin.

She is a model at minsan kinukuha rin siya para maging commercial model.

Maganda

Sexy

Mapula ang labi

Maganda ang buhok

Makinis

Matangkad

At

Artistahin

Samantalang ako--

"Wala ka nang magagawa doon. Eh halata naman na panget ka! Eh mas panget ka pa nga sa akin!"biglang bulalas ni naith

Hiyang hiya naman ako sa kanya.

"Whaaaaaaaaaa...ano ba ang meron ang emerald na yon na wala ako?!"

"Marami! At pwede ba,hindi ang tulad mo ang mamahalin ko este ni ethan. Masyado kayang gwapo si ethan para sayo."

Wow...kaibigan ko ba talaga to?

"Salamat sayo naith ha. Gumaan talaga ang pakiramdam ko sa sinabi mo.salamat ha.ang laking tulong noon!" Inis na sambit ko.

"Talaga!eh di salamat!"

Kailan pa kayang natutong mang pilosopo to?

"Bakit ba gustong gusto mo yang si ethan?! Well accepted naman na napakagwapo ko este ni ethan----bakit ba baliw na baliw ka doon?!"

Napabuntong hininga ako.

Bago paman ako makasagot---

"Hey eunice! Naithan!" Pamilyar na boses ang aking narinig mula sa likoran.

Isang boses na isa sa dahilan; kong bakit ako nasasaktan.

"Eunice! Wait for us!" It was emerald, running toward us habang hila-hila ang taong mahal ko.

Hawak hawak parin nito ang roses na ibinigay ng taong mahal ko sa kanya.

"So where are you both going?!" Tanong niya habang nakahawak sa braso ni ethan.

"Hi e-eunice!"bati ni ethan sa akin.

Ngumiti ako kahit nasasaktan

Ngumiti ako kahit gusto kong umiyak

At ngumiti ako para itago ang lahat

"Pauwi na! Kayo?"

"Sympre,mag dedate! Do you wanna come with us?!" At talagang gusto akong masaktan nang isang to!

"Naku!wag na! Mag-aaral pa kasi ako.mag-aaral pa kami ni naith! Diba naith?!"

"A-ako?mag-aaral? Naku, kailangan pa ba yon? Hmmmp...matalino na kaya ako."ahhhhgggg...naith

"Yon naman pala eh!besides,we dont have a quiz! Come on eunice,you need a break!'emerald

I need a break,and it breaks my heart

"Uhmm...kayo nalang. Baka maka distorbo pa kme ni naith sa MOMENT niyo. Its your day. Kaya lubos lubosin nyu. Bye."agad kong iwas. Hinila ko si naith. Para kasing walang planong umalis doon. Mas nasasaktan kasi ako pag nakikita ko silang magkasama.

"Wait!"sigaw parin nito na halatang nakasunod.

Haaaaay...ang kuleeeeeet!

--------------

More of eunice pov on next chapters

Please keep on voting #upp.

Sa Hindi pa diyan nakakavotes...alams na.

Thank you

hashstag:UnPogiProblems (#upp)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon