Para kay Ai

1K 42 7
                                    

Hindi kita kailangan pero lagi ka paring nandyan para sakin

Ayaw mo ako lubayan kasi sabi mo malungkot ako

Sabi mo pa, tutulungan mo ako kahit na hindi ko hingin ang tulong mo

At ang dahilan mo, kasi gusto mo lang

Nakakairita, nakakainis, naalibadbaran ako sayo

Sinusungitan kita para lubayan mo ako

Pero mas lalo mo pa akong kinulit

at hindi ka nagsasawa ng paulit-ulit.

Hindi kita pinapasin para magsawa ka na

Pero sadyang matigas ang ulo mo at ang dami mo pang pakana

Ikaw ang taong walang alam

dahil ang tanging alam mo ay mahalin ako

Oo, minahal mo ako kahit na ganito ako sayo

Pero ito lang masasabi ko sayo

Sa paglipas ng panahon

Para mo akong nailagay sa kahon

Kahon na kung saan ikaw lang ang nagmamay ari

Pag-aari mo na hindi pwedeng mahawakan ng iba

Hindi ko man maamin sayo,

Pero nahulog nadin ako sa bitag mo, at yun ay ang pagmamahal mo.

Mahal na kita hindi ko lang maamin,

Takot na baka iwan mo din

Sinubukan ko kaya naging tayo

Pati sa bahay ay nagsasama na tayo

Sa isang relasyon, hindi mawawala ang pagsubok

Pagsubok sa ating pag-iibigan ay tumuldok

Hindi ka padin sumuko

At na sayo padin ang puso ko

Kahit anong pilit na pag layo

Bumabalik at babalik padin ako sayo

Ngunit sadyang malupit ang tadhana

Muli tayo'y pinaghiwalay niya

Nakalimot ako, oo mahal ko

Patawad kung hindi kita maalala

Kahit hindi ka maalala ng utak ko

Puso ko'y ikaw padin ang kilala

Sinubukan nating muli

Pero hanggang sa huli

May humahadlang padin

At kailangan kong tapusin ulit ang mayroon satin

Pinilit kitang saktan at layuan

Para ito sa'yong kabutihan

Pero maniwala ka, mahal

Ika'y aking mahal na mahal

Ngayon, ikaw ay umiiwas

At naisipang lumuwas

Sa lugar na malayo ang pagitan natin

At ang sabi mo, ito ay para sa ikabubuti natin

Totoo ngang ika'y nagbalik

At sana pati ang iyong damdamin ay manumbalik

Paano nga ba maibabalik?

Kung ikaw ay laging naka asik?

Salamat mahal ko sa pangatlong pagkakataon

Pangako ito'y hindi ko na itatapon

Pag ginawa ko, pangako, sarili ko'y ibabaon

Ngayon mahal ko, mula sa sakit ika'y aking iaahon.

Mahal kita mula noon magpahanggang ngayon

Ikaw lang, wala ng iba pa.



***baka po sabihin ni Mika siya lang ang nasasaktan. :) salamat po ulit kung ito'y iyong pagaaksayahan ng inyong mahalagang oras :)

WOW (Words of Wisdom)[Random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon