Reminisce 9

15 1 0
                                    

Reminisce 9

I look at her, Cerrise is driving us to the event hall. Nagulat rin ako ng magpresenta sya. Dapat nga e hindi ako papayag pero sumang-ayon na itong si Coelha kaya ayon, napasubo ako sa pagsama sa babaeng kinamumuhian ko hanggang ngayon. Buti na lang at hindi sasakyan ko ang ginamit, kung sasakyan ko ang ginamit, nako. Magwawala na ako, ayokong hawakan, o may matirang amoy ni Cerrise sa sasakyan ko. Kaya yung sasakyan nya yung ginamit namin, namiss nya daw kasi kami kaya babawi sya. As if! Akala nya siguro hindi na ako galit sa kanya, kapal ng mukha! Kuryentehin ko sya e! Nakakainis.

"Cerrise, bakit nga pala ikaw yung pumunta para sa home service? Nagtatrabaho ka ba sa salon?" tanong ni Coelha habang nakatingin na parang bata kay Cerrise. Ang immature talaga nitong si Coelha. Diba dahil nga galit ako kay Cerrise ay dapat kinamumuhian nya rin yun? Bakit kung tratuhin nya akala nya close na close sila, e nung highschool nga minsan lang silang magkita. Nakakabadtrip na talaga tong si Coelha, pag ako hindi nakatiis lalabas ako ng sasakyan na to!

"Oo, part time job." Sabi ni Cerrise na parang wala lang sa kanya. Part time job? Sa pagkaka-alam ko ay mayaman ang pamilya ni Cerrise, bakit pa sya magpa-part time job? Naghintay ako na tanungin ni Coelha kung bakit nagtatrabaho si Cerrise e samantalang may sarili namang kumapanya yung mga magulang nya pero sa sobrang katangahan ni Coelha ay hindi nya tinanong, sobra tuloy akong nako-curious ngayon!

"Si Scott rin pupunta diba?" bigla akong napatingin kay Coelha ng tanungin nya iyon kay Cerrise. Just what the heck did she ask just now?! Huh! Alam nya namang nanghihina ako kapag naririnig ang pangalang yan pero tinanong nya parin yang tanong na yan! Hindi ba obvious?! Reunion iyon ng batch namin kaya syempre pupunta si Scott.

"Siguro? Hindi ko sya natanong." Sabi naman ni Cerrise. Nanlaki ang mata ko. So, hanggang ngayon may communication parin sila?! Baka nga hanggang ngayon ay sila parin ni Scott! Ang tanga ko! Siguro nga engage na sila sa isa't-isa at hinihintay na lang ang tamang panahon para magpakasal. Agad ko namang sinilip ang kamay ni Cerrise na nasa manibela. At nanlumo ako sa nakita ko. What the heck! There's a ring. I don't know what to do kaya umiwas na lang ako ng tingin. So, it's official! They're engage and soon to be husband and wife! Just what the Fuck!

"Siguro naman pupunta iyon, kaya nga napilitang pumunta itong si Zsahera dahil kay-"

"Shut up Coelha!" sigaw ko sa kanya. Kahit nasa passenger seat ako ay nilingon ako ni Coelha atsaka sinamaan ng tingin. Aba! Sya pa ang may ganang tingnan ako ng ganoon, samantalang sya yung immature dyan na salita ng salita ng wala namang kwenta. Inirapan ko na lang sya.

"Alam mo ba Cerrise, si Zsahera kasi palaging nagre-reminisce. Alam mo yun, yung palaging malungkot kapag nakakakita sya ng isang bagay na nagpapa-alala sa nakaraan nya, tapos makikita mo na lang yan na nakatulala at luting, yun pala lumilipad na yung isip sa nakaraan. Hindi parin kasi nya makalimutan yung nangyari dati, buti ka pa Cerrise at nakalimutan mo na." tuloy-tuloy na sabi ni Coelha. Gusto ko na syang patayin ngayon din!

"Just say another word Coelha, you'll be buried six feet underground." Seryosong sabi ko kaya narinig kong tumawa ng mahina si Cerrise. "What's funny about it bitch?" sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa rearview mirror. Sino ba sya para pagtawanan ako? Matapos ng lahat ng ginawa nya sakin noon?

"Nothing, Zsa. I just missed you." Sabi nya pero hindi ako nagpatinag sa pagtitig sa kanya sa rearview mirror. Kahit anong gawin nyang pambobola hindi na mababago ang ginawa nyang paglandi kay Scott noon. Mas lalo lang tuloy akong nainis dahil sa sinabi nya.

"Can you just please drive? I hate to hear you voice. It's disgusting." Prangka kong sabi sa kanya kaya tumahimik na lang ang atmosphere sa loob ng kotse, kahit si Coelha ay hindi na nagsalita.

ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon