Nagdaan ang ilang mga araw at hindi ko na masyadong naaalala si Stephen marahil siguro nakakalimutan ko na sya. May mga araw na minsan hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi sya makita. Obsessed na nga raw ako sabi ni ate pero hindi ko nalang sya pinansin.
Sa bahay...
Nakita ko si keith na pauwi, lagi ko syang nakikita dahil magkatabi lang naman ang bahay namin. Nagkataong hinatid sya ng kanyang boyfriend na si Dale... Paglabas ko, may hindi ako inaasahang makita. Bigla akong napasigaw.Aahhh!
Oh bakit? Anyare sayo? Parang nakakita ka ng multo ah, sabi ni Keith.
Wala... Wala...
Tumawa lang ng tumawa si Keith at Dale.
Kaya pala parang nahihiya kapa dyan, nandito nga pala si Stephen. Bwahahahaha
Nagmadali akong pumasok sa aming bahay. At hindi sinasadyang nadapa ako, at agad akong nilapitan ni Stephen upang tulungan at itayo. Hindi na ako masyadong nakapagsalita. Bigla ko nalang nasabi na...
Nananaginip lang ba ako? Kung nananaginip lang ako, please pakigising naman. Ayoko na, nasasaktan na rin ako.
Hindi ka nananaginip Stephanie, lahat to totoo. So, ibig sabihin ba nyan napapanaginipan moko? Hahahaha
Tumawa sya ng tumawa. Ano bang nakakatawa don? Agad akong tumayo dahil sa hiya at tumakbo ulit para pumasok sa bahay.
Ano ba to? Nahihiya na ako sa sarili kooo. Ano bang ginawa ko? Bakit bigla bigla ka nalang kasing sumusulpot Stephen. Wala man lang pasabi, hindi tuloy ako nakapagtago. Ayaw na talaga kitang makita.
Kung kailan nakakalimutan na kita tsaka kapa magpapakita sakin. Ayoko ng umasa, sawang sawa na ako. Pero bakit hindi ako magsawang mahalin ka?
Pagkalipas ng araw na yon, ay madalang ko ng makita si Stephen, ang balita ko ay nagbabakasyon daw sila sa Pampanga. Mas okay nga yun e, iwas problema.
Tanghali na! nakakaantok naman. Ma! Gisingin mo nalang ako ng mga 4. Matutulog muna ako saglit, sumasakit kasi yung ulo ko e.
Osige. Aalis muna ako sandali, may bibilhin lang ako sa palengke.
Umalis na si Mama...
Makalipas ang 3 oras.Ang himbing himbing na ng tulog ko nang bigla akong ginising ni mama.
Bakit ma? Antok na antok pa ako.
Oh, akala ko ba gisingin kita ng 4, e anong oras na? 5 na ineng!
Ha? Antagal ko palang nakatulog, hindi ko man lang namalayan. Tsk
Bumangon na ako at bumaba sa sala. Hindi ko parin maiwasan isipin ang nangyari sa panaginip ko, bakit sya na naman? Hindi ko naman na sya napapanaginipan nung mga nakaraang araw e, pero bakit eto na naman? Hays.
Nagpunta raw kami sa simbahan, parang may ikakasal yata. Hindi ako tumabi sa kanya pero ang kulit nya, tinabihan nya parin ako.
Kaya napilitan akong lumabas, habang tumatakbo na ako ay bigla nya akong hinawakan sa aking braso.
Ano ba ang problema mo?!
Ano ang problema ko?! Ikaw. Ikaw ang problema ko. Problema ko kasi mahal kita pero kailangan ko nang tigilan ang kahibangan ko.
Bigla nya akong hinalikan sa pisngi na dahilan para tumakbo ako. Hindi na nya ako napigilan.
Pero sa loob loob ko, kinikilig ako. At dyan natatapos ang napanaginipan ko dahil sa paggising sakin ni mama. Bitin! Hahaha tsk
Pero okay na yon, atleast kahit sa panaginip, napapasakin sya. Wahahahaha! Pero may isa na namang nagkakagusto sa kanya. Kaya wala na talaga akong pag asa na mapansin nya.
Kahapon nga lang inaway ako ng nagkakagusto sa kanya sa isang app. Kung ano ano pinagpopost, nalaman kasing nagkita kami ni Stephen. Hindi naman sya kagandahan pero pwede na. Hahaha sama ko.
Balang araw magugustuhan mo rin ako at mapapasakin kana Stephen! Bwahahahahha 😈 ganyan ako ka-obsessed sa kanya.
Pero sa ngayon, kakalimutan ko muna sya, hayaan ko na sya mismo ang unang kumausap sakin.
Kailan kaya darating ang araw na yon?