Chapter 21

4.4K 108 8
                                    

"Babe!"

Sigaw ni Alison habang patakbo sa aking direksyon. Ang laki ng ngiti na tila ma- iluluwa nya lahat ng ngipin sa saya.

Bakit kaya masaya tong baliw na to?

Niyakap nya ako ng makarating sya sa akin habang hinahabol pa ang paghinga sa pagod.

Kasi e, pwede naman maglakad lang masyadong excited. Natatawa tuloy ako sa itsura nya, mukhang asong uhaw.

"ano ba 'yon at kailangan pang tumakbo?"

Binitiw nya ako sa mahigpit nyang pag kakayakap sabay buklat ng bag. Inilabas nya ang kulay brown na papel sabay tago sa likod ng kanyang katawan.

"guess what"

"ano?"curious kong tanong

"TADA! Pasado ako sa exam sa Trigo babe!"

masayang  ibinalita ni Alison na napapasayaw pa .

"Wow! Congrats babe ^^,"

"At yun ay dahil sayo. Thank you sa maganda 'kong girlfriend"

Sabay yakap ni Alison at halik sa aking noo. Syempre kinilig naman ako pero di ko pinahalata

"na perfect mo ba? Patingin nga ako"

"hindi babe pero mataas yan"

Proud na iniabot sa akin ni Alison yung exam nya.

Malapit na akong mapahagalpak sa tawa ng makita ko yung exam nya pero pinigilan ko.

well not bad para kay Alison

"sabi sayo babe e, sayang nga di ko natapos yung dalawang problem e"

Komento ni Alison na 'di parin matangal ang laki ng ngiti 

Nakakuha sya ng 11 na tamang sagot sa 20 na tanong.. di naman masama kasi 50% lang naman ng tanong ang dapat mong makuha para maipasa mo yung subject mo. Kaso lang nag expect ako ng mas mataas kay Alison dahil sa lakas ng tiwala nya.

"oo nga po, ang taas babe. Running for honors babe ha" biro ko sa kanya sabay pisil sa mamula mula nyang pisngi.. kakagigil hehe

"Naman babe, ikaw babe ilan ang nakuha mo sa exam?"

"sakto lang babe"

"e ilan naman yung sakto na yon? Siguro naka 10 ka! yiee pasado din ang babe ko ah"

19/20 ... sayang nga namali ako sa last question.

"halika na nga umuwi na tayo, dami mo pang tinatanong ee , ang mahalaga pumasa tayong dalawa. Okay?"

"sus, nahiya ka pang sabihin sakin babe HAHA, tanggap kita kahit 10 lang score mo, pero maglakad lakad muna tayo sa park bago umuwi, gusto pa kitang makasama e"

Minsan iniisip ko si Alison ang babaeng version ni Sakuragi, kulang nalang mag pakulay sya ng pulang buhok e -_-!

.

.

.

"bye! Ingat ka sa pag dadrive ha"

"wala ba akong kiss?"

Kakahatid lang ni Alison sa akin  ng bahay, matapos mamaglakad lakad sa park at kumain sa labas.. akala ko nga sa park lang kami kaso dinala nya pa ako sa paborito daw nilang kainan ng mga kaibigan nya dati.

Inlove With The Monster (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon