The Content?

23 0 0
                                    

Kinabukasan, dali dali akong bumangon sa higaan at tumingin sa sahig. Nanduon parin yung kahon.

Kinuha ko ito, tsaka pinagmasdan. May mga konting dumi pa ito sa mga gilid gilid, kaya nilinisan ko muna ito konti. Medyo magaan sya, kaya alam kong maliit lang ang laman nito sa loob. Wala rin itong susian kaya hindi ko rin mabuksan buksan kahit ilang beses ko pang inikot ikot ito, para lang makita kung saan ang lock nito.

Dismayado kong nilapag yung kahon ng hindi ko magawang buksan ito. Pero pagkalapag ko, biglang may tumunog na parang makina sa loob. Na tingnan ko ulit, napansin kong nakabaon ang isang daliri ko sa hugis araw na design nito. Doon ko napag-alamang susi nya ito.

Inilayo ko ang kamay dito dahil sa mga tunog na parang metal. Para itong tunog ng makina ng orasan, dahil sa mga sunod sunod na pagpitik ng mga makina sa loob. Hanggang tuluyan na itong bumukas.

Kinakabahan akong tumingin sa laman ng kahon. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung kayamanan ito. Pero nawala ang pagkasabik ko nang makita ko ang laman ng kahon. Inilabas ko ito at sinilip ulit ang loob kong may iba pa itong laman, pero bigo ako. Ito lang talaga ang laman ng kahon.

Isang lumang salamin sa mata. Bilog at itim ang salamin. Tsaka kinikapitan ito ng kulay gintong frame. Wala namang kakaiba dito. Pangkaraniwan lang ito kagaya ng iba.

Di ako makapaniwala. Ito!? P*tang inang ito!!!?? Ito ang ipinalit ko sa buhay ng kapatid ko? Langhiya! Mababaliw na ata ako sa kakaisip na dahil lang dito, nawala ang pinakamamahal kong kapatid, dahil lang sa lintik na salamin na yan.

Napaiyak na naman ako habang hawak hawak ko ang salamin. Hindi ko alam kung ano nagtulak sa akin upang gustuhin kong angkinin ang kahon na ito at makipag away sa kapatid ko. Pero yun na yun eh..nangyari na. At malalaman ko nalang na yung ipinagpipilitan ko, ay ito lang? Para naman akong hinampas ng malaking kahihiyan.

Ibabalik ko na sana yung salamin sa kahon, pero napakunot ako. Tiningnan ko ulit yung salamin. Parang iba ang nakikita ko sa kabila ng salamin. Parang pag itututok ko ito sa isang lugar, parang iba yung paligid na makikita mo sa kabila nito. Naguguluhan man, ay sinubukan kong isuot ito. Pero pagkasuot ko, nagulantang ako kaya hinubad ko ulit ito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Naguguluhan ako na nalilito at bakit ganon ang nakita ko. Huminga muna ako ng malalim at sinampal ang sarili ko. Masakit, pero di parin ako sigurado kaya kinurot ko ang braso ko. Hindi. Hindi ito talaga panaginip, totoo ito. Kinakabahan man, muli kong kinuha yung salamin at sinuot ito.

Gaya ng dati, pagkasuot ko, umiba ang itsura ng paligid. Nasa kwarto parin ako, pero iba na ang ayos nito. Malinis, maayos hindi kagaya ng kwarto ko. Kung ang kama ko ay puti, dito ay kulay blue. May mga nakasabit pa dito na mga paintings sa diding hindi gaya sakin na panay wallpaper ng mga karakter sa anime. Maayos ang pagkakalagay ng mga gamit, hindi gaya ng sakin na nagkandahalo ang madumi at malinis.

Muli kong inalis ang salamin sa mata ko, at bumalik muli ang itsura na kwarto ko. Isinuot ko ulit, at ganun parin ang nakita ko. Alis, madumi, pag sinuot uli, malinis. Paulit ulit kong suot tanggal ang ginawa ko sa salamin para lang makasiguro sa nakikita ko. At duon ko napag-alaman na ibang dimensyon o lugar ang nakikita ko kung isusuot ko ang salamin. Hindi ko alam kung ano o saan. Basta ang alam ko ay kabaligtaran ng mundo ko sa mundong nakikita ko.

Wierd na kung wierd pero itong ito ang nakikita ko. Ewan ko kung nababaliw na ako o ewan. Basta yun na yun.

Para malaman kung ano ang nakikita ko, isinuot ko ito ulit. Bumalik ulit sa paningin ko ang lugar na nakita ko. Tumayo ako, at binuksan ang pintuan. Luminga ako sa paligid. Ganun din ang itsura ng bahay namin, pero dito, may mga paintings na makikita sa mga pader na kung saan sa amin ay panay mga family pictures namin. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan hanggang sa umabot ako sa kusina. Katulad din ito nang samin, ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng mga kabinet. Sa amin puti pero dito brown.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shake HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon