Chapter Two
"Class! Quiet! I have an announcement! The classes have been suspended dahil may bagyo daw ngayon sabi ng PAGASA. So, the School Committee approve to it. Kaya ngayon, magsaya na naman kayo dahil walang pasok. Pero pinapaalala ko lang sa inyo na bawal lumabas ng bahay pag may bagyo. Huwag kayong magtanong kung kailan kayo ulit papasok kasi hindi pa namin alam. Siguro paghumina na ang bagyo at hindi na signal #3. Kaya class goodbye and had a safe life!"
haayyyy!! after so many years! tapos na rin ang litanya ng napakastrikto ni Elaine na Proffessor. Matandang dalaga kasi, kaya ubod ng strikto. Hindi pa naman ito masyadong matanda she is in her midthirties ata. She don't know.. Bahala na nga.
Nagunat siya ng mga kamay at lumabas na ng room.
Kyaaaa!! Walang pasok! HAHAHA! Salamat naman. Hindi kasi siya makaconcentrate sa lecture kanina kasi malakas ang ulan, para kasing masarap matulog. Madali pa naman siyang makatulog. Mabuti naman walang pasok..WAHAHHAHA!!
Palabas na siya sa main gate nung sinalubong siya nung Guard. Naku! ito na naman po sila. Si manong guard na naman. Parang alam na niya ang kinahihinatnan ng mangyayari ah. Lumapit yung Guard sa kanya.
"Oyy!! Ms. Elaine Escalona! Tignan mo nga naman oh, kapag sineswerte ka. hahaha!!" Mukhang baliw na tawa nung guard. Echusera! "Anong tinitingin-tingin mo ha?! Akala mo makakalimutan ko yung atraso mo sa akin? ha? You will neber git awey wid i-i-it! it!" Lakas loob na sabi nito sa kanya. Akalain mo makapag English si kuya guard wagas!! hahaha
"Kuya Guard naman, maawa ka hindi ko naman sinasadya eh. Nagkataon lang na nahulog yung inumin ko sa damit mo. Sorry na!" Paawa effect na litanya niya sa guard na halatang naaawa na sa drama niya. Ganyan talaga ang ginagawa niya kapag may kasalan siya. Nagmamakaawa. Well hindi sa gusto niyang magsorry sa guard talaga no, nakakahiya lang sa mga taong lumilingon na sa kanila. Masyado pa naman siyang mahiyain. She doesn't want other's attention! Sobra na kasi siyang napapahiya dahil sa impaktong guard na ito eh. Bagay lang talaga dito ang matapunan ng inumin sa damit. Mabuti nga! Bahala siyang maglaba!! Bwisitttt 2x!!!!
"Sige na nga! Basta sa susunod mag-iingat ka na! Sige na, umuwi ka na! Oh, meron ka na bang payong? Sige umalis ka na nga!" Hayyy.. naku minsan may topak din itong guard nila. Minsan mabait, minsan masungit, minsan suplado.. haayyy eewannn!! Baka isa itong paminta! Nagselos siguro sa kagandahan niya kaya ganun yung trato niya sa mga babae.. hahahah!!
"haayyy.. kung ano-ano na ang iniisip ko" mahinang sabi niya sa sarili.
Umalis na siya sa school. Sumakay sa Jeepney at bumaba sa harap ng kanilang apartment. Sinalubong na naman siya ng isang guard. bakit parang napapalibutan siya ng mga guard ngayon? haaayyy...
"Oh kuya! What's up! Mukhang maganda ata ang mood nating ngayon ah!" Masiglang bati niya sa guard.
"Ai, oo naman. Katatanggap ko lang nang pangalawang sweldo ko ano. hahahaha!! Kaya huwag ka nang magtaka! Masaya talaga ako" masiglang sagot nito sa kanya.
"Wow naman! Iba na talaga ang masipag kuya ah. Tama yan. Mabuti!" sabay tapik sa balikat na pagsangayon niya.
"Ano, gusto mo ilibre kita? May ice cream doon sa conveniece store malapit dito eh?"
"Naku kuya, huwag na no. Ipadala mo na lang yan sa pamilya mo sa probinsya. Kaysa naman sa ilibre pa ako. Nakakakonsiyemsa yun eh.. Sige kuya aakyat na ako,.. Sige. BYE!!" Pagpapaalam niya dito sabay talikod. Pero napalingon ulit siya nung may sanabi ulit ito.
"Meron nga palang bagong lipat dito kanina, katabi ng ROOM niyo. Sa SLU din ata nag-aaral eh. Baka kilala mo. O baka nakita mo na sa School niyo? At tsaka, alam mo Elaine taga probinsya din eh. Saan nga ba yung hometown niya??? hmmm.." Sinabi nito na halatang nag-iisip muna bago nito sabihin. " Ahhh!! Taga Sta. Maria, Ilocos Sur!! hahaha!! Pero teka, diba taga doon ka din? Baka kilala mo yun.? Baka nga kakilala mo ano?"
"Talaga? Ano daw pangalan kuya?" tanong niya na halatang interesado na sa pinaguusapan nila.
"Ahhmm... ano nga pala yun?" Sabay kamot sa ulo nito, na halatang pinipilit alalaahanin ang pangalan nung bagong lipat. " Ano, R-ronald ata? OO Ronald! Pasensya na ha. Medyo makakalimutain kasi ako. Alam mo na. Matanda na kasi ako..hehhee!!" Tatawa-tawang sabi nito bago siya binalingan. Nagtaka yung guard kung bakit parang natulala si Elaine.
"Elaine OKAY ka lang ba?" sabi nung guard at niyugyog siya para matauhan.
Parang nagising naman sa Elaine sa pagkatulala. " HA? Bakit kuya?" halatang hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Hay, naku. ano bang nagyayari sa iyo. sinabi ko lang yung pangalan nung lalaki eh, parang nasaniban ka na ng katahimikan diyan. Kilala mo ba yung lalaki?" parang naging interesado naman itong guard na malaman kung ano ang isasagot ng dalaga.
"Ha? a-ano. H-hindi pero parang pamilyar yung pangalan eh. hahaha! Tama! sige kuya alis na ako ah. hahaha!!" nagmamadaling umalis siya paakyat sa kwarto nila. At iniwan ang nagtatakang guard.
Nakarating na siya sa 4th Floor. Naglalakad na siya papunta sa kwarto nila nang may tumunog sa Cellphone niya. Kinuha niya ang Cellphone at nagsimulang basahin ang text. Si Mama pala iyon.
*Message*
from: MAMA
"Elaine, alam mo bang diyan pala mag-aaral si RONALD sa mismong pinapasukan niyo? Akala ko ba sa LORMA sa LA Union siya mag-aaral? Kung hindi pala kami nagkita ni kumareng candida sa palengke eh, hindi ko pa malalaman. Ano, nagkita na kayo? Sabi kasi ni kumare, diyan din yung apartment na inupahan nila. Akalain mo yun anak."
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mensahe ng kanyang mama. Pero isa lang ang naramdaman niya nung mga sandaling yun. Nasasaktan siya.
Bakit?
Bakit?
Bakit kung kailan handa na siyang mag move on saka ito darating. Hindi naman niya ipinagkakailang hindi niya ito namimiss sa mga araw na hindi niya ito nakikita simula nung nalaman niyang may relasyon na ito at ang babaing yun. Nasaktan siya Oo. Pero naging matatag siya kasi ayaw niyang may maawa sa kanya. Kaya ang ginawa niya tinggal niya ang mga litrato nito sa kwarto niya para hindi niya ito maisip o maalala. Pati sa Account niya sa Facebook, hindi niya masyadong binubuksan para hindi niya ito makita kahit sa picture or panglan lang nito.
Pero bakit ngayon? Bakit parang may bumabalik? Ibig sabihin ba nun, hindi pa siya nagkakamove on dito? Pero bakit nung nakita niya ito sa Facebook nito, parang wala lang. Nakikipagbiruan pa nga siya doon sa kapatid niyang si kuya Joe noong isang araw eh.
Pero bakit, ngayong alam niyang nandito ito sa Baguio, sa School na pinapasukan niya, sa building na tinutuluyan nila, sa malapit sa apartment nila.
Bakit?.. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Am I just fooling myself that I move on already or his still in my heart?
Ang daming mga bumabagabag sa kanya.
At bakit parang biglang tumibok ang puso niya. Parang malapit lang ito sa kanya. Ang malala pa parang kinakabahan pa siya na hindi niya maipaliwanag.
Naglalakad pa rin siya at nakaharap sa floor at nag-iisip kung ano itong nararamdaman niya.
Hanggang sa may mabangga siyang tao sa harap niya. Hindi niya maipaliwanag pero parang, itong nabangga niya ang may kinalaman sa lahat ng mga nararamdaman niyang kakaiba. Hinarap niya ito at lalong tumibok ang puso niya nang magsalubong ang mga mata nila. Titig na titig ito sa kanya.
Tama nga ang hinala niya. Si Ronald nga itong nabangga niya!
Hindi na niya maipaliwanang ang nararamdaman, parang gusto na niyang sumabog sa sobrang excitement at kaba ng makita ito.
At hindi na rin niya namalayan na binanggit na niya ang pangalan nito..
"R-r-ronald??!!"
BINABASA MO ANG
Give Your Heart A Break
Teen FictionBuong buhay ni Elaine hinangaan niya ang isang binata. Iyon ay si Ronald Romano kaklase niya mula Elementarya hanggang High School. Subalit naging mailap sakanya ang binata. Hindi niya alam kung bakit, basta pag lumalapit siya dito bigla na lang ito...