"Hindi pa ba tayo late niyan pare?" tanong ni Andrew kay Bryan habang nagmamaneho siya. Papunta sila sa beach wedding ng dati nilang kasamahan na nurse na si Raine. Isinama siya ni Bryan na mag-attend ng engrandeng kasal na gagawin sa isang sikat na beach sa subic.
"Hindi pa naman siguro. Maaabutan pa natin iyon." Wika nito habang inaayos ang kuwelyo ng amerikanong suot nito.
Kasali si Bryan sa entourage ng kasal ni Raine dahil diumano'y malapit ang bride sa kaniya noong nagtatrabaho pa ito sa ospital nila. Nakita na rin niya si Raine noon, alam niyang kaibigan din ito ni Genna kaya inaasahan na niyang makikita roon ang babae.
Isang linggo na rin silang hindi nag-uusap ni Genna, sinunod niya ang gusto ng dalaga na layuan niya ito. Minsan ay nagkikita sila sa ospital pero hindi naman siya pinapansin ng dalaga na para bang hindi siya nakikita. Gusto sana niya itong batiin pero alam niyang hindi siya nito papansin at baka mapahiya lang siya. He can't handle Genna, yun ang napagtanto niya sa sarili.
Mabilis na bumaba si Bryan pagkahinto ng sasakyan nila sa parking lot ng beach, sumunod na rin siya rito. Buti na lang hindi pa nag-uumpisa ang selebrasyon. Nakahabol pa si Bryan sa likod, siya naman ay umupo na rin, nakita niya ang iba pa nilang kasamahan sa trabaho kaya tumabi na lang siya sa mga ito. Akmang uupo na sana siya malapit sa aisle nang mag-umpisa na ang kasal. Nakita niya ng maglakad sa gitna ang mapapangasawa ng bride, napag-alam niyang Josh ang pangalan nito, isang architect.
Ang kaibigan niyang si Bryan ang susunod na maglalakad sa gitna kasama ang magandang kapareha nito nang matigilan siya, si Genna ang kapartner nito!
Hindi siya makapaniwala sa nakita, si Genna nga! Nakamake-up ito at babaeng-babae ang itsura nito. Pink ang motif ng kasal, napagtanto niya kaya nakapink gown ang dalaga. Tube dress ang gown na may maliit na bulaklak sa kanang bahagi nito. Straight ang gown na suot ng dalaga bagamat nakahulma ang katawan nito, right curve at the right places. Slim si Genna pero may nakatago pala itong kaseksihan, yun ang agad niyang napansin.
Nakalugay pa rin ang buhok nito pero may kinulot sa ilalim, napansin din niyang nag-iba ang kulay ng buhok ni Genna, naging light brown ito na lalong tumingkad sa sinag ng araw. She was very beautiful in a very seductive way.
Nagtama ang mga mata nila ng panandalian pero agad na binawi ng dalaga ang tingin nito, sa halip ay nakita niyang tumingin ito sa kapareha niyang si Bryan at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Nakita niyang ngumiti rin ang kaibigan niyang si Bryan na para bang may intindihan na ito. Nakaramdam siya ng selos, dammit! Sana man lang ay kahit simpleng ngiti lang ay hindi siya pinagkaitan ni Genna!
Nakaupo na si Genna sa opposite side ng aisle, hindi niya mapigilan ang pagmasdan ang likod nito, kitang-kita niya ang bare shoulders nito at parang gusto niyang damhin iyon sa mga palad niya. He must be really insane!
"Pare, si Genna ba iyon? Ang ganda niya pala!" bulong sa kaniya ng katabi niya na kasamahan din nila sa trabaho.
"Hindi ko rin nga mapaniwalaang siya yun eh." Simpleng tugon niya rito. Hindi lang pala siya ang nakapansin sa dalaga, sino-sino pa kaya ang nakapansin kay Genna? The thought made his blood boil with anger and jealousy! Jealousy? Saan ba nanggagaling yun? Huminga na lang siya ng pagkalalim-lalim.
"She looks better than Rox now." Walang kagatul-gatol na sabi pa rin ng katabi niya.
Napatingin siya sa naglalakad ngayon sa aisle, si Rox. Funny is, hindi na siya ngayon natitigagal sa dalaga pag nakikita niya ito, ordinaryo na lang ang nakikita niya kay Rox. Hindi na siya nabighani rito, pareho lang ito ng suot ni Genna pero parang mas may dating kay Genna ang gown, mas nakakabighani ito kumpara kay Rox.
BINABASA MO ANG
RN on Duty 2: Love Once Again
RomanceIt all started with a plan. Crush na crush ni Andrew si Rox pero may problema. Si Genna, ang astig na kaibigan ni Rox. May pagkalalaking kumilos si Genna kaya lagi siyang napagkakamaliang lesbian ng mga kasamahan niya sa trabaho. At akala din ng mg...