Chapter 1

271 3 0
                                    

"O ANDREW, 'wag mo ngang masyadong tingnan yang si Rox, masyado ka namang nagpapahalata niyan eh," wika yun ni Bryan na nakapagbalik sa kaniya sa pagkakatulala kay Rox.

Six months nang nagtatrabaho si Andrew sa ospital na yun at dalawang buwan na siyang nabibighani sa kagandahan ni Rox. Si Rox ay naka-assign sa Emergency Department samantalang siya ay naka-assign naman sa second floor department; private rooms at suite rooms ang mga handle nila. At sa tuwina'y napapadaan si Rox sa floor kung saan siya naka-assign ay hindi niya maiwasang humanga sa dalaga. Kinakantiyawan nga siyang lagi ng mga kasamahan, paano ba naman ay napapansin nilang napapatigil siya sa ginagawa niya kapag dumarating si Rox.

At ngayon nga ay nagpanhik ng pasyente si Rox sa kanila, at kasalukuyang nag-eendorse kay Cristine na kasamahan niya sa floor na yun, at napag-alaman din niyang kaibigan ni Rox. Gusto sana niyang makipaglapit kay Cristine para makausap niya si Rox subalit masungit ang babae, daig pa ang nagmemenopause sa kasungitan.

Habang nakikipag-usap si Rox ay nagpiyesta naman ang mata niya sa kakatingin dito. Nakakulay ang buhok ng babae, at wavy din pero natitiyak niyang malambot yun na tila alaga ng salon. Maputi rin si Rox, at maganda ang hubog ng katawan. Bagay na bagay dito ang suot niyang scrub suit na pink na hello kitty ang design.

Ganoon na lang ang pagkapahiya niya ng mapansin niyang tinitingnan siya ng babaeng katabi nito, nurse din ang babae at kasamahan din ni Rox sa Emergency Room. Isa din siya sa kaibigan ni Rox, ayun na rin kay Bryan. Natatandaan niyang Genna ang pangalan ng babae. Nakita niyang bumulong si Genna kay Rox na ikinataas ng kilay ng huli nang tingnan siya nito. Agad niyang binawi ang kaniyang tingin at hinarapan si Bryan na katabi lang niya.

"O ngayon edi napahiya ka? Kanina mo pa kasi nilulusaw ng tingin yang si Rox eh, alam mo pare, wala ka nang pag-asa diyan kaya hanggang tingin ka na lang." pag-aalaska sa kaniya ni Bryan.

"Bakit? May boyfriend na ba yang si Rox? Akala ko wala pa?" tanong niya.

"Hindi boyfriend... Girlfriend..." pagtatama nito kasabay ng pagtawa.

"Ano??" gulat na bulalas niya na ikinatingin sa kaniya ng mga kasamahan niya sa nurse station.

"Ang ingay mo talaga pare," saway sa kaniya ni Bryan, "Iyang si Genna?," sabay turo sa babaeng katabi ni Rox, "Balita dito sa ospital ay may relasyon sila ni Rox." Anito na iiling-iling.

Mataman niyang tiningnan ang babae, napansin nga niyang lalake ang kilos nito at mukhang siga sa paglalakad. Mediyo may kapayatan ng kaunti si Genna. Lalo siyang pumapayat sa paningin ng mga tao dahil sa suot nitong malaking scrub suit na maluwang na maluwang sa kaniya. Maganda rin naman ang babae, straight ang mahaba nitong buhok at itim ang kulay. Pero hindi niya ito type, ayaw niya ng babaeng mas lalake pa sa kaniya.

"Imposible ang sinasabi mo pare... Babaeng-babae si Rox. Tingnan mo..." pagtatanggol niya rito.

"Pare, iba na ang mundo ngayon. Kung ayaw mong maniwala edi huwag pero hindi ito basta tsismis, may nakarinig nang sinabi ni Rox na may relasyon sila ni Genna."

"Kanino niya sinabi?"

"Kay Mike, yung nanliligaw kay Rox." sagot nito sa kaniya. Si Mike ay isa ring nurse sa ospital na iyon at nakaassign ito sa Hemodialysis Department na nasa first floor. Medyo maangas ang lalaki at matagal na sa ospital na iyon kaya hindi na siya nakipagsabayan pa sa panliligaw nito kay Rox. Baguhan pa lang siya sa ospital kaya minabuti muna niyang huwag makipagbanggaan kahit kanino.

RN on Duty 2: Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon