A/N:
Hello! kamusta? Matagal tagal din nabakante 'to ah. Buti may buhay pa HAHAHA dami ko nakikita na dati pa nagbabasa( parang ang dami lang HAHAHA) na hangan ngayon nag vovote parin.. thank you, than you :* .. tsaka dun din sa mga bagong username na nakikita ko sa notif. thanks thanks thanks guys. muaHxxzzz :*
short update lang 'to hehe.
Ps. Malapit na yata itong matapos feeling ko xD.. okay, bye.
--------
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nuong makita ko ang pulang rosas sa aking study table.
Dahan dahan ko 'tong nilapitan ngunit bago ko pa'man mahawakan ang bulaklak, maynaramdaman akong mga mata na nakatingin sakin.
"sino yan?" kinakabahan kong tanong sa kawalan ngunit katahimikan lang ang sagot
Medyo lumakas ang hangin, tanaw ko mula sa aking kwarto ang pagsayaw ng mga dahon sa labas. Pumapaypay rin ang kulay lumot kong kurtina sa rehas ng bintana.
Lumapit ako dito, mula sa kinatatayuan ko natatanaw ko ang dawalang pulis sibilyan, nakatayo ang dalawa, isang mayhawak ng kape at isang busy sa paghithit ng kanyang sigarilyo.
Mag – iisang linggo na ring nawawala si Alison. Pagkatapos ng cctv footage ay wala ng sumunod na lead ang pulisya sa kinaroroonan nya.
Nawala ako sa malalim na pag iisip nuong biglang sumara ang pinto ng kwarto.
Tinitigan ko muna ito ng ilang minuto bago lapitan. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto. Namamasa ang palad ko, ramdam ko ang lamig ng bilog na bakal sa aking palad. Dahan dahan kong pinihit ito biglang binukas.
"may problema ba?" nag aalalang tanong ni mama nuong makita nya ang hitsura ko.
"wa-wala po ma" pagsisinungaling ko.
Agad akong bumalik sa kama at naupo kasunod ang mama ko. Tumabi 'to sakin at marahang hinimas ang aking mga kamay.
"babalik din sa normal ang lahat"
Hindi ko napigilan ang pag ngiti sa magandang babae na katabi ko ngayon. Laking pasasalamat ko dahil nanjan lagi sila ni Papa. Dahandahan akong humilig kay mama at kusang bumalot ang maliliit kong braso sa kanyang katawan.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko na wala na ang rosas nasa mesa.
Agad akong napabaliktwas sa pagkaka upo habang nanlalamig ang buo kong katawan.
"Eya?" nag aalalang tanong ni mama.
Sinabi ko lang sa kanya na gusto kong magpahinga, humalik muna ito sa aking noo bago lumabas ng kwarto.
Naiwan akong tulala na nakatitig sa table. Nagliwanag na tila flash ng camera kasunod ang malakas na pag kulog.
"pa'no nawala yung Rosas?"
Napawahak ang isang kamay ko sa aking sintido at huminga ng malalim upang kumalma. Dahan dahan akong nahiga sa kama, iniisip parin ang nawawalang rosas.
Hindi pwedeng si Alison ang naglagay non at sya rin ang kukuha? Nawawala sya at di parin namin alam kung nasaan sya tinatago ng mga kidnapper nya. Teka! Napabaliktwas ako sa pagkakahiga ng bilang may pumasok sa isip ko.
Kung kinidnap nga sya dapat ay tumawag na ang kidnapper para manghingi ng ransom money. Pero hangang ngayon wala parin kahit txt manlang.
Dahandahan akong bumaba ng kama at tinungo ang drawer kung saan ko itinago ang telepono ni Alison. laking gulat ko ng wala na itong laman.
"shit!" bulong ko sarili habang nakatakip ang kamay saking bibig.
Agad kong pinuntahan ang tumutunog kong telepono at agad tong sinagot, masyado na akong natataranta para icheck pa yung caller ID
Marahan kong inalapat sa aking tainga ang telepono at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya
"Hey" sa boses palang ng babae alam ko na kung sino ang kausap ko
"Azel" tugon ko "napatawag ka? "
"I was just checking up on you, kamusta pakiramdam mo?" tanong nya ng may halong pag aalala
"Okay na pakiramdam ko"half-truth "wag ka ng mag alala"tsaka ako ngumiti kahit alam ko namang di nya 'yon nakikita
"okay, basta if there's anything you need, don't hesitate to ask" sinagot ko sya ng okay, ibababa na sana ni Azel ang telepono pero pinigil ko 'to
"Uhmm, may kakaiba kasing nangyari" pagsisimula ko, ipagpapatuloy ko na sana ang sasabihin ko ngunit inunahan nya akong magsalita
"kakaiba like bigla kang may makikita ng rosas sa kwarto mo at mawawala ng di mo namamalayan?" ohmygosh.di ako nakapagsalita sa narinig ko"Eya? are you still there?"
"o-oo nandito pa, Azel, ikaw din?"
"wag mong sabihing.." sandaling nanahimik sa kabilang linya bago ulit nagsalita si Azel "Eya, can I come over?"
"sure"
Matapos non ay nagbaba nan g telepono si Azel kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------