Reminisce 4

7 1 0
                                    


Reminisce 4

"Ang tagal mo naman Zsa, nakakain na ako't lahat-lahat ikaw kakarating mo pa lang." salubong sa akin ni Coelha ng magkita kami sa tapat ng boutique nila ditto sa mall. Ngumiti na lang ako kasi ayoko rin namang makipagtalo.

"Sorry na po, hindi na po mauulit." Sabi ko sa kanya atsaka ako umupo sa circle bench ng mall. "Hay nako! nakakapagod at nakaka-antok." Sabi ko atsaka ko sinapo ang noo ko, sobrang init kasi at traffic pa kaya ang tagal kong makarating.

"Bumili ako ng cotton candy, gusto mo ba?" napatingin ako bigla kay Coelha ng iabot nya sa akin ang bag ng cotton candy. Napakurap-kurap ako, ano na naman ba ito? Alaala nya na naman? Bakit ba kasi sa halos lahat ng bagay na makikita ko ay may alaala sya? Lecheng buhay naman oh! Nananadya ba talaga ang tadhana? Kung kelan namang deisidido na akong magmove-on sa katangahan ko ay saka naman parang lumalapit ang mga memories! Nakakainis!

"Ilayo mo yan, hindi ako gutom." Sabi ko atsaka ako tumayo at pumasok na lamang sa loob ng boutique nila. Gusto kong umiwas, gusto kong makalimot, pero bakit sa tuwing gumagawa ako ng hakbang, saka naman ako hinihila ng kung ano pabalik, pabalik sa mga masasayang alaalang mahirap kalimutan.

Flashback

"What? Masama ba?" nakacross arm kong sabi kay Coelha. Hindi kasi sya makapaniwala na ako ang niyayang maging prom date ni Scott. Kagabi pa sya hindi makapaniwala at sinasabing nagsisinungaling lang daw ako kahit na nakita nya naman nung niyaya ako ni Scott sa harap ng maraming tao, nako, ang gulo nya talaga!

"Pero Zsa, I thought he hates you. Nakapagtataka lang kung bakit bigla-bigla ka na lang nyang yayayain at sasabihing gusto ka nya e simula pa nga lang e mainit na dugo nya sayo." Sabi nya kaya inirapan ko na lang, ano bang magagawa nya kung ganun magkagusto si Scott? Anong magagawa nya kung iniiwasan at sinusungitan talaga ni Scott ang mga babaeng nagugustuhan nya diba?

"You know Coelha, kung hindi mo ako kayang suportahan sa kaligayahan ko, mas okay narin na hindi mo na lang ako kausapin kung puro negative thoughts naman yung mga sinasabi mo sa akin. Come to think of it! Sya na mismo ang nagsabi na pinagmamasdan nya lang ako mula sa malayo, so posibleng yun yung dahilan kung bakit sya nagkagusto sakin! Atsaka, gusto pa lang naman e, kung makapag-reklamo ka dyan ay parang sinabi na ni Scott na mahal nya ako."sabi ko sa kanya atsaka ako tumayo sa upuan at inayos ang mga natitirang gamit ko sa mesa. "Pupunta na akong rehearsal room, una ka na." sabi ko at saka ko sya nginitian bago lumabas ng pinto ng classroom.

Agad akong pumuntang rehearsal room, at dahil napaaga yata ako ng 15 minutes ay wala pang anino akong nakita. Sinadya kong mauna na rito, kesa naman marinig ang mga pinagsasabi ni Coelha tungkol kay Scott. Masaya ako dahil mutual ang feelings namin ni Scott, at ayokong masira yung kaligayahang iyon ni Coelha. Inilapag ko muna sa mesa ang bag ko. Nilapitan ko ang electric piano atsaka ako pumindot ng isang key. Oo, marunong akong mag-piano. I know too how to play the guitar, but just a few songs. Nagpapaturo kasi ako sa ka-bandmates ni kuya Harvey kapag doon sila sa bahay nagpapractice ng performance nila.

Umupo ako sa upuan atsaka ko sinimulang tummugtog ng pinaka-pamilyar na piece para sa akin.

What day is it? And in what month?

This clock never seemed so alive

I can't keep up and I can't back down

I've been losing so much time

Pinagpatuloy ko lang ang pagtugtog at pagkanta. Matagal narin kasi akong hindi nakaka-play ng piano, wala narin kasi akong time para doon.

'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose

ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon