Reminisce 5

9 1 0
                                    

Reminisce 5

Pag-alis ni Coelha ay agad rin naman akong lumabas sa boutique nya, I will not spend my time there alone, kaya nga ako pumunta rito para magpakasaya, hindi para mag-emote ng mag-isa. Alam kong mali ako, bakit ko pa kasi inaalala si Scott sa lahat ng bagay? He's the one who let go, and I also have to let go, hindi ko na kailangan pang panghawakan ang mga alaala na wala na, kasi ano pa bang mapapala ko? Wala na diba? Bakit kasi hanggang ngayon ay nananatili parin ako sa nakaraan?

Pumunta ako sa sasakyan ko at naisipang doon na muna. Ayoko sa loob, masyadong maingay, magulo, maraming tao, at ayoko ng ganoon. Mas mabuti pang dito na lang ako at magmuni-muni muna at magisip-isip. I turn on the engine and aircon. Masyadong mainit kung hindi ko bubuksan ang car aircon. I rest my head on the driver's seat. Until I decided to turn on the radio, nakakabingi rin kasi ang katahimikan, lalo na kapag mag-isa ka lang.

There's a song that's inside of my soul

It's the one that I've tried to write over and over again

I'm awake in the infinite cold

But You sing to me over and over and over again

And unexpectedly, and coincidently, that song played.

Flashback

Tonight will be the prom, the most awaited event of the Harper Academy and me. Syempre, ito ang pinakahihintay ko, prom date ko kasi si Scott at napakalaking blessing talaga iyon para sa akin. Kasi sa lahat ng lalaking magyayaya sa akin bilang prom date ay si Scott ang pinaka hindi ko ine-expect. He's just my dream that turns into reality.

("Gusto mo bang sunduin kita sa bahay nyo?") napangiti ako bigla dahil sa sinabi ni Scott. Kausap ko kasi sya ngayon sa phone habang nasa salon kami ni Coelha. Siguro iisipin ng iba na kami na, pero kahit na gusto kong mangyari na iyon ay itinatanggi kong kami na. We're treating each other like we're in a relationship, but we know we're not. Calling till you fell asleep, hatid-sundo nya ako, palagi syang kasama, we always skip band practices just to go outside and enjoy ourselves. Pero walang kami, I think we just love each other at ayos na iyon.

"No, wag na. Sabay na lang kami ni Coelha mamaya." Sabi ko habang nakangiti.

("Ganon ba? Sige prinsesa ko. ") sabi nya at tumawa sya ng mahina, pansin ko lang, kanina pa sya bulong ng bulong, anong meron?

"Nasan ka ba? Bakit ang hina ng boses mo?" sabi ko habang nakangiti, hindi ko rin naman ikakaila na kinilig ako sa pagtawag nya sa akin ng 'prinsesa'.

("Sinama kasi ako ng papa ko sa orientation about business. Alam mo naman, kailangan kong sumunod para narin sa kapakanan ko.") sabi nya kaya tumango-tango na lang ako kahit hindi nya ako nakikita. ("Sige, tawagan na lang kita mamaya.") sabi nya before he ended the call.

"Coelha, he just called me 'prinsesa'!" ngiting-ngiting sabi ko kay Coelha na nagpapa-manicure na ngayon, sinulyapan nya naman ako sandali atsaka inirapan. Napasimangot tuloy ako, tutol talaga itong bestfriend ko kay Scott, hindi ko rin alam kung bakit, simula pa ito nung niyaya ako sa prom ni Scott e. Ano bang problema nya? Akala ko ba kay Prince na sya? Wag lang nyang sabihing nagseselos sya sa akin ah! "Problema mo ba? Hindi mo man lang ako sinusuportahan kapag kinikilig ako kay Scott, samantalang suportadong-suportado kita kapag kay Prince." Sabi ko sa kanya atsaka ko na ibinigay ang color ng nail polish na napili ko sa naga-assist.

"Oo na. Hindi lang kasi ako makapaniwala na si Scott Riley ay gusto yung bestfriend ko. Imagine? Nililigawan nya lang si Cerrise Lee nung mga nakaraang buwan tapos ngayon, gusto ka na nya?" sabi nya agad akong napatingin. Niligawan pala ni Scott si Cerrise?!

ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon