Hanky

15 1 0
                                    

Penelope's POV

After nung nabasa ko kagabi. Di ko na maalis sa isip ko na ang isang David Pete Cash ay magkakaroon ng problema sa love?

That's unbelievable. The one who always broke a heart seems to be also broken. Hmmmmmm. Ironic isn't?

Di ko pa nga alam kung re-replyan ko sya kagabi eh kasi halo halo yung iniisip ko kagabi. Gulat inis at awa.

Pinagisipan ko pa ng matagal kung re-replyan ko sya kasi syempre naiinis ako sa kanya sa pambubully nya. Pero syempre dahil naawa naman ako....Binigyan ko na sya ng advice. Ang sagot ko lang naman sa problem nya ay simple lang.

"Learn to let go. Not everyone in your life is meant to stay. Kung kaya nyang iwan ka. Kaya mo din dapat syang kalimutan. Mahirap sa una pero wala naman bagay na madali sa una diba? Malay mo masaya na sya don pero ikaw umaasa ka sa wala. Wag kang magpakatanga! Madami pang iba dyan. Try mo kasing mag seryoso. AGAIN tama na ang pagpapaka TANGA. It's about time to think about yourself."
From : The Anonymous 143

-----------------------------------------------------------

Andito ko ngayon nakaupo sa upuan ko habang nakikinig ng lecture ng teacher ko about sa History ni Rizal. Medyo boring para sa akin tong subject na to. I'm not into History.
Matapos ang 2 oras na kaboringan sa subject na history papunta na kami nina Jade and Amelia sa cafeteria para mag lunch.

Naalala ko nanaman si David... Ano na kaya nangyare sa kanya? It's been 2 days after nung sinagot ko yung problem nya eh. Di naman sya nag reply. Di man lang nag thank you! :3

"Alam nyo ba na may bagong issue na kumakalat sa school!" Pabulong na sabi samin ni Jade habang kumukuha ng order ng pagkain namin.

"What?" Tanong namin ni amelia.

"You know David Pete Cash right?" Tanong samin ni Jade.

Amelia and I nodded.

"Si david daw eh nakitang may ka date sa isang restaurant!" Sabi ni jade na pabulong.

"Talaga ba!? First time lang nyan ah. Balita ko kasi dyan never nakikipag date puro Bar lang at Babae :3" Sabi ni amelia.

"Oo! Pati yung dalawa nyang kaibigan. Hayss Di naman sila mga gwapo! :3" Inis na sabi ni jade.

"Hoy Pen! Okay ka lang? Di ka nagsasalita diyan?" Biglang tanong sakin ni amelia.

"Wala. May naalala lang ako." Sagot ko sa kanya.

"May problema ba pen?" Alalang tanong sakin ni jade.

"Anu ba kayo. Okay lang ako no." sagot ko sa kanila.

"Okay sabi mo eh" sabi ni jade. Nakita kong nagtinginan sila na parang di naniniwala sa akin. Well kumain na lang ako ng kumain.

Natapos ang lunch break namin na puno ng kwentuhan. Madami kasing sources si jade kaya ang dami nyang kwento.

The Anonymous 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon