Chapter 6

57.9K 1.7K 43
                                    

"Mhady, ano ba? Bumangon ka na nga diyan at pumasok ka na sa school. Tanghali na!"sigaw ni Mama sa akin. 

Habang walang tigil ang pagkatok niya sa pintuan ng silid ko. Nanatili akong nakatalukbong ng kumot. nagkukunwari kasi akong masama ang pakiramdam dahil ayokong pumasok ngayong araw na ito. Simula kasi kahapon nang mangyari ang bangungot sa akin sa Saint Paul International Academy. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. Hinalikan ako ng saliva mixer na si Luke sa harap ng maraming tao. Siguradong  ngayong umaga ako na ang Pinagpiyestahan sa school, kung kaya't ayokong pumasok sa school ngayon.

Narinig ko ang bumukas ng pintuan ng silid ko. Marahil ginamit ni Mama ang duplicate na susi ng silid ko. Pumikit ako upang magkunwaring tulog. Ilang saglit pa narinig ko ang yabag ng paa ni Mama papalapit sa akin.

"Ano ba, Mhady, late ka na! Bumangon ka na ngang bata ka!" 

Hindi ako kumibo nakapikit pa rin ako habang nakatalukbong ng kumot. Hinila ni Mama ang kumot sa akin. "Mhady!"

"Hmmm… baki, Mama?"anas ko.

"Bumangon ka na diyan at tanghali na."

"Masama ang pakiramdam ko Mama."

Kinapa ni Mama ang leeg at sintido ko. "Ang init mo ngang bata ka. Bakit hindi mo agad sinabi. Oh, siya sige. Tatawag na lang ako sa school n'yo at sasabihin kong hindi ka makakapasok. Magpahinga ka na diyan. Dadalhan kita ng pagkain at gamot."

"Thank you po,  Mama.."

"Sige magpahinga ka na diyan."

Nang makasigurado akong wala na si Mama sa silid ko. Bumangon ako at inalis ang bawang sa kilikili ko. Mabuti na lang matapang ang pabango kong nilagay hindi naamoy ni Mama ang bawang sa kilikili ko. Sinadya ko kasing lagyan ng bawang ang  kilikili ko para maniwala siyang may sakit ako. Mamaya pagnag-skype ako kay Ate. Magda-drama ako sa kanya para maawa at palipatin ako ng school. Ayoko na talaga sa school na iyon. Hindi ko na talaga matiis ang mga ugali nila.

Dahil Hindi ako pumasok ngayong araw wala akong ginawa kundi ang matulog at magbasa ng libro.  Kaya naman pagsapit ng hapon kung saan oras ni Ate para mag-skype sa amin. ginulo-gulo ko ang buhok ko at ang nagpanggap akong may sakit talaga. "Ate, kamusta?" tanong ko sa kanya. Habang ang walang tigil ang pag-ubo ko kunwari.

"Anong nangyayari sa 'yo, Mhady? sabi ni Mama may sakit ka daw?" nag-aalalang tanong ni ate.

"Nilalagnat ako Ate, nahihirapan kasi ako sa bago kong school lagi akong nabubully ng mga estudyante."

"Ano? Bakit hindi mo sa akin sinabi na binu-bully ka sa school na iyon?" bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin.

Konting arte pa, Mhady, bibigay na si Ate.

Umubo ako nang umubo. "Eh, kasi ayaw mo namang maniwala sa akin."

"Oh, siya sige, tatawag ako ngayon sa school n'yo at sasabihin kong ililipat kita sa ibang college school. Sorry Mhady hindi ko naman alam na ganyang ang nangyayari sa iyo diyan sa Saint Paul."

Gusto kong magtatalon sa sobrang tuwa dahil sa narinig ko. Haist! Kung hindi pala ako magda-drama sa kanila hindi pa sila maawa sa akin. "Salamat Ate."

"Mag-iingat ka diyan, miss ko na kayong lahat diyan."

Sa puntong iyo bigla akong nalungkot at umiyak. Bigla ko kasing naalala ang mga ginagawa namin ni Ate dati. Namimiss ko na rin siya. "Miss ka na rin namin Ate."

Huwag ka ng umiyak. Uuwi rin ako diyan sa Pilipinas sa December."

"Matagal pa 'yun Ate."

"Gano'n talaga, Mhady, palagi naman tayong  nag-skype 'di ba? 'wag kang malungkot okay."

THE PLAYBOY LUKE PEREZ (18 ROSES SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon