"Ganiyan ba talaga kayo kasungit na magkakaibigan?" pagkuwa'y tanong ni Andrew kay Genna.
"Nagsusungit lang kami kung may dapat sungitan." sagot naman niya sa lalaki. Malapit na siyang mapikon sa lalaking ito na tila inuubos talaga ang pasensiya niya. Parang wala kang utang na loob Genna, hinahatid ka na nga niya, ikaw pa ang may ganang magsungit?
"Isa ako sa mga dapat sungitan kung ganoon?"
Naubos na talaga ang pagtitimpi niya sa sarili, "Look, Andrew. We barely knew each other. At isa pa, sumama lang ako sa iyo dahil magiging convenient sa akin but don't get me wrong! I don't want to be acquainted to you sa susunod na mga araw." pandidiretsa na niya rito. Bahala na kung masabihan siyang walang utang na loob pero ayaw na niyang magtagal pa sa kotse nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagpapanic, at naiinis siya dahil nararamdaman niya iyon!
"Woah! Relax Genna. Masyado ka naman yatang masungit sa akin? Akala ko pa naman si Cristine lang ang masungit sa inyong magkakaibigan." tila hindi pa rin nagpapatinag na wika ni Andrew sa kaniya.
Hindi naman siya magpapatalo rito. "Well, obviously, you don't know me." At hindi mo din kilala ang mga kaibigan ko. Makikipagpatayan yun para sa akin.
"And I really want to know all about you." sagot naman ni Andrew at sabay tingin sa kaniya.
Nagtama ang mata nila, naramdaman niya na pinamulahan siya ng pisngi. Kaagad niyang binawi ang tingin at kunwari ay itinuon ang mata sa dala niyang cellphone. "Please. Pwede bang ibaba mo na ako? Magtataxi na lang ako."
"Walang dumadaan na taxi dito. Ihahatid na kita sa inyo."
"No!" tanggi niya.
"I insist. Kapag may nangyari sa iyong masama sa daan ay baka mapagbintangan pa ako. Nakita tayo ng guard na magkasama kanina." pormal na sagot ng lalaki. "Just give me your address."
Wala nang nagawa si Genna kung hindi ibigay na lang ang address ng bahay nila. Pagkaraan ay wala nang salita ang lumabas sa bibig nila. Tahimik na nagmamaneho ang lalaki samantalang siya ay hindi mapalagay, bumibilis ang tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit! Imposible namang may atraksiyon siyang nararamdaman para sa lalaking ito. Dati pa niya ito nakikita at alam din niya ang pangalan nito dahil kay Cristine, pero hindi pa niya nakakausap dahil magkaiba nga ang department nila. Kanina lang niya ito nakausap nang humingi si Rox sa kaniya ng favor na diretsahan na ang lalaki.
Noon lang niya napagmasdan nang malapitan ang binata, gwapo pala ito, naka-gel ang makapal nitong buhok bagamat malinis naman ang pagkakagupit. Maganda ang mga mata nito na tila nangungusap. Matangos ang ilong at ang labi nito ay....Oh! para bang kay sarap halikan ng mga ito. Sukat sa pagkakaisip no'n ay napatingin siya sa mismong labi ng lalaki na kasalukuyang busy na nagmamaneho. Marunong kayang humalik ito? Paturo kaya ako? She unconsciously open her mouth.
Hindi niya namalayang huminto na pala ang kotse sa bahay nila, at humarap na ang binata sa kaniya. "Don't look at me like that Genna, as if you want me to kiss you."
Nabigla siya sa sinabi ng binata, napahiya siya at yumuko. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya, tila ba naubusan siya ng salita, basta ang alam lang niya ay guilty siya! Relax Genna. Hindi na ikaw si Genevive Lamiya kung magpapakita ka ng kahinaan sa lalaking ito.
Bababa na sana siya ng kotse pero mabilis na napigilan siya ng binata, hinawakan nito ang kaliwang braso niya at iniharap siya nito, "The good news is, I won't dissapoint you..."
BINABASA MO ANG
RN on Duty 2: Love Once Again
RomanceIt all started with a plan. Crush na crush ni Andrew si Rox pero may problema. Si Genna, ang astig na kaibigan ni Rox. May pagkalalaking kumilos si Genna kaya lagi siyang napagkakamaliang lesbian ng mga kasamahan niya sa trabaho. At akala din ng mg...