Araw na ng libing ng kakambal ko. Hindi parin ako tumitigil sa pag iyak. Kung payat ako, mas lalo pa yata akong pumayat ngayon. Ni wala nga akong ganang kumain, kahit na lagi akong pinakikiusapan nina mama na kumain ako kahit konti. Pero para lang akong tuod na di nagsasalita at tulala na umiiyak. Ni pagligo ata, di ko na magawa dahil maaalala ko nalang ang kakulitan nito pag nasa banyo kami. Kaya bigla bigla nalang ako luluha at mag iiyak pag ganun.
Ang sama sama ko. Ako na yata ang pinakawalang kwentang kapatid at kakambal. Para akong iniwanan ng kalahati ng aking buhay. Na parang akong nilumpo at paralisado sa estado kong ito, at walang kapag-asa pag-asa sa buhay.
Wala na ang lakas ko, ang kakulitan ko, ang tagapag-alaga ko, ang matalik kong kaibigan, ang pinakamamahal ko, ang pinakamamahal kong kapatid....at kakambal.
"Anak? Gusto mo magluto ako ng masarap na hapunan?" tanong ni mama habang nasa byahe kami pauwing sementeryo kung saan naglulumpasay ako ng ilibing ang aking kakambal. Ramdam nila ang pagod ng aking katawan pati narin emosyonal.
"Anak? Kain tayo. Magkakasakit kana nyan bahala ka. Anong gusto mo, at ipagluluto ko." nanlalambing na sabi ni mama habang nakaupo kami dito sa backseat ng sasakyan at si papa naman ang nagdra-drive. Hindi naman ako sumagot kundi nakatingin lang ako sa labas at tahimik na umiiyak. Sarado ang aking utak, dahil wala na akong inisip kundi paano nalang ang buhay ko simula ngayong wala na ang kakambal ko.
"Eugene...tahan na anak. Walang may gusto sa nangyari. Gusto mo bang ma-disappoint ang kakambal mo sa kalagayan mo ngayon?" sabi ni mama habang sinusuklay ng kamay nito ang buhok ko. Napakislot naman ako ng marinig ko iyon, kaya humarap naman ako sa kay Mama at yumakap ako. At doon naman ako mas lalong humagulhol.
"Shhhh...baby. It's ok. It's ok. Nandito si mommy ok?" higpit na yakap ni mama sa akin at halik sa ulo ko.
"No Ma. Kung hindi dahil sa akin, hindi sya magaganito. Kung...kung na....nakipagbati lang ako...sana di sya naaksidente sa hagdan. Na sa...sana hindi nya pa ako iniwan Ma!" iyak ko kay mama.
"No baby! Its not your fault. Hindi mo naman ginusto yun di ba? Walang may gusto nun. Pero ito lang ang masisiguro ko. Kahit wala na ang kakambal mo, nandito ka parin. At mahal na mahal ka ng kapatid mo. At ayaw mo namang pinanonood ka nya na ganito di ba?" tumango nalang ako sa sinabi ni mama na lumuluha nadin ngayon. Pero di parin palagay ang loob ko. Tahimik lang si papa na nagmamaneho, hinayaan nya lang kaming dalawa ni mama hanggang makauwi na kami.
Dumiretso naman ako sa kwarto namin, nope, kwarto ko nalang pala. Napahiga nalang ako sa kama. Naamoy ko na naman ang pabango ng kakambal ko sa unan. Niyakap ko ito at nagsimula na namang bumuhos ang luha ko.
"Ke...kempoy....sorry! Sorry...so..sorry! Sorry!"
________________________
Nagising nalang ako na madilim na at sa ingay ng katok ng pintuan sa labas ni Mama. Nakatulog na naman ako na yakap yakap ang unan ng kakambal ko. Hanggat maaari parang ayaw ko nang bitawan ito. Gusto kong yakap yakap ito kahit saan ako magpunta at inaamoy ang amoy na nakasanayan ko. Dahil pakiramdam ko, katabi ko lang sya. Yung bang nakaakbay lang palagi sa akin, yung dama kong kulit ng kulit at tawa ng tawa sa tabi ko? Dahil hindi ko iniisip na wala na sya, buhay sya! Buhay sya at yun lang yun!
"Anak? Kain na tayo. Naghanda ako ng masarap ng pagkain natin." boses ni mama sa labas.
Bumangon nalang ako, sabay abot ng unan at naglakad palapit sa pinto. Natapilok pa ako ng isang bagay nang hindi ko na maaninag ang paligid dahil hindi ko na sinindi ang ilaw. Binuksan ko na ang pinto at nakita kong natuwa ang mukha ni mama, pero kumunot ang noo nito nang makitang hawak hawak ko ang unan ng kapatid ko. Pero ngumiti parin ito ng pilit na tila iniintindi nalang ang kalagayan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Shake Hands
ParanormalNaranasan mo na bang nagkamali pero huli na para itama ito at magsisi? Gagawin mo ba ang lahat para lang maayos ang di pagkakasundo, kahit na susundan mo ang taong ito sa napakaimposibleng paraan?