Ang mga kasayahan ay nararapat lamang sa mga taong masaya kung kaya't hindi ako dapat na naririto ngayon sa Binibining Gugma. Pero dahil nga sa kakulitan ni Hannah ay naririto na nga ako kaya magpapakasaya na lang ako. Suot ang isang cocktail dress na kulay asul na elegante ang dating, ay tinungo ko na ang upuang sinabi ni Hannah nung nasa mall kami. Akala ko ay ako pa ang nauna sa kanya dahil hindi hilig ni Hannah ang maging early bird pero nandoon na pala siya at napakalawak nang ngiting nakikipagtawanan kay Mr. Photographer.
"Oh Maizel... you look great," sabi ni MP (Mr. Photographer). Wow siya pa talaga ang unang nakapansin sa akin.
"Salamat," matipid kong tugon at ngumiti.
"Maizeeeel!" sigaw naman ni Hannah at inakap agad ako. "Ang ganda mo 'te," bulong pa n niya.
"Alam ko," bulong ko naman pabalik at naupo na. Nagpa make-up pa kaya ako sa baklang suki ko sa salon.
"So ladies, do you want something to drink?" si MP na naman at tumigil ang kanyang mga mata sa akin ng mga ilang segundo.
Ay taray.
"Tubig lang sa'kin," sabi ko.
"Akin Royal True Orange!" sabi ni Hannah at nag thumbs up pa. Natawa naman si MP at tumayo na.
Grabe parang ang close na ng dalawa kahit na kagabi pa sila nagkita. Baka mabingwit nga ng bestfriend ko itong dayong ito.
"Ay super girl! Alam mo kakauwi lang pala dito sa Pinas ni Robert noong December last year. Mula non nagta-travel siya sa iba't ibang lugar dito para icover ang mga events para sa magasin na pinagtratrabahuan niya don sa London. Ang sosyal noh?"
Wow big time pala yung taong yun. Nakakainggit din. Kailan kaya ako makakapunta sa iba't ibang lugar? Mangyayari kaya yun?
"Hoy natulala ka. Ano, nahulog na din yung loob mo kay Robert?" tanong ni Hannah na may halong panunukso.
"Hindi ah. At tsaka crush mo siya kaya di ko gagalawin yang Robert mo. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo noh,"
"Eh bakit di ka pa nagkaka boyfriend ha? Maganda ka naman, matalino at galing sa isang mabuting pamilya. Huwag mong sabihing walang nanliligaw sayo mula sa mga primado klaseng pamilya ditto sa atin,"
"Tama ka. I'm the ideal girl kaya nga baka naiintimidate sila sa akin,"
"Ang sabihin mo girl natatakot sila sa iyo. Pag nakakakita ka kaya ng lalaki ay kumukunot agad yang noo mo. Hahaha!"
"Che! Tinatawanan mo pa talaga ako ha?" Pagkukunyari kong nagagalit.
Pero tama din naman siya. Ilag ako sa mga lalaki at pag nakakasalubong ko ang tingin nila ay napapasimangot ako. Kahit ang presensya nila ay hindi komportable sa akin. Nagpapawis ako na para bang natatakot, di makapagsalita at di halos makatingin. Pero iba si MP. Iba ang dulot niyang pakiramdam sa akin lalo nap ag ngumingiti siya. Para bang magaan ang pakiramdam ko at kaya kong tingnan siya ng mata sa mata, although minsan parang matutunaw na talaga ako.
"Eton a drinks niyo. Sorry natagalan, nakasalubong ko kasi yung organizer ng event at niligawan pa ako. Anyways, aayusin ko na yung mga gamit ko at magtatrabaho na. Enjoy your night ladies," sabi niya at nagmamadaling naglakad patungo sa nilagakan niya ng mga gamit.
"Alam mo, medyo nakakaturn off siya," sabi agad ni Hannah ng malayo na si MP.
"Ha bakit?" nagulat ako don.
"Kasi parang ang bait- bait niya sa lahat pero ang layo pa rin niya. Gets mo?"
"Tingin ko,"
"Kita mo kasi, una na yung bakla niligawan pa siya pero ayun nakangiti pa rin. Ako rin, parang paru-paro na dumadapo na sa kanya pero parang umiiwas pa rin siya. Ayoko sa mga ganun, parang hard-to-get... o di kaya'y... baka bakla siya??!"
"Ha?! Hindi naman siguro!,"
"Cool ka lang girl," natatawang sabi ni Hannah. Ang gwapo naman kasi non tapos bakla? Hindi, tingin ko talaga lalaki siya. Isa pa, yung vibes niya hindi talaga pambakla.
Nagsimula na ang programa at masayang pinanood naming ito ni Hannah. Nakikita ko naman si MP panay ang pagkuka ng litrato at paglakad. Minsan naman ay napupunta sa dakong kinauupuan naming ang tinging niya at tila nangingiti siya palagi. Mga lampas hatinggabi na nang matapos ang programa at nagsimula nang mag-uwian ang mga tao. Dala- dala naman ni MP ang kanyang equipment habang papunta sa amin ni Hannah.
"Sa'n ba ang uwi niyo? Ihahatid ko na kayo," alok ni Robert.
"Malapit lang. Okay lang sumakay na lang kami ng traysikel," sagot ko naman agad.
"Traysikel?" kunot-noong ulit ni MP. "Gabi na, baka kung ano pang mangyari sa inyo. Ihahatid ko na lang kayo pauwi tutal pinaunlakan niyo naman ang imbitasyon ko ngayong gabi," dagdag pa niya at ngumiti.
"Oo nga Maizel. Gusto lang naman ni Robert na makauwi tayo nang ligtas," si Hannah naparang excited talagang makisakay kay Robert at sa Rolls-Royce nito.
"Sige na nga,"
"Yes!" sigaw naman ni Robert.
"Ano yun? Sinagot ka na ng nililigawan mo?" pabirong tanong ni Hannah.
"Hindi pa naman," pamisteryong sagot ni Robert.
"Eh di may nililigawan ka ngayon, ganun?" tanong na naman ni Hannah. Tumawa lang si Robert at tumingin sa direksyon ko.
"Sige alis na tayo," sabi ni Robert at nauna nang maglakad.
Ah may nililigawan na pala yun since silence means yes daw. Wala akong laban kong foreigner yun. Gaga, anong paki ko ba?!
BINABASA MO ANG
Gugma ( Love)
RomanceGalit ako dahil sa mga nangyari. Nagalit ako sa PAG- IBIG. Akala ko kinasusuklaman ko ito, pero nais ko lang palang mabigyan ng patunay na totoo ito.