Chapter 4

49 9 2
                                    

Zara's POV

      Pagkabuzzer pa lamang ay umalis na ako. Bakit? Kasi hindi ko na talaga kaya 'tong nararamdaman ko. Sobrang bigat na halos nakakalimutan ko nang huminga maalala ko lang iyon. Sobrang OA ba? Pagpasensyahan niyo na lang ako big deal kasi para sa akin ang pagkawala ng bestfriend ko.

Siya na nga lang ang pinakamatalik kong kaibigan na kayang tiisin ang pagkabipolar  ko except na lang kila Naomi. At alam ko namang hindi lang ako ang taong palihim na minamahal ang kanilang bestfriend 'diba? Kaya sana may mga tao pa ring kayang intindihin kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.

Come to think of this, diba nasasaktan ang isang nagmamahal pag ang taong mahal nila ay may kasamang iba? How much more pa kaya kung sa atin na 'to nangyari? Ano kayang mararamdaman niyo? Diba parang sumisikip yung dibdib niyo at parang may tumutusok ditong karayom? Parang ganon kasi yung akin. Mas malala nga lang onti.

"Ms.Montereal wait!" Sigaw ng isang lalakeng tumatakbo para maabutan ako habang pawis na pawis.

Teka, si Ashton 'yon ah? "Problema mo? Kung wala kang magawa sa buhay mo at gusto mo lang mantrip ay kuya sinasabi ko na sayo bad trip ako." Salita ko sa kanya nang nasa harapan ko na siya. Bwiset din kasi minsan to eh, may topak.

"Hindi ako mantitrip Promise! I just wanna say sorry because of what happened at the hallway between you and Naomi. I am so sorry." Haay nako kung alam mo lang, beast mode lang ako pero hindi ko magagawang magalit sa isang PRINCE ASHTON.

"Ah, iyon ba? Okay lang. Ako nga dapat ang mag sorry dahil pinahiya kita and even Naomi. I just acted so childish at hinayaan ko kasing lamunin ako nang emosyon ko. Masyado akong padalos- dalos. I can't even think well that time." Protesta ko. It was me who should say sorry naman talaga. Sadyang mamon lang kasi ang puso nitong lalakeng ito.

"Talaga?! Thank You Zara!" Aba, aba. May fee iyong sorry ko. Mahirap sabihin ang limang letra na iyon lalo na sa mga katulad kong mapride. Ibinaba ko na nga ang pride ko tapos wala pa akong fee? Aba kung sinuswerte ka nga naman.

"Huwag pakampante. Malay mo hindi pa lang kasi napaprocess ng utak ko nang husto yung mga pangyayari. We don't know what will happen next. Sige na, mauna na ako. Badtrip pa rin ako kaya if you don't want to see the other side of me, go now and hide." He was about to say something pero I already raised my hand as sign for him to stop before he can even utter a word.

Aarte pa ba siya? Kalalakeng tao jusko! Naiistress talaga ako. I think I should have a break somehow. Masyado na akong nag over think sa mga bagay na bagay na usually at hindi ko naman gawain.

~*~
@ House

"Nakauwi na po ako!" I shouted. Why? Para naman aware silang nakauwi na ako at baka magalit pa sila sa akin kung akala nila ay hindi ako umuwi. Gets? If not, well it's not my fault anyway.

"Okay." My mommy said. Ang sakit pa rin pala talaga kapag walang pake sayo ang parents mo. Ano pa bang silbi nang pagiging mayaman namin kung sa pagmamagal pa nga lang na hinahanap ko sa parents ko ay nahihirapan na ako? Nakakabuwiset talaga! Ang dami na namang nangyari ngayon. Una, si Lucas. Pangalawa, yung sa hallway. Pangatlo, yung kay Ashton at pang-apat itong sa parents ko.

Can just anybody wake me up for me to realize what's happening in my life? Nakakaimbyerna. Sarap lang magpakamatay sa panahon ngayon pero It's not yet my time. Atsaka naaawa rin ako kung mababawasan pa lalo ang mga extinct na magaganda katulad ko.

Kung may kokontra pa ay Jusko. Huwag ka nang magprotesta pa dahil wala ka rin lang namang mapapala. Kaya if I were you I will just use my time wisely instead na sayangin ko pa in to non sense things. Haay Buhay!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RaindropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon