another update ... vote and comment if u think it deserve :)
*****************************************************************************************************
<ASIANA>
Ngayong gabi ay gaganapin ulit ang coronation night para sa Mr. and Miss. Campus King and Queen nang aming University. Ngayon kasi ang foundation day nang University at mula kaninang umaga ay wala kaming pasok dahil sa mga activities na ginawa.
Hindi naman ako kasali sa pageant pero nandito ako at suot ang isang strapless silver na evening gown. Nakatali nang pataas ang aking buhok para makita ang aking magandang leeg at balikat. Nakasuot din ako ng diamond earrings and necklace na regalo sa akin ng aking parents noong mag debut ako.
Napakaganda ko ngayong gabi at mukha talaga akong queen lalo na at may suot pa akong korona sa ulo. Ito na ang huling gabi para sa aking Miss Campus Queen title sa aming University. Kailangan ko na kasing ipasa ang titulong ito na napanalunan ko last year. Punong-puno ng estudyante ang aming auditorium.
“Pumuwesto na kayo at mag-uumpisa na tayo at kumpleto na ang mga judges. Miss. Ferrera dito ka umupo katabi si Mr. Salcedo.” Utos ng event organizer. Ang Mr. Salcedong sinasabi nito ay ang nanalong Mr. Campus King last year. Sa pinakagitna kami ng mesa kasama ang tatlong pares ng contestant last year.
Hindi kalayuan sa amin ay ang mesa ng mga hurado. Isa-isa nang nagsi-upuan ang mga mga ito kaya napatuon ang atensiyon ko sa stage nang magsimula na ang programa. Syempre hindi na mawawala sa program ang stand up for the prayer and national anthem and so on and so forth. Hanggang sa dumako na sa pagpapakilala ng mga judges.
Napatuon ang aking atensyon sa mga hurado hanggang sa makasalubong ko ang titig ng isang pamilyar na mukha. Napalunok ako ng laway bakit naman kasi ako kinabahan sa titig niya.
Pero teka lang ang sabi ng sekretarya niya ay nasa out of town ang kulugong iyan bakit nandito siya at hurado pa? Kung ganun tama ang hinala kong ayaw niya lang akong harapin.
Pero kakampi ko pa rin ang tadhana at inilapit ka niya sa akin ngayon. Hindi ako papayag na magtatapos ang gabing ito na hindi kita makausap. Kaya naman binigyan ko siya ng aking pinaka matamis na ngiti. Para naman siyang nagulat sa aking ginawa pagkatapos ay napakunot-noo at nag iwas ng tingin.
Wow! ang feeling naman ni Shrek. Hindi man lang ako ginantihan ng ngiti kung tutuusin maswerte siya dahil bihira ko lang gamitin ang ngiting iyon.
“Our fourth judge is undoubtedly gorgeous. She is a model and also a beauty queen. The reigning Miss International, none other than Miss Cecille Sipsip.” Pagpapakilala ng lalaking host at nagpalakpakan naman ang mga audience.
“We also have the CEO of Argon Group of Companies and who have been a benefactor of our University for some of its scholarship program. Let’s give a round of applause for Mr. Argon Montefalcon.” Tinig ng babaeng host. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay kasabay ng palakpakan ng mga nanonood.
“Kahit naman pala paano ay may kabaitan din ang beast na iyan.” Mahina kung wika.
“anu ang sabi mo?” tanong ng aking katabi.
“Wala. Ang tagal magsimula naiinip na ako.” sabi ko na lamang.
Nagsimula ang pageant at wala naman akong ginagawa kundi ang umupo, tumingin at pumalakpak. Sa totoo lang naiinip na rin ako pero hindi ko iyon pwedeng ipakita. Ngiti lang ako ng ngiti. Iyon ang turo sa akin ni mommy kaya ito ako nahihirapan na ay nakangiti pa rin.
Pakiramdam ko nga ay naninigas na rin ang aking mga panga sa kakangiti. Dasal ko na lang huwag naman sana akong magka lock jaw. Tumingin ako ulit sa table ng mga judges at nakita kong may ibinulong si Shrek kay Cecile Sipsip na ikinangiti naman nito.
BINABASA MO ANG
Loving the Beast in You <Completed (SPG)>
Romance(ROM/COM) What if isang araw magising ka na lang na kailangan mong pakasal sa isang pangit na lalaki to save your family's wealth and family as a whole. Kaya mo ba?