Chapter 1 :

56 10 3
                                    

Zara's POV

Madilim ang mga ulap. Halata mong maya maya lang ay uulan na. Huwag naman po sana ngayon dahil mahalaga ang araw na ito saken at wala akong dalang payong. Wala akong magawa kaya heto ako ngayon, nakatingin sa may labas ng bintana. Pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagmamadaling umuwi bitbit ang mga payong nila.

I'd wait for a few minutes para pagmasdan kung uulan nga ba. Pero sa kabutihang palad hindi nito itinuloy. Naibalik lamang ang aking tingin at atensyon nang tawagin ako ni Mr.Dimaano upang sagutin ang tanong niya.

"Ms.Montereal, what do you call the spectrum of light that appears when the Sun shines onto water droplets in the air?" Mabuti na lamang at kahit hindi ako nakikinig kay Mr.Dimaano ay alam ko parin kung ano ang tamang sagot.

"Rainbow, Mr.Diamaano." Hindi naman sa pagmamayabang pero kasi kung hindi siguro ako tumalino, tiyak na tumataginting na F ang aabutin ko. Malilintikan pa naman ako sa parents ko once na nangyari ulit iyon. I will be grounded for 2 weeks, no gadgets. Okay lang sana kung gadgets eh, pero ayaw ba naman akong palabasin ng bahay? Ayoko nang maulit pa iyon dahil sobrang pagtitiis ang dinanas ko.

Flashback

Ibinigay ko kay mommy ang report card ko. I already prepared myself for her reaction. "Oh, I see. You humiliated our family." And with that I started to cry. Hindi naman ganon ang gusto kong mangyari. I just only wanted to make my parents proud especially my mom. . Immature na kung tawagin pero may magagawa ba ako kung ganon talaga? Hindi ko naman na kasalanan 'yon eh. My teachers are the one who use and holds red ballpen and not me. At doon nakabase ang magiging grado ko, grado namin.

"Say goodbye to your gadgets." Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa limang salita na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko, ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa akin.

"M-mommy....P-please?" I don't know why I am even crying for pete's sake! Kindly inform my mom that my life really sucks?! And then she will grounded me for 2 f*cking weeks?! Goodbye gadgets,sunlight, fresh air and welcome rainy season.*insert sarcasm here* Just great. -__-

Speaking of that 'rainy season', bumuhos na nga ang ulan. "Your 'please' wouldn't change my mind." Aargh! I hate my f*cking life! I stormed at the sala and went to my room. Patience Zara, PATIENCE.

End of Flashback

*KRIIIIIIIIIINGGGGG*

Thank God! I started to fix my things when someone called my name. "Hmm, bakit?" Tanong ko. "Sasabay ka ba?" Tanong din niya. "Uhh, nope. May pupuntahan pa ako." Nginitian ko na lamang siya.

Kung nakucurious kayo kung sino yung kausap ko kanina, siya si Prince Ashton Lopez. His family is the owner of this school which is 'PRINCETON ACADEMY'. His name says it, right? Back to reality, andito ako sa hallway naglalakad mag-isa papuntang canteen habang pinagbubulungan ng mga kapwa ko estudyante. Pero wala na akong pake kasi paulit-ulit lang naman yung mga pinagbubulungan nila about me.

"Siya na naman? Ano ba 'yan!" --- Clown 1

"Oo nga! 'Yan na ba yung pinagmamayabang nila?" ---Clown 2

"She looks chestered oh! So awful," ---Clown 3

Bitch please?! Magbubulungan na nga lang dinig na dinig pa. Tsk! Mga pinalaki nang walang modo. Ano bang silbi ng mga ganyang tao dito sa mundo? Magtsismisan? magpaganda? magmayabang? manlait? Aba! Nabuhay pa sila kung ganyan lang din naman ang iaasta nila. Pakiremind po sila na they are in the SCHOOL at wala sila sa BAR. Ano sa dalawang iyon ang hindi nila maintindihan? Magmemake-up na nga lang sinobrahan pa. -__-

But wait, why do I even care about their attitude? Maybe nadala lang ako. Hindi naman ako nakikipag-away dahil pangmahina lang ang mga ganon. Hanggang masasakit na salita lang ang binibitawan nang mga magagandang katulad ko. At wala ako sa mood para idefend ang sarili ko today. Save Energy sabi nga nila 'diba? So why will I waste my energy sa mga hindi worth it nito? Haaaay buhay!













RaindropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon