Una nang inihatid ni MP si Hannah dahil mas malapit ang bahay nila habang malayo-layo pa ang amin. Si MP naman ay dun pala sa city lodge naka stay kaya babalik na naman siya. May sira yata ang ulo non at inihatid pa talaga kami.
Tumahimik din nang naihatid na si Hannah. Hindi ko naman kayang maunang magsalita kaya nagpanggap na lang akong tumitingin sa daan.
"Maizel," tawag ni MP sa malumanay na boses at napapitlag ako.
"A-ano?" Medyo natawa siya ngunit nagsalita din ulit.
"Alam mo, napansin ko lang, ang tahimik mo pero pag nag-uusap kayo ni Hannah parang tuwang-tuwa ka at maingay,"
"Ha? Ganon ba?" tanong ko kahit alam ko namang parang may dual personality talaga ako.
"Hmm, is it just me, or you really are not comfortable when I'm around?"
"Wow English. Nosebleed ako dun ah," Humalakhak siya at narealize kong nasabi kop ala ang nasa isip ko.
"Well madali kasi sa akin na ipahayag yung sarili kapag english pero if hindi mo gusto, eh di magtatagalog na lang ako," Natahimik sandal at nagsalita ako.
"May gusto ka ba sa akin?" bigla kong sabi. Bigla namang huminto ang sasakyan.
"Ay kalabaw na unggoy!" sigaw ko at tiningnan siya na nakatingin din pala sa akin nang seryoso.
"Joke yun," ang tanging nasabi ko. Para namang nahimasmasan siya.
"Wow andito na pala tayo sa amin. Sige salamat, mag-ingat ka pauwi," sabi ko at pumanaog na. Malapit na ako sa pintuan nang aming bahay nang bigla na lang na may humila sa aking kamay.
"A-ano?" Hindi pa pala siya umaalis.
"May gusto akong sabihin," sabi niya at para bang nalilito kung paano magsisimula.
"Ah, pwede English?" tanong niya at tumango lang ako nang mahina.
"Okay here goes!" at ngumiti pa siya. "Last night, when I saw you, I thought the big bang happened again. It was like I was looking at the greatest creation on earth. Pero napakailap mo. I can't even hold your hands longer when we shook hands coz I felt that if I do, you will run away and I'll never see you again. Then tonight, when you appeared right in front of me, you were not just beautiful; you made me feel like I was finally home. I don't want to call it love at first sight but right the first time I laid my eyes on you, I knew I needed you,"
What? Wait, what the h*ll is he saying? Char napa-inglis din tuloy ako.
"O-kay," Yun lang ang talagang nasabi ko. Parang nagloload pa yung mga sinasabi niya sa utak ko. Slow pa naman ako.
Napangiti siya at may sasabihin pa sana siya nang bigla na lang na may biglang kumalabog sa loob ng bahay. Mabilis kong inilabas ang susi upang buksan ang pinto ngunit dahil sa panginginig ng aking mga kamay ay di ko ito mabuksan.
"Ako na," sabi ni Robert at kinuha ang susi sa aking kamay. Pagpasok ko ay nakita ko ang basag na platito at tasa sa sahig at si nanay na umiiyak habang nakatalukbong ang kamay sa ulo. Si tatay naman ay mukhang akmang pagbubuhatan siya ng kamay.
"Tay!!!" sigaw ko at tinakbo si Nanay.
"Anak..." gulat na sambit ni tatay habang umuurong at napaupo pabalik sa upuan. Napahagulgol ako nang maramdaman ko na naman ang paghikbi ni nanay.
"Ano na naman ba to tay?!!" Hindi ko mapigilang paglabas ng mga hinanakit ko sa kanya. Sa bawat salita na lumabas sa aking bibig ay tila di makapaniwala ang tatay. Akala niya ay hindi ko alam, na wala akong alam sa kanyang mga pinaggagawa. Sa kanyang mga pambababae, sa mga pasakit na idinulot niya kay nanay, sa lahat lahat nang mga kasinungalingang paulit- ulit na lumabas sa kanyang bibig. Lahat ng mga iyon ay alam ko. Lahat ng galit at sakit ay itinago ko sa pag-asang balang-araw ay magbabago din siya at matatapos na ang kalbaryong ito.
"Pero hindi! Hindi ka magbabago kahit na ilang taon, dekada o buhay pa ang lumipas! Gago ka tay! Gago!" sigaw ko sa kanya at umalis na. Dinala ko si nanay sa kwarto ko habang parang batong naiwna si tatay mag-isa.
Patuloy ang pag-iyak ni nanay at hindi ito tumigil hanggang sa makatulog ilang oras matapos nun. Nakalimutan ko na nakasunod lang pala sa amin si Robert. Pumasok siya sa kwarto na may dala-dalang pitsel ng tubig at baso.
"Eto, uminom ka muna para kumalma ka," sabi niya nang inabot niya ang basong may tubig sa akin. Hinimas din niya ang likod ko at pinatahan ako.
"Si tatay?" malungkot kong tanong.
"Umalis ata siya," Tiningnan ko si Robert at naiyak ako nang Makita ko ang maamo niyang mukha.
"Bakit, bakit kailangang humantong sa ganito?" paghikbi ko.
"Tahan na, Maizel. Nandito lang ako," at inakap niya ako nang mahigpit. Kulang na lang ay umiyak din siya. Nakatulog ako habang nakayakap lamang sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/53726487-288-k114388.jpg)
BINABASA MO ANG
Gugma ( Love)
RomanceGalit ako dahil sa mga nangyari. Nagalit ako sa PAG- IBIG. Akala ko kinasusuklaman ko ito, pero nais ko lang palang mabigyan ng patunay na totoo ito.