Chapter 4

81.7K 2.1K 78
                                    

Pwede nang sabitan ng kaldero ang nguso ko habang nakatingin ako sa bwisitang dalawang lalaking nambwiset ng beauty sleep ko. Araw ng Sabado ngayon at ito dapat ang Araw kung saan malaya ang utak ko. Mata ko at kilos ko sa kasumpa-sumpang pinapasukan kong school. Sabado at linggo ang Araw ng pag-iipon ko ng Ganda. Dahil pagdating ng lunes hanggang biyernes. Hindi ko naman magagawang ibaba ang kilay kong nagsisitaasan dahil sa mga stupidents kong nakakasalamuha, pero ngayon! Sinira pa nila dahil maaga silang nambulahaw. Grrr!

"Anong Kailangan n'yo, bakit ang aga niyong mambwiset?" prangka kong sagot, habang nakatayo ako sa harapan nila Troy at Luke.

"Anak, 'wag mo namang bastusin ang bisita mo. Hindi kita pinalaking bastos,"sabat ni Mama habang naghahanda ng almusal.

I rolled my eyes. "Mama, walang bisita na alas-sais pa lang ng umaga nambubulahaw ng tulog."

"Hay, naku! Pagpasensyahan n'yo na si Mhady. Masungit talaga yan. kumain muna kayo bago umalis." Pinaglagay pa sila ng plato sa lamesa ni Mama.

"Ahh- Hindi na po, sinadya lang po namin ang school I.d niya na naiwan sa kotse ko. Baka hindi po siya makapasok sa school sa Monday," ani Troy.

"Naibigay niyo na! Makakaalis na kayo!" inis kong sagot.

"Mhady, gisingin mo na ang kapatid mo at kumain muna tayo ng almusal. Mga iho umupo na kayo, sige na."

"Pero Mama! Si Kuya Melo, tanghali iyon nagigising tuwing araw ng sabado," maktol ko.

"At sino nagsabi sa iyo bunso?"tinig iyon ni Kuya Melo.

"Himala ang aga mong nagising?" sabi ko.

"Wow! May bisita ka pala bunso." Lumapit ito kay Troy. "Kilala kita, ah! Nakalaro na kita sa basketball dati. Anong ginagawa niyo sa bahay namin? dinadalaw n'yo ba ang kapatid kong masungit?" nakangisi pa itong Tumingin sa akin.

Tinapunan ko ng masama si Kuya Melo. Kainis! May dumagdag pang nakaka-asar sa umaga. "Mama, mamaya na lang po ako kakain. Maiwan ko na kayo." Tatalikod na sana ako, kaya lang bigla akong tinawag ni Mama.

"Mhady!"

Simpleng tawag lang sa akin ni Mama. pero ang itsura ng mukha niya kulang na lang sabihin niya. Kukurutin ko ang singit mo!

Inis kong hinila ang upuan at nagsimula na akong kumain. Hindi ko inalok ang dalawa.

"Mga Brad, kumain muna kayo bago umalis," sabat ni Kuya Melo.

"Troy, kumain muna tayo. Nakakahiya naman silang tanggihan ang babait pa naman ni Nanay at ni Brad," sabat ni Luke.

"Sige na nga," sagot ni Troy.

Wala akong pakialam kung hindi ako mabait sa inyo. Hindi naman tayo close.

Nakataas ang kanang kilay ko sa kanila. Hinila nama nila ang upuan at nag-umpisa na silang kumain dalawa.

Pasimple ko silang tinitingnan habang kumakain kami. Naiinis ako sa nakikita ko. Feeling close kasi sila sa Mama ko at Kuya ko habang kumakain kami ng almusal. Feeling ko ang lumalabas na hindi member ng pamilya, sila kasi yung walang patid kung mag- usap. Samantalang ako. Tahimik na kumakain at nakikinig sa kanila, kaya naman bago tuluyang masira ang sabado beauty day ko. Tumayo na ako. "Mama, Kuya. Tapos na akong kumain, mauna na ako." sabi ko.

Sa gilid ng mga mata ko napansin kong nakatingin si Troy at Luke. Kaya naman kahit ayokong makipag plastikan sa kanila. Humarap ako sa kanila. "Salamat sa paghatid sa I.d ko. Mauna na ako sa inyo," plastik kong sabi.

Hindi ko alam kung anong ngiti ang ginawa ko dahil sa pilit na pilit talaga iyon.

"It's Okay!"tipid na sagot ni Luke." He winked nang magtama ang paningin namin.

THE PLAYBOY LUKE PEREZ (18 ROSES SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon