Ako nga pala si Stephanie Sandoval, 16 years old. Nag aaral ako sa East High University, kilala ang pamilya ko dahil ang aking ama ay nabibilang sa mga official sa aming lugar. Isa lamang ako sa pangkaraniwang estudyante hanggang sa makilala ko sina Lexie, Trixie, Natalie, Rylie, Kathryn, at Sitti. Sila ay sikat na estudyante sa aming paaralan kung kaya naging kabilang ako sa kanila sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi naman ako kagandahan tulad ng aking mga kasama.
Hindi naman sila katulad ng iba na masama ang ugali tulad nalang ng grupong "Tres Marias" na kinabibilangan nina Taylor, Lea, at Chelsie.
Ang balita namin ay may problema raw sila sa pamilya kung kaya ay ganoon nalang sila manlait ng kapwa. Wala silang awa sa iba.
Kahapon nga lang, nakita namin silang may inaabuso na batang walang kalaban laban sa kanila. Sinaktan nila ito ng sinaktan hanggang sa mawalan ng malay, gusto namin itong tulungan ngunit wala kaming magawa. Dahil kapag ginawa namin iyon ay kami ang kanilang pagdidiskitahan. Ayaw namin ng gulo kung kaya ay umiwas na lang kami.
Ayon sa mga bulung-bulungan sa aming paaralan ay mayroon raw kinaiinggitan ang kanilang grupo, yun ay ang grupo namin nila Lexie. Kami ay isa sa mga hinahangan sa aming paaralan. Naiinggit sila sa amin dahil kami ay nirerespeto hindi tulad ng pagtrato ng iba sa kanila.
Sumapit na naman ang kinagabihan, ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, pero sana mapanaginipan ko ulit si Stephen. Miss na miss ko na sya, matagal na rin kaming hindi nag uusap, masyado na kasing abala sa mga assignment at project.
Sana naman kahit panaginip lang, makita at makausap ko sya. Kailan ko kaya masasabi sa kanya ng harapan na mahal ko sya? Tsk. Di ko muna dapat iniisip yung mga ganyan e. Erase!
STEPHEN ALVAREZ, ano bang mayroon ka at hindi kita magawang kalimutan. Noong una crush lang kita pero bakit naging ganito na? Ano ba ginawa mo sakin. Kung kaya ko lang talaga ipagtapat ang nararamdaman ko sayo, matagal ko ng ginawa. Pero kasi pag kaharap na kita, nauutal at wala na ako minsang masabi. Ano ba yan? Hindi ko pa nasasabi sayo ang nararamdaman ko, may karibal na agad ako sayo. Pero hindi ako papayag na maagaw ka sakin ni Anne. Sakin ka lang! Wahahahaha 😈 (evil laugh)
Matutulog na nga ako, maaga na naman kasi akong aasa sayo bukas. Sana balang araw, mapansin mo rin ako.