Chapter 3

84.3K 2.1K 37
                                    

Tatlong linggo na mula nang mag umpisa ang klase. Pakiramdam ko tatlong dekada na akong nag-aaral sa SPIA. Araw-araw na lang  akong naiinis at nababadtrip sa paligid ko sa tuwing papasok ako sa school ay magugulo at maiingay ang mga kaklase ko.

"Girl, may bagong labas ang chanel ngayon na bag. Nakita ko sa mall kahapon. Tara bumili tayo!" usal ni girl #1

"Talaga, girl? Puntahan natin mamaya," tugon ni girl #2

Tinakpan ko ang tenga ko. Oras ng klase pero ang pinag-uusapan nila puro kaartehan. Napalingon ako sa likuran ko, at umiling-iling ako. Wala roon ang limang sikat na casanova sa school. Sayang sila matatalino pa naman sila kaya lang tamad pumasok sa mga subjects. Muli kong tinuon ang pansin ko sa pagbabasa ng libro. Umarko ang kanang kilay ko nang marinig kong tinatawag ang pangalan ko. Inangat ko ang mukha ko upang malaman kung sino ang tumatawag sa pangalan sa akin.

"What?"

"Hi, Mhady. I'm Tristan."

"Alam ko?"sagot ko.

"Ahh– K-Kasi A-Ano.. M-May––

"Bulol ka ba? Pautal-utal ka kasi eh, look Tristan, wala akong panahon para kausapin ka. Hindi mo ba nakikita? nagbabasa ako ng libro?" diretsong sabi ko.

Alam na alam ko na kasi ang gusto niyang mangyari. Gusto nila akong ligawan. Anong akala nila sa akin easy to get? Hindi nila alam na narinig ko ang usapan nila noong isang araw.

Mag isa akong kumakain sa cafeteria. Alone ako. Mas gusto kong kumain mag-isa mas tahimik. Madalas akong kumain sa puno ng narra sa likod ng school namin tuwing oras ng breaktime. Dahil ayokong makipagplastikan.  Nagkataon na walang gaanong kumakain ngayon sa cafeteria kaya narito ako ngayon. Nakalagay sa tenga ko ang bluetooth headset ko upang wala akong ibang marinih kung hindi ang pinakikinggam ko lang na paboritong kanta.

"Miss. President!"

Narinig kong tawag sa akin. Ngunit hindi ko ito pinag-aksayahan ng oras para lingunin. Who the hell I care.

"Brad, hindi ka niya naririnig! Nakaheadset sya," ani boy#2

"Brad, Nakikita niyo ba si Miss President? Ang ilap niya sa mga lalaki dito sa school na 'to, " sabi ng kaklase niya.

"Oo nga! Alam mo bang nagbigay ng pabuya si Xenon kung sino man ang lalaking magpapaibig kay Miss President," sagot pa ng isa.

"Mukhang ang hirap niyang suyuin. May pagkatigre,"sagot pa ni boy #3

"Gamitin niyo ang charm at the moves niyo, para mahulog sa inyo. Alam niyo bang two million ang makukuha niyo." Boy#1

"Susubukan namin."

Gustong-gusto kong ibuhos sa kanila ang iniinom kong juice at ihampas sa kanila ang tray na nasa harapan ko. Sino kayang Xenon 'yon? Wala naman akong classmate na ganun ang pangalan. Asa sila! hindi ako mahuhulog sa bitag nila.

"Ang sungit mo naman, hindi ka naman maganda." Sagot sa akin ni Tristan.

Bigla akong bumalik sa realidad. At gigil na gigil sa kaharap ko ngayon. "Yon  naman pala eh, hindi naman pala ako maganda bakit ka lumalapit sa akin? Lumayas ka sa harapan ko! Kung ayaw mong ihampas ko sa mukha mo ang librong hawak ko."

"Psh! Sungit mo!" habol nitong sigaw.

Umiling na lang ako nang ibaling ko ang tingin sa  librong binabasa ko. Pang-sampung lalaki na yata ang nagtangkang mambwiset sa akin. Ano bang akala nila sa akin tanga?"

"Hey, Miss."

Napaangat muli ang mukha ko. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Grabe ang isang ito sobrang ganda, para siyang angel. Sobrang puti at maganda ang katawan. 

THE PLAYBOY LUKE PEREZ (18 ROSES SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon