Part 1

15 0 0
                                    

"Maizel, Maizel!" sigaw ni Hannah.

Napukaw ako sa pagkatunganga sa mga bituin sa kalangitan ng kanyang sigaw. "Ui, Hannah, ikaw pala."

"Maizel, pasyal tayo!" sigaw niya ulit.

"Pero baka magalit si tatay at nanay," sagot kp kahit hindi naman totoo. Kung magpapaalam ako, tiyak na matutuwa pa ang aking mga magulang.

Pista sa aming nayon at halos lahat ng mga tao ay nasa plasa kung saan may nakatayong mga maliliit na tindahan na kung tawagin ay baklaran. Pero gabi na at ayokong makisalamuha sa mga taong naroroon. Mas dumami pa ang mga tao ngayong araw dahil nagsidatingan na ang mga taong mula pa sa ibang mga bayan upang makita ang Gugma Festival namin. Idinadaos ito taon-taon bilang pasasalamat sa diyos ng pag-ibig na si Gugma dahil sa kanyang walang humpay na pangangalaga sa aming nayon at sa pagpapanatili ng magandang relasyon ng mga mag-asawa at magsing-irog. Subalit hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Hindi iyon totoo at ilang beses ko na yung napatunayan. Ang nayong ito maging ang aking pamilya, sa kabila ng magandang ugnayang kanilang ipinapakita ay maraming bahong nakatago pala. Pilit mang ilihim ng aking mga magulang ay alam ko ang katotohanan.

"Hoy Maizel! Ano, sasama ka ba o hindi?" sigaw ni Hannah at unti-unting lumapit na sa pintuan.

"Hannah, huwag!" sigaw ko dahil alam ko ang binabalak niya pero huli na. Binuksan na niya ang pintuan at dali-dali akong pumanaog.

"O Maizel, ba't di ka sumama kay Hannah sa plasa?" tanong ng aking ina na tila masaya sa pagpapaalis sa akin.

"Oo nga Maizel. Pista naman ngayon kaya okay lang kung magliwaliw kayo sa plasa," sunod naman ni tatay at humigop ng kanyang tsaa.

Sabi ko na nga ba! Mas gusto pa nila akog itaboy para magkasarilinan sila.

"Sige," kung iyon ang gusto niyo.

Pagdating naman sa plasa ay wala namang masyadong kakaiba. Nahindik din ako sa lantarang pagpapakita ng "pagmamahal" ng mga pares at gusto kong masuka. Ngunit manghang-mangha at tila naiinggit pa si Hannah habang nakatitig sa kanila.

"Hoy, laway mo tumutulo," tukso ko.

"Ha? Ha? Hindi kaya," at natawa ako nang pahirin niya talaga ang bibig niya.

"Grabe Maizel, bakit ganito naman tong pista natin? Pista nga ng pag-ibig pero wala namang mga gwapng pwedeng ibigin! Ang mga kanayon natin tila wala ni isang maaaring pagtiyagaan man lang. Ang iba kay wiweirdo ng mukha tapos yung mga gwapo talaga out of reach naman,"

Hay, ganyan talaga. Pero paki ko ba? Hindi naman ako interesado sa kahangalang tinatawag nilang pag-ibig na puro kasinungalingan at hinanakit lang ang dala!

"Maizeeeeeeel!" sigaw ni Hannah at napapitlag ako.

"Ano ba Hannah?!"

"Friend cool ka lang," mahinahong sabi ni Hannah at may itinuro sa harap. Tiningnan ko at nakita ko ang kakaibang kagwapuhan at karisma na taglay niya.

"Ang gwapo!" sumigaw na naman siya pero di na ako nakaimik.

Napatingin siya sa direksyon namin at hinila ko agad si Hannah para umalis na pero nagpumiglas ito at pinuntahan pa talaga yung lalaki. Nag-usap sila at nagkamay. Nang bumalik si Hannah ay nakabuntot sa kanya ang lalaki.

"Robert, si Maizel ang bestfriend ko. Maizel, si Robert isang photographer!" maligayang pagpapakilala ni Hannah sa amin. Inabot ni lalaki ang kanyang kamay at tinanggap ko naman. Nang nagdaop ang aming palad ay kumabog ang puso ko at parang nahilo ako na hindi makahinga.

"Okay ka lang?" tanong niya at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Hinila ko ang kamay ko at tumango lang.

"Hannah, mauna na ako," mahinang sabi ko kay Hannah.

"P-pero baka anong mangyari sayo. Sama na lang tayong umuwi. Rob--" sabi ni Hannah at pinutol ko ang iba pa niyang sasabihin. Alam ko namang crush niya yung tao. Ayokong maging bruha at kunin tong chance na makausap pa yung lalaking yun.

"Okay lang ako, mag-enjoy ka na lang," bulong ko sa kanya at kumindat pa bago umalis.

"Sige! Labyuu bestfriend!" sigaw na naman niya at umalis na ako.

Nakakapagod talaga. Di lang ang paglalakad kundi pati ang buhay ko. Minsan ay gusto ko nang tumakas pero hindi ko pa kaya. Pero gustong- gusto ko na talagang umalis dahil...

"Letseng lalaki ka! Ang dumi-dumi mo! Sinong babae na naman ang kasama mo kanina?! Ha?! At pinatayan mo pa ako ng telepono. Walang'ya ka!!!" si nanay.

"Tumahimik ka nga Linda at baka may makarinig sa iyo!" sigaw naman ni tatay.

"Ano? Tumahimik? Wala akong pakialam kahit sino pa ang makarinig sa atin! Ikaw, hayop ka! Sa simula pa lang ito na ang pinaggagawa mo, hanggang ngayon ba'y di ka pa rin nakukuntento?! Hayop ka!!!"

Halos parati nang nag-aaway sina nanay at tatay sa mga araw na ito. Di man lang sila nahihiya lalo na si tatay. Kahit nung maliit pa ako ay ito din ang pinagmumulan ng kanilang away - ang pambababae ni tatay. Noong bata pa ako ay di lang nagsasalita si nanay dahil sa takot na saktan siya ni tatay. Nung maglaon, ay nagsalita siya at ipinaglaban ang sarili subalit sinaktan lang siya ni tatay at kitang-kita yun. Gani nun at nagising ako dahil sa ingay na parang mga pusang nag-aaway. Madilim ang paligid at hinanap ko si nanay dahil wala na siya sa tabi ko nung magising ako. Kahit sa dilim, nakita ko sina nanay, umiiyak si nanay habang pinipilipit ni tatay ang kayang mukha sa dingding. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Natakot ako kaya bumalik ako sa higaan at nagkunwaring natutulog na. Kinabukasan ay nakita ko ang mga pasa ni nanay at nagalit ako nang lihim kay tatay. Nagalit ako sa pag-ibig at isinumpa ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Naririnig ko pa ang pagtatalo nila. Pinahid ko ang mga luha na kumawala sa aking mga mata at binuksan ang pinto. Natigilan sila at nakita ko ang gulat na mukha ni tatay.

"Maizel, kanina ka pa ba?" tanong niya.

"Kararating ko lang po. May nangyari po ba?" painosenteng tanong ko.

"W-wala. Ano namang mangyayari?" dagdag ni nanay habang nag-iiwas ng tingin.

"Sige po, akyat na ako,"

"S-sige,"

Hinay-hinay akong umakyat sa hagdan at huminto ako saglit upang tingnan ulit sila. Nakaupo si nanay sa may sofa at nakatalikod sa akin habang si tatay naman ay nakatalikod sa kanya. Gumagalaw ang kanyang mga balikat. Umiiyak siya. Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa marating ang aking kwarto. Hindi na ako nagbihis at diretsong natulog. Sa panaginip ko, umiyak na naman ako.

Gugma ( Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon