<ASIANA>
“Okay ka lang ba Asiana?” tanong sa akin ni Emerald.
Kasalukuyan kaming nasa Squisito para sa dinner. Buong araw kaming nag-ikot sa mall. Nagshopping at nagpa salon. Tinawagan ko si Emerald at nagpasama sa kanya at nagpalipas ng oras. Malulungkot lang ako sa bahay at mag-iisip ng kung ano kaya mas mainam pang lumabas. Mabuti na rin lang at pinayagan siya ni Hitler na lumabas pero kasama ang mga body guard nito. Parang preso na nga si Emerald sa penthouse ng lalaki.
“Hindi.. hindi ako okay Emerald.” Sagot ko at malungkot na ngumiti. “Two months…. Two months nang nasa labas ng bansa si Argon. From one country to another. Two months na rin kaming hindi nagkikita at sobrang miss ko na siya.” Napabuntong-hininga kong sabi. Miss ko na talaga ang asawa ko.
“Alam mo namang busy lang iyon sa work. Your husband owns an empire.” Sagot niya. alam ko naman tama siya. Hindi biro ang kompanyang pinatatakbo ni Argon.
“I have a bad feeling about this kasi. Noong una ay madalas siyang tumawag pero unti-unting dumalang. Hindi ko naman maiwasang hindi kabahan at mag-isip nang kung anu-ano. Mga bagay na naglalaro sa isip ko. Alam kong hindi ko dapat iyon isipin pero dahil na rin sa kawalan niya ng oras sa akin ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng masama. What if all along ay may iba na siya kaya wala na siyang oras sa akin. Alam mo naman Emerald dati kahit gaano pa siya ka busy lagi siyang may oras sa akin.” Nasabi ko na rin sa wakas ang mga tumatakbo sa isipan ko.
“Anu ka ba sa ganda mong iyan ipagpapalit ka ba noon? And alam naman natin na head over heels sa iyo iyong asawa mo. Baka ikaw lang masyado kang paranoid at kung anu ano ang iniisip mo.” Sabi niya. Alam ko naman na she is only trying to calm me.
“masisisi mo ba ako? madaming maganda sa mundo at iyong mabibigyan siya ng anak. Ako, kahit gamitan na nang science wala pa rin. Paano kung Ipagpalit niya ako sa babaeng mabibigyan siya ng anak? Paano kung meron na nga siyang iba?” hindi ko na mapigilang ilabas ang mga agam-agam ko.
“Hey don’t be so insecure. Di ba nga ikaw na ang nagsabi na mahal ka ng asawa mo unconditionally. May anak o wala. Spell PARANOID kontinente.”
“I don’t know. Sana nga Emerald napaparanoid lang ako.” sabi ko sa kanya at napatingin sa isang pamilyar na babaeng naka-upo hindi kalayuan sa amin. Nakatingin siya sa kanyang orange juice pero halatang wala naman doon ang iniisip.
“Is that Cheska?” tanong ni Emerald? Kilala namin si Cheska dahil pareho kami sa isang university pumasok pero secretarial ang course nito. We became friends noong malaglag ko ang wallet ko sa Canteen at ibinalik niya sa akin.
“I think so. Gaya ng dati ang lalim na naman ng iniisip niya.” wala sa loob kong sabi. Marahil naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin at magkatagpo ang mga mata namin. Sa una ay nakakunot-noo siya pero nang mapagsino kami ay agad siyang nangiti at lumapit sa amin ni Emerald.
“Hey kumusta na kayo?” nahihiya niyang wika. Napangiti ako sa pagkamahiyain niya.
“Mabuti naman kami. Ako ay may isa nang anak. Si Asiana wala pa. Ikaw kumusta na” sagot ni Emerald. Kita kong nanlaki ang kanyang mata sa loob ng kanyang makapal na salamin.
BINABASA MO ANG
Loving the Beast in You <Completed (SPG)>
Roman d'amour(ROM/COM) What if isang araw magising ka na lang na kailangan mong pakasal sa isang pangit na lalaki to save your family's wealth and family as a whole. Kaya mo ba?