Nagising siya sa malalim na pag-iisip sa nakaraan nang marinig niya ang mahinang katok sa pinto ng silid niya, bumukas iyon at pumasok si Rox.
"I'm sorry sis, I shouldn't have said that." Wika ni Rox pagkaupo sa gilid ng kama niya.
Pinahiran niya ang luha sa mga mata niya, "Wala yun, pasensiya na kayo kung napikon ako."
"Genna, you don't have to act strong infront of us. You can cry your heart out kung nasasaktan ka. Kung napipikon ka, pwede kang magalit. With us, you can be yourself."
Napangiti siya, kilala siyang talaga ni Rox, alam nitong nagpapanggap lang siyang malakas at masiyahin sa harap ng mga ito. Pero sa loob-loob pa rin niya, ay dala pa rin niya ang kabiguan ng unang pag-ibig niya, ang una at huling lalaking inibig niya.
Inabot niya ang kaibigan at umiyak sa mga balikat nito. Hinayaan lang siya ni Rox na manatiling ganoon pagkuwa'y nagsalita ito, "Wala ka ba talagang gusto kay Andrew?"
Nag-angat si Genna ng paningin, inayos ang sarili, ""Wala."
"Sure ka? Okay lang sa'yo kung kakausapin ko siya na huwag ka na niyang guluhin pa?"
May kakaibang naramdaman siya sa dibdib niya, na para bang hindi niya gusto ang ideya ni Rox, but she immediately dismiss the thought. "That is exactly what I want."
"Okay. Kakausapin ko siya na huwag ka na niyang guguluhin."
NAGSUSULAT sa patient's chart si Andrew sa Nurse Station nang maramdaman niyang may tao sa harapan niya, nagtaas siya ng paningin dito.
"Hi." Bati ni Rox in her famous seductive smile. "Can I talk to you please?"
Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi niya inaasahang kakausapin at papansinin siya nito. Kailan nga ba niya huling nakita ito? Mula kasi nang maging kabahagi si Genna sa plano niya, ay hindi na niya masyadong hinahanap si Rox. Masyado na siyang nagfocus kay Genna.
"Hey!" she snapped at him. "inuulit ko, can i talk to you?" Impatience all over her beautiful face.
Napatango na lang siya kay Rox. Lihim na napangiti dahil naalala niya si Genna, hindi lang pala si Genna ang masungit at palaban sa magkakaibigan. Speaking of Genna, nasaan kaya siya? Bakit hindi niya ito kasama?
"Where's Genna?" tanong niya kay Rox.
"Siya nga ang pag-uusapan natin. I want you to stay away from her." Deretsahang pahayag nito sa kaniya.
Nangunot ang noo niya, "Bakit? Nagugulo ko ba ang relasyon ninyo?" sarkastikong tanong niya rito.
"No. Wala kaming relasyong dalawa. Sinasabi lang namin yun for me to get rid of my suitors na hindi ko gusto. Kaya please lang, huwag mong idamay ang kaibigan ko sa tangka mong paglapit sa akin."
Namangha siya sa sinabi ng dalaga, she was too straightforward na para bang hindi lalaki ang kaharap niya. Akala pa naman niya ay si Genna lang ang may ganitong pag-uugali, na para bang kayang-kaya ng mga ito na paikutin silang mga lalaki.
Nang hindi siya nagsalita agad ay nagpatuloy si Rox, "Idedeny mo ba ang sinabi ko, Andrew?"
"No. You're right. That was my plan to get you." He said honestly, ano pa ba ang dapat ideny? Guilty as charge siya.
"Good. Then sasabihin ko na din sayo na wala kang maaasahan sa akin, sa lahat ng ayaw ko, ay yung ginagamit ang mga kaibigan ko, lalong-lalo na si Genna. Not Genna, for God's sake! So, Hands off!" yun lang at tumalikod na si Rox sa kaniya.
BINABASA MO ANG
RN on Duty 2: Love Once Again
RomanceIt all started with a plan. Crush na crush ni Andrew si Rox pero may problema. Si Genna, ang astig na kaibigan ni Rox. May pagkalalaking kumilos si Genna kaya lagi siyang napagkakamaliang lesbian ng mga kasamahan niya sa trabaho. At akala din ng mg...