Ely Pante/ Penelope Zamora

36 2 0
                                    

Liza Soberano as Ely Pante / Penelope Zamora
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Si Penelope ''Pen'' Zamora, 2nd Year College Kumukuha sya ng kursong Mass Communication sa Isang kilalang paaralan sa buong Pilipinas! She's one of the most beautiful girl sa school nila ayon sa social media voting yet never pa syang nagkaka bf dahil ayaw pa nya pumasok sa isang commitment! Pero ang di alam ng nakararami eh may dalawa itong sikretong itinatago.

Ang una ay nakaraan nya, May major crush sya noong highschool sa isang Casanova si Gregory "Greg" Gamboa isa sa mga highschool heartthrobs sa school nila. Halos lahat ng babae nalalaglag ang panty sa kanya! Pati na nga ang mga bakla eh!(ewwwww haha) Noong highschool kasi sya eh super duper in love sya kay Greg As in sinasabi nya sa mga friend nya na crush nya lang yon pero duh! Crush pa ba yong magpapadala ka ng lunchbox na puno ng hearts na nuggets sa locker room nya!?

Tas nung Valentines day nung 3rd year highschool sya eh nagpadala ba naman ng One Heart Shaped Box ng Ferrero! Gosh Obsessed! Joke!) So ayun na nga dumating ang araw ng Graduation nila at balak nyang magtapat sa kanyang crush/love na si Greg. Perot inurn down ito ni Greg at pinahiya pa nya ito dahil sa itsura ni Pen!

Pinagsigawan nya sa buong estudyante na ang taba taba daw ni Pen! na yung dalawa daw nyang baba eh parang kama daw sa laki! tas yung katawan daw nya eh di kakayanin ng timbangan! Kaya after non! Umuwi la sya ng iyak ng iyak! Kahit katok ng katok yung mama nya eh di nya ito pinagbubuksan! Punong puno sya ng galit sa kanilang lahat! Sa lahat ng nang api sa kanya! Halos tatlong araw din syang di lumabas ng kwart ! Pero kumakain pa rin sya no! Di nya matitiis na di kumain kada minuto!

Sa tatlong araw kong pagkukulong sa kwarto. Napagdesisyonan ni Pen na umalis sa kanilang lugar at lumipat sa bahay nila sa Manila upang gawin ang balak nya! Napagdesisyonan nya na habang bakasyon nya ay magkakaroon sya ng isang "Major Transformation" sya lang ang nakakaalam nito at ang pamilya nya! Mayaman naman sila kaya walang kaso ang pera sa kanila!.

Sa tatlong buwan na bakasyon ay pinagtuunan nyang pansin ang Major Transformation nya! Nagpa opera sya para mabawasan sya ng Kilo Kilong! TABA! Hirap na hirap yung mga doctor na nag opera sa kanya! Halos isang buwan din sya di makakilos sa opera kasi naninibago sya.

Tapos dun sa dalawang buwan na natitira. Ginugol nya ang sarili nya sa Mall! As in araw araw! Nasa Mall sya. Kung wala sa Salon nasa mga Designer's Collection sya. Suportado naman ang mga maulang nya sa mga ginagawa nila. Mayaman naman kasi sila. They own the one of the most famous hair product dito sa Pilipinas ang Lust-A. Pati na din ang isang Clothing Line ang FOX.

Wala syang balak mag revenge sa mga taong umalipusta sa kanya dahil di sya tinuruan ng kanyang mga magulang na makipagaway. Pero dahil sa sobrang sakit na naransan nya. Makikita nila kung sino ang kanilang minamaliit noon.

At ang pangalawang sikreto nya ay isa syang manager ng isang pinaka sikat na facebook page sa Pilipinas ang "3L (Love Letter Line)'' na kung saan ay maari kang mag send ng iyong problema about sa "LOVE" interesting diba? Isang inexperienced sa love ang magpapayo sayo about sa love! Hilig nya kasing making kay Dj chacha sa MOR 101.9 kasi pangarap nya maging Dj balang araw! Naimpluwensyahan sya ni Dj chacha na laging nagbibigay ng advices about sa love problems etc.... Kaya ginagaya nya ito sa pamamagitan ng social media! Kahit maganda na sya eh may kabitan pa rin si Pen. Galit lang sya sa mga taong nang api sa kanya pero di ibig sabihin non magbabago na ang ugali nya.

Marami na syang natulungan about sa love! Pano ko nasabi? Kasi halos lahat ng nabibigyan nya ng advices ay nagsesend ulit ng message na sila ay nagpapasalamat sa kanya.

Masaya sya na nakakatulong sya sa iba ngunit malungkot din sya dahil di nya pwedeng ilabas ang tunay nyang pagkatao dito dahil alam nyang pag inilabas nya ang kanyang tunay na sya ay mauungkat muli ang nakaraan nya. Kaya kahit nangangani ngani na syang sabihin kung sino sya ay di nya magawa dahil ayaw nya ng balikan ang nakaraan na nagpabago sa kanya dahil takot syang maulit muli ang nangyari noon sa kanya. Natatakot syang iwan sya ng kasalukuyan dahil sa kanyang nakaraan. Kaya mas kilala sya sa codename na "THE ANONYMOUS 143".

.

.

.

.

.

.

.

.

Hello! Haha So ayan ang unang Main Character natin dito sa una kong story na ginawa sa wattpad. Abangan kung sino ang lalaking magpapayanig ng kanyang mundo!

Haha wag ka ng mag inarte! Abangan mo na lang kung sino tong Super Hot and Super Gwapong Character! :D Hulaan nyo :D

Kindly Vote this story and Follow me :D (di ako famewhore! xD)

The Anonymous 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon