Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay ni Hannah. Nasa bahay na naman siya. Ganito ka aga? Pumanaog ako at binati ako nang mabangong aroma ng kape. May pandesal din sa hapag.
"O Maizel gising ka na pala," turan ni Nanay habang pumapanaog ako sa hagdan.
"Oi ngayon ka lang nagising eh tanghali na? Grabe ka best! Di ka naman naglilihi ano?" Masayang sigaw ni Hannah.
"Sira!" sabi ko naman at sinuntok siya sa balikat.
"Aray naman!"
"Hoy mahina lang yun. O nay, bakit ikaw lang? Nasan si tatay?" Umiwas ng tingin si Nanay.
"Nakita ko ata siya sa parlor kaninang umaga. Baka magpapagupit," sabi ni Hannah habang sumusubo ng pandesal.
Nginitian ko na lang siya. Kung nandoon siya, isa lang ibig sabihin no'n.
"Punta na muna ako sa kwarta nak, Hannah, parang sumama kasi ang pakiramdam ko," sabi ni Nanay at tumayo na. Inalalayan ko siya patungo sa kwarto dahil namumutla siya.
"Ok lang po ba kayo nay? Baka kailangan nating pumunta sa doktor,"
"Hindi na nak. Napuyat lang ako kagabi dahil di ako makatulog sa daming iniisip. Sige na, asikasuhin mo na si Hannah at baka magtampo yan,"
Binalikan ko na lang si Hannah at naisip ko na gusto na namang pumutok ng galit na nakatago sa puso ko.
"Hoy okay ka lang Maizel? Parang na-scam yang mukha mo ah,"
"Haha, hindi wala to. Ano nga palang ginagawa mo dito?" pagbago ko sa usapan.
"Ay oo muntik ko nang makalimutan!"
"Ano?!"
"Sandali lang, lunukin ko muna to... Okay, ngayong gabi, diba Binibining Gugma na?"
"Oo, ano ngayon?"
"Well, inimbita tayo ni Mr. Charming!"
"Ha? Sino?"
"Anong sino? Si Robert! Yung kagabi! Siya lang naman yung gwapong grabe ang charisma ano,"
"Ah tapos?"
"Yun nga inimbita niya tayo kaya dapat lang na bongga din tayo para matalbugan natin yung mga kandidata! Dapat ngayong gabi ay di siya titingin sa kanila kundi sa akin at sa akin lamang!"
"Gaga! Photographer kaya yun kaya imposibleng hindi niya tingnan yung mga kandidata," natawa na ako. Grabe talagang mangambisyon tong kaibigan ko!
"Ah oo nga. Pero kahit na, kailangan pa rin na maganda ako at ikaw din kaya pupunta tayo ng mall at bibili ng mga damit!"
"Ha? Ayoko, wala akong pera,"
"Grabe isang damit lang naman bibilhin natin,"
"Mahal nga kasi sa mall,"
"Eh di sa tiyangge na lang,"
"Low quality,"
"Sa mall na lang ulit, yung naka sale,"
Magsasalita pa sana ako nang magsalita ulit si Hannah.
"Girl, para sa future ko na ito kaya pwede ba bilang best friend ko, i support mo ako dito? Just for tonight. I can really feel it Maizel. Tonight, another couple will be born! Yan nga pala sabi ni Beki,"
"Nagpapaniwala ka naman dun sa baklang yun," nangingiti kong sabi habang nagbubeautiful eyes pa si Hannah.
"Sige na nga. Kung di lang kita best friend,"
"Yay! Labyuu Maizel!"

BINABASA MO ANG
Gugma ( Love)
RomanceGalit ako dahil sa mga nangyari. Nagalit ako sa PAG- IBIG. Akala ko kinasusuklaman ko ito, pero nais ko lang palang mabigyan ng patunay na totoo ito.