Chapter 2

47 2 0
                                    


Kinakabahan si Trixxy nang pumasok siya sa editorial office kung saan gaganapin ang interbyu. Gusto pa nga niyang magback-out kung hinde lang siya itinulak ng kaibigan na si Karen papasok ng pinto. Ngayon ay umupo na siya sa silya at hinihintay na magsalita ang dalawang lalakeng nasa harapan niya. Una niyang napansin ang lalakeng sumalubong sa kaniya papasok, matangkad ito at maputi ang balat. Napakaayos nang pagkaka 'gel' nito sa kaniyang buhok.

"Miss Trisha Annemarie Montaviste?" tila iritadong wika ng kaharap niya.

Nabigla siya nung magsalita ang lalakeng nasa harap niya. Iba ang itsura ng lalakeng ito, hinde ito naka 'gel' katulad ng nauna, pero maganda ang kaniyang buhok at sa tingin niya ay malambot tong hawakan. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Maputi din ito at matangkad. May dalawa din itong 'dimples' sa magkabilang pisngi na kahit hinde siya ngumingiti ay litaw pa rin.

"Miss? Ok ka lang? Para kang ninenerbyos ha? Di ka naman namin kakainin eh," tila nanunuyang tanong ng kaharap niya sa kaniya.

"Ok lang po ako sir..." mahinang sagot ni Trixxy.

Napangiti si Benz sa kaniya, "Wag mo nakong tawaging 'sir'. Konti lang naman ang agwat ng edad natin. By the way, I'm Benjamin Villanueva."

Nabigla ng kaunti si Trixxy, ang kaharap pala niya ay ang anak ng may-ari ng Villanueva Publishing Company! Napayuko na lang si Trixxy sa pagkapahiya. Di niya alam kung bakit siya nahihiya. Siguro dahil matagal na niyang gusto itong makilala pero hindi niya inaasahan na lalaki ito. Ang akala pa naman niya ay babae ang anak ng may-ari ng Publishing Company na hinahangaan niya.

Nagsalita ang isa pang lalaking nakatayo at napatingin na lang siya dito, "Ako naman si Nick Gonzales. Nice meeting you, Ms. Trisha.."

"Nice meeting you too..." muli ay yumuko ito.

Nagsalita ulit si Benz, "Trisha right? Nakasulat dito sa papel mo na mahilig kang magsulat ng mga nobela at article? May mga nagawa ka na ba na gusto mong ipakita saamin ngayon?"

Naalala ni Trixxy ang diskette na dala-dala niya, kinuha niya ito sa kaniyang bag at ibinigay kay Benjamin sabay sabing, "Isa pa lang po ito sa mga nagawa ko na. Sana po ay magustuhan ninyo."

"Interesting..." un lang ang nasabi ni Benz sabay kuha sa diskette. Nung mahawakan na niya ito, muli itong nagsalita, "Dahil wala kang hard copy nito na sana mababasa ko ngayon, sa tingin ko, kailangan ko munang basahin ito sa aking computer bago ako makapagdesisyon. Ok lang ba un sayo?"

Tumango si Trixxy sa itinuran na iyon ni Benjamin. "Ok lang po."

"Ok, that's all for now. Thank You Ms. Trisha..." Pagkasabi nun ay tumayo na si Trixxy at muling nagpasalamat sa dalawang lalaki.

Pagkalabas ni Trixxy ay sinalubong siya kagad nang kaniyang dalawang kaibigan at inusisa siya kaagad ng tanong. Si Cristina ang naunang magtanong sa kaniya na tila ba kinikilig, "Ano nangyari? Alam mo ba ang swerte swerte mo! Nakausap mo ang dalawang pinakagwapo sa eskwelahang ito!"

"Ano bang pinagsasabi mo Cristina?" iritadong tanong ni Trixxy sa kaniya.

Pinagpatuloy lang ni Cristina ang sinasabi niya, "Wag mong sabihing hinde ka nagwapuhan sa dalawang magpinsan na iyon?"

Nabigla si Trixxy, magpinsan sila? Kaya pala may pagkakahawig silang kaunti. "Ah talaga? Di ko masyadong napansin, kinakabahan kase ako." pagsisinungaling ni Trixxy.

Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon