Nandito ako ngayon sa isang park, naghihintay sa isang taong hindi ko alam kung darating pa. 2 hours na akong naghihintay ng biglang may dumating na lalaki. Nakita ko syang may dala dalang baril, nagtxt ako kay Sean dahil sa sobrang takot ko. Antagal nya bago nakarating kung kaya wala akong nakagawa kundi ang tumakbo. Hinabol ako ng hinabol ng lalaki, hanggang sa madapa ako, akala ko ay katapusan na ng biglang dumating si Stephen.
We're only getting older, baby
And I've been thinking about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you've ever dreamed of
Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you...Ang ingay naman!! Nandun na ako e. Tsk, hala. Anong oras na, napatingin agad ako sa aking cellphone, at mag 7 na pala. Lagot ako nito, late na naman ako.
Bumangon na agad ako at naligo upang makapasok na. Pagkatapos ay naglakad ako papuntang labasan at naghintay ng pwedeng masakyan. Wala akong ginawa sa klase namin kase absent ang ibang mga teacher kaya natulog na lang ako at nagbabaka sakali na, mapanaginipan ko ulit si Stephen. Ngunit nabigo ako, kinwento ko sa aking mga kaibigan ang nangyari sa aking panaginip. Sari-saring komento ang kanilang ibinulaslas, habang tahimik silang nakikinig ay bigla kaming napatawa ng malakas sapagkat nautot na pala si Trixie.Nabaling sa iba ang aming usapan hanggang sa mag uwian na. Dali-dali akong umuwi sa kadahilanang gusto kong masilayan si Stephen.
Habang papauwi ako, ay naaninag ko kaagad sya sa hindi kalayuan, kinilig naman ako at inasar ng isang magaling kong kaibigan na si Lexie. Alam kasi nya na obsessed na ako kay Stephen mula pa noong nasa grade 8 pa lang kami. Hindi ko rin alam kung paano ko sya nagustuhan basta ang naalala ko ay nagsimula lang iyon noong una ko syang makita na naglalaro ng basketball. Para bang may iba akong naramdaman sa pagkakita ko sa kanya.
Hinangaan ko sya dahil sa angking kakayahan nya sa paglalaro at nalaman ko rin na sya ang nangunguna sa kanilang paaralan.
Lubos ko syang hinangaan at hindi ko man lang napansin na unti-unti ko na pala syang minamahal ng patago. Hinahanap hanap ko na lagi sya kahit na alam kong hindi nya ako kailanman mapapansin.
Nagbabaka sakali lang naman ako na mapansin nya kahit na alam kong imposibleng mangyari iyon. Sino ba naman ako diba, ako lang naman si Stephanie Sandoval na lihim na nagmamahal kay Stephen Alvarez at kahit kailan hindi nya mapapansin at magugustuhan...