Umaga naaaaa!
Parang ayoko pang bumangon, ansama sama ng pakiramdam ko. Hindi muna siguro ako papasok ngayon. Ma! Mama!Oh bakit? sagot ni mama.
"Ma, patext naman yung teacher ko na hindi ako makakapasok ngayon.", pakiusap ko.
"Sinumpong kana naman no? Sinumpong kana naman ng katamaraman mo! Bumangon kana nga dyan at pumasok kana", galit na sabi ni mama.
Ma, hindi. Masama talaga pakiramdam ko, sabi ko sa kanya.
Lumapit sakin si mama at hinipo ang aking noo.
Oo nga! Lintek kang bata ka, ano ba pinaggagawa mo? Sige magpahinga ka na lang dyan. Pag aakyat na rin kita ng umagahan at gamot para makatulog ka kaagad pagkatapos mo. Pagaling ka anak ha? Sige bababa na ako. -nag aalalang sabi ni mama.
Sige po ma, salamat.
Nginitian ko sya ng pilit at lumabas na rin sya sa kwarto ko. Kaya mahal na mahal ko si mama e, kahit na minsan pinapagalitan nya ako. Ayy, madalas pala. Hahaha sobrang swerte ko sa kanya. Alagang alaga ako.
Patulog na ako nang biglang dumating ang ate ko. Ginulo nya ako ng ginulo, inirapan ko lang sya at hindi pinansin. Kasalanan ko ba yon? Masama talaga pakiramdam ko e.
Lumabas ka nga dito! -galit na sabi ko.
Ang arte naman nito. Ano ba problema mo ha? Kita mong kadadating ko lang, papaalisin mo na ako agad. -paliwanag nya.
Ayoko! Labas! -sabi ko.
Sumasakit na nga ulo ko, pinapasakit pa nya. Hindi na sya nakasagot dahil dumating si mama.
Bakit raw nagsisigawan kami, dinepensa ko naman ang sarili ko. Pinagalitan nya si ate at pinalabas.
Kita mong may sakit 'yang kapatid mo ginaganyan mo pa! Magtigil nga kayong dalawa. Para kayong aso't pusa. -sigaw ni mama
Dinilaan ko naman si ate, at padabog syang lumabas. 😋😛
Binaba ni mama ang dala dala nyang umagahan ko. Kumain na ako at uminom ng gamot at natulog na.Nagising na naman ako dahil nangungulit na namang umakyat si ate sa kwarto ko.
Bakit daw ba nagsasalita ako, sino raw ba kausap ko. Stephen daw ako ng stephen. Hala!
Napag isip isip ko pala, siguro dapat ko ng kalimutan si Stephen kase masasaktan lang ako at alam ko namang malabong mapansin at magustuhan nya ako.
Kaya ngayon puputulin ko na ang pagkakagusto ko sa kanya kahit mahirap. Sana makalimutan ko na syaaa. Pleaseeeeeee.