A person who call you names you don't like, who will embarassed you in public, who have a guts to shout the name of your crush on everyone or sometimes who will blackmailed you. Madalas pa nga e pipilitin ka pa nyang manlibre o di kaya kokonsensyahin ka nyan. Yung taong walang hiya na kukurutin ka kapag kinikilig sila o babatukan ka kapag nalate ka. Fta lang diba? May mas worst pa nga dyan. Yung hihiramin yung cellphone mo then tatawag sa kung kaninong number para may mapag tripan, o kaya may itetext sa katext mo then all of a sudden magugulat ka dahil may convo na sa messages mo. Minsan naman ino-open yung facebook mo sa phone mo then mag popost na kung ano-ano sa kung kaninong timeline. Kaibigan nga naman. Ang kakapal ano? Hihihi.
Pero kahit ganoon sila, Sila yung pinaka nakakakilala sayo di ka man mag text o magparamdam e alam mo naman sa puso mo na sila talaga yung totoo. Na handa ka nilang tulungan sa kahit anong problema mo. Na kahit nag aasarasan kayo, Sa huli kayo pa rin yung magkakampihan kapag may nang-away sa isa. Yung alam mo sa sarili mo na may pangalawa kang pamilya. Yung handa silang magsama-sama sa kahihiyan. Handang ibigay ang sagot mo o magpakopya ng activities makapasa lang yung isa. Yung karamay mo sa lahat ng kadramahan mo sa buhay. Pinagsasabihan mo ng mga problema at sikreto mo. Lovelife o family pa yan updated sila. Kungbaga, Sila yung alam na alam kung paano ka sisiraan pero never nilang gagawin.
Bestfriend is a blessing from heaven. It is a gift, a special gift indeed. They are like our sibbling and our partner in crimes. I am very thankful because I have one, my sisterakas, Pabebes.