Reminisce 3
"Hello?" walang gana kong sagot sa cellphone ko. Kakatapos ko pa lang kasi sa pinapagawang presentation sa akin ni papa at nagpuyat ako para lang doon kaya wala ako sa mood at pagod na pagod ako.
("Zsa! It's 11 noon! Where the hell are you? Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo man lang sinasagot.") Galit na usal sa akin ni Coelha kaya napapikit na lang ako, wala akong panahon para sa mga kaartehan nya, pagod ako.
"And then?" sabi ko ulit at nahiga sa kama ko at sinubukang ipikit ang mata ko, ang sarap sa feeling. Bumuntong hininga naman sya sa kabilang linya.
("Hoy! Alam kong busy ka! Pero bukas na ang reunion! Diba sabi mo magsha-shopping tayo ngayon para sa susuotin mo?! Nandito na ako sa department store nyo pero ni anino mo ay wala akong nakita! Bumangon ka dyan!") sigaw nya kaya binaba ko na lang ang tawag at tinext na lang, alam ko naman kasing hindi titigil iyon sa kakapagalit sa akin hanggat hindi ko sya sinusunod.
To: Coelha BFF
Hindi ako pupunta, ikaw na lang. Pagod at puyat ako kasi kakatapos ko pa lang sa ppt presentation. Enjoy!
Tumayo ako sa kama at pumunta sa dressing room, kailangan ko muna maligo at mag-ayos ng sarili, masyado ko ng napapabayaan ang sarili ko dahil sa trabaho.
Naghahanap ako ng pwedeng suotin na komportable ng mapansin ko ang isang t-shirt. Ang isang t-shirt na nagpaligaya sa akin, ang t-shirt na nagpaniwala sa akin na posibleng mahal ako ni Scott. And then, I just found myself reminiscing the past.
Flashback:
"Guilan, I'm sorry. Hindi kasi talaga-"
"I know, dapat pala sa una pa lang hindi na ako nag-isip na posibleng magkagusto ka sa akin Zsa. Sorry kung naiilang ka sa akin ngayon dahil narin sa feelings ko. Hahahaha it's funny right? Hindi ko naman kasi alam na magiging seryoso pala to." Sabi ni Guilan sa akin atsaka ako binigyan ng isang tipid na ngiti. Hindi ko alam kung paano pa nya nagagawang ngumiti kahit na ilang beses ko na syang tinanggihan.
Noong una kasi ay niyaya muna nya ako na maging date nya sa prom, at dahil kaibigan ko naman si Guilan ay pumayag ako, who can say 'no' to this charming man? And then, I've found out that Guilan likes me, he likes me since the first time we've met. Si scot tang nagsabi sa akin noon. It's been a month since I've joined their band, matagal pang babalik si Ree. At sa isang buwan na iyon ay hindi ko man lang napapansin na may gusto pala sa akin ang sobrang tinuturing kong pinaka-kaibigan sa banda. And it hurts me, kasi alam kong dahil sa nararamdamang iyon ni Guilan ay maaaring masira ang pagkakaibigan namin. Because I'm the type of girl na kapag nalamang may nagkakagusto sa akin ay nilalayuan ko. Gusto ko kasi na ako ang humabal, ako ang magkagusto, not the opposite that I'm experiencing right now. So, dahil na rin sa pagiging isang babaeng ganoon ang ginagawa kapag nalalamang may nagkakagusto sa kanya na hindi nya gusto ay tinanggihan ko ang pagiging prom date ni Guilan at palagi ko na syang iniiwasan. I know I'm stupid, he's my friend but I just don't like him.
"Guilan, I didn't mean to hurt you, ayoko lang kasing masira ang pagkakaibigan natin. Ayoko lang kasing humantong sa magkakasakitan tayo dahil lang hindi tayo parehas ng nararamdaman. I love you as a friend, kaya sana ganoon ka na lang din." Sabi ko sa kanya at tiningnan ang mukha nya na pilit paring ngumingiti. Ilang bese ko na syang tinatanggihan at ilang bese nya narin akong pinipilit. I know I became too harsh kasi prom date na nga lang hindi ko pa maibigay, pero kasi I just don't want to get involved with him now that he likes me. Ayoko nang mas lumalim pa ang pagkakagusto nya sa akin. Ayoko ng mas lalo pa syang masaktan at sa huli ay sabihin nyang pinaasa ko lang sya dahil sa mga magagandang bagay na ginagawa ko para sa kanya, I don't want us to fight because he's my friend.
BINABASA MO ANG
Reminisce
Teen FictionReminisce - To think about or tell of past experiences or events. Moving-on is not that easy, that's why I'm always left reminiscing my past with you.