Sumapit na ang gabi, pero hindi ko parin pinapansin ang kakambal ko. Kinukulit nya ako sa hapagkainan, nilalagyan nya ng fresh lumpia yung plato ko, dahil alam nyang paborito ko iyon. Pero hindi ko sya iniimik kahit na todo makangiti ito, at pansin naman ito nila mama't papa.
Tinulungan nya pa akong magligpit ng hapagkainan at maghugas ng mga ito kahit ako naman ang toka pag gabi at sya sa tanghali, sa umaga naman si mama. Hindi nalang ako umimik, kahit na daldal ng daldal ito. Nagmamayabang pa ito na nagpapalobo ng bula gamit ng kanyang daliri at halong joy, pinagmamalaki pa nito kung malaki ang bula tsaka nya ito paliliparin at hihipan pataas hanggang pumutok ito. Parang tanga lang.
Alam kong nanunuyo yan sakin, pero di ko nalang pinapansin. Hanggat di nya ako papayagan sa kahon, di ko sya iimikin. Childish na kung childish, pero alam kung may ano sa kahon na tumatawag ng aking pansin.
Hanggang sa kwarto namin, di parin ko sya iniimik kahit na nagsusumiksik sya sa akin. Kahit alam naman naming ang luwang luwang ng higaan namin, pilit nyang isinisiksik ang sarili nya habang nakatangila kami sa kisame.
"Ojie? Galit ka ba sa akin?" biglang tanong nya sa akin.
"Sa palagay mo?" walang gana kong sagot.
"Ayaw lang kitang mapahamak." sagot nito sabay hawak sa palad ko. Para kaming ewan na nag uusap habang titig na titig kami sa kisame.
"Bakit ano bang meron sa kahon, at ayaw mong ibigay sa akin?" medyo inis ko nang tanong.
"Basta." monotone nyang sagot.
"Anong basta? Bakit nga kasi?"
"Basta nga. Wag ng makulit." iritable nya rin sagot.
"Anong basta nga? Anong alam ko, kung basta ka lang ng basta!" medyo tumataas na ang boses ko. Nakakainis kasi. Anong alam ko sa kanya kung ganon ang mga sagot nya. Malay ko ba sa dahilan nya.
"Basta sinabi kong basta, basta! YUN NA YUN!" tumataas nadin ang boses nya.
"Sa totoo lang? ANG LABO MONG KAUSAP!" inis kong sabi sabay hablot sa kamay kong kanina pa nya hinihigpitan sa hawak.
"ANO BA KASI?! PAG SINABI KO, SUMUNOD KA NALANG? MAHIRAP BA YUN? TIGAS DIN NG ULO MO! NAKAKAASAR KA! ANG HIRAP MONG PAKISAMAHAN!!" dabog nyang sabi sabay upo sa kama.
"AKO PA NGAYON ANG NAKAKAASAR?! HAH!? YAN ANG PROBLEMA SAYO EH! GUSTO MO IKAW LANG ANG NASUSUNOD! LAHAT NG SASABIHIN MO, GUSTO MO OO LANG AKO SAYO. NAKAKAKSAKAL KA NA EH...ALAM MO BA YUN. AT AKO PA ANG HIRAP PAKISAMAHAN? SINO BA KADING NAG-UTOS SAYO NA PAKISAMAHAN AKO? WALA DIBA? ANO PABIGAT AKO SAYO?! ANO?!" sigaw ko sa kanya. Nagpupuyos ako sa galit, parang gusto ko ulit bumawi ng suntok. Di ko na alam ang pinagsasabi ko.
"EUGENE! Anong nangyayari dito?!" biglang sigaw samin ni Papa ng pumasok ito sa loob ng kwarto namin. Natauhan naman ako sa sinabi ko. Tumingin ako sa mukha ng kapatid ko, namumula ito, at namumuo ang luha sa mga mata.
"O..Ojie..." utal nyang sabi. Sinisinok na sya na tanda na naiiyak na sya. Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin. Nadala lang ako, di ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon. Basta nadama ko nalang na galit ako.
"Nang dahil lang sa kahon na ito, nag-aaway kayo?" biglang sermon sa amin ni Papa habang inilahad ang kahon. Nakadama na naman ako ng pananabik ng makita ko iyon.
"Pa! Akin na yan please!" pagmamakaawa ko gamit ang pinaka the best na puppy eyes ko.
"NOOOO! YOU CANT!" biglang sigaw naman ng kakambal ko na ikinisimangot ko.
"Both of you! Enough!" pagpapahinto sa amin ni Papa. Natakot naman kami kaya umupo nalang kami ulit sa kama.
"No one can touch this box, kung hindi kayo magbabati and shake each others hand! Then NO! And that's a deal! Good night boys!" utos ni papa tsaka lumabas ng kwarto. Napipi naman kaming dalawa sa loob, naghihintay kung sino ang unang magsasalita.
"Ummm...Ojie? Bati na tayo please?"
"No." matigas kong sabi.
"Shake hands na tayo." pagpa-puppy puppy eyes nya pa sabay lahad ng kamay.
"If I will do that, papayagan mo ba akong makuha yung kahon?"
"No!" biglang seryoso nyang sagot.
"Then I will not do it." matigas kong sabi.
"Pero Ojie naman...sorry na uyyyy! I didnt mean yung sinabi ko. Kaya shake hands na tayo pleasseee...." pagmamakaawa nito na mas lalong tumalab sa akin.
"Okey...." bigla naman ngumiti ang kaharap ko, pero bago pa ito magsalita ulit, sinegunda ko na sya. "BUT! Then let me know first what are your reasons bakit ayaw mong kunin ko yung kahon." tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso ko.
"I...I ca..can't.." alinlangang tangi nito.
"Then I will not do it. Period!" matigas kong sabi sabay higa at talukbong ng kumot.
"Ojie naman ehhh..please...." pagmamakaawa nito sabay yugyog sakin.
"I just said no! Never! Never ever! Ayaw kitang kausapin." inis kong sagot sa kakulitan nito.
"Kahit konti?" kulit nito...haysss. Nakakainis na.
"Never in my life! I said never!" sigaw ko sa pagkapikon sabay bangon paharap sa kanya.
"O...Ojie..." nagulat naman dahil tumulo ang mga luha nito. Tsaka ito tumayo at tumakbo paalis.
"Kempoy!" hahabulin ko pa sana ito pero nakalabas na ito sa pintuan at tumakbo.
Gusto kong ako na ang mag sorry sa kanya. Kahit ako na ang umako sa lahat lahat pero wala na. At ang gabing iyon, ay ang huling gabi na pala namin na magkasama sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Shake Hands
ParanormalNaranasan mo na bang nagkamali pero huli na para itama ito at magsisi? Gagawin mo ba ang lahat para lang maayos ang di pagkakasundo, kahit na susundan mo ang taong ito sa napakaimposibleng paraan?