(Halos 30mins din ang lumipas ng matapos kaming kumaen sa kusina, at nauna ng umakyat si papa para mag pahinga dahil maaga pa siya sa trabaho niya, habang nag liligpit kami ni mama ng pinag kainan namin mamaya maya umakyat narin si mama sa kwarto habang ako naman naiwan sa kusina upang hugasan ang pinag kainan namin. Halos 10mins din ang lumipas ng matapos akong mag hugas ng pinggan at napag pasyahan ko naring umakyat sa aking kwarto para makapag pahinga at di malate sa tagpuan namin sa school.)
Mag aalasdose na ng gabi hindi parin ako makatulog galos 3hours na kong nakahiga at nakikinig na music hindi parin ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog, medyo naiinis na ko kasi hindi naman ako umaabot ng ganitong oras kasi mga bandang 10pm tulog na ko at nanaginip na ko pero 1st time ko hindi talaga makatulog, dapat maaga palang makagicing na ko kasi medyo mabagal talaga kong kumilos pag gumigising ako ng maaga haays hindi ko alam kung bakit siguro nga masyado akong na eexcite dahil first time ko nga mag oouting, pero ayoko naman ding byumahe ng natutulog dahil hindi ko ma eenjoy yung magagandang spot sa byahe, mamimiss ko yung magagandang tanawin haayss. Bahala na basta pipikit nalang ako para makatulog na ko.)
Kriiiing kriiiing, nag aalarm na 5am na, naantok parin ako. Medyo late na ko nakatulog around 2am na. Haays puyaat ako
