"Trisha, mag-usap muna tayo pls."
"Siguro nga ay dapat tayong mag-usap Eric!" nanatili siyang nakatayo pati na ang lalaki. "Why Eric? Why did you do this to me?"
Nagsimulang lumapit sa kaniya si Eric, "Trisha, I never wanted to leave you. But I had no choice."
Humakbang siya palayo ng mapalapit sa kaniya si Eric, "I don't care if you leave me here all alone with Benz! I'm asking you, why? Bakit niyo ako pinaniwala sa kasinungalingan? Nagbalik na ang alaala ko Eric! Six years niyo na akong pinapaikot sa mga palad niyo. Pati sarili kong ina hindi niyo na rinespeto! Itinago niyo ako! Pinaniwala niyo ako na ulila na talaga ako simula noong bata pako!"
Nakita niyang natigilan si Eric sa mga paratang na isinigaw niya. Umupo ito sa sofa at napayuko.
"Alam mo na pala..." yun lang ang nasabi ni Eric sa kaniya.
"Bakit niyo nagawa sa akin to? Muntik na akong magpakasal sayo. Hindi kita mahal pero itinuring kitang kapatid Eric. Kahit labag sa kalooban kong magpakasal sayo ay hindi ako tumanggi sa kagustuhan niyong mag-ama dahil pinaniwala niyo akong malaki ang utang na loob ko sa inyo." Tila nawawalang lakas na sambit niya. Tumayo siya sa harapan ng nakaupong si Eric.
"Trisha, it's not my fault. Sinunod ko lang ang gusto ni papa. Hindi ko siya kayang suwain dahil may sakit siya. Ayokong mamatay ang papa ng dahil sa akin." Gumagaralgal ang boses ni Eric pero nagpatuloy pa rin ito, "Kinompronta ko siya. I demand an explanation from him nitong bumalik ako sa America. Nalaman ko kasi kay Benz na matagal ka na niyang kilala. Naguluhan ako kaya agad akong umuwi sa Amerika. Tinanong ko ang buong katotohanan. Inamin niya sa aking nagkamali siya pero ang totoo nito, napamahal na sayo ang mama at papa ko. Ayaw nilang iwan mo sila. Anak na ang turing nila sayo."
Matigas pa rin ang boses ni Trixxy, "I don't believe you! Ginawa ng papa mo yun dahil sa kumpaniya na pagmamay-ari ko! May utang na 3 million dollars ang papa mo sa amin. At pinuwersa ko siyang magbayad kaya sinamantala niya ang trahedyang nangyari sa buhay ko!"
Pagkarinig ni Eric sa sinambit na yun ni Trixxy ay lumuhod siya sa harapan nito. Saka nagmakaawa sa kaniya, "Please Trisha... Huwag kang magalit kay papa. Mahina na ang puso niya. Ako na ang humihingi ng tawad para sa kaniya. Nagmamakaawa ako sa'yo..." saka hinawakan ang kamay niya.
"Eric! Anong ginagawa mo dito??" sa ganoong posisyon sila nakita ni Benz.
Natigilan silang dalawa ng marinig ang boses nito. Nakita niya ang galit sa mukha nito, akmang pipigilan niya ang binata pero nahuli siya dahil sinugod na ni Benz si Eric na kanina lang ay nakaluhod sa harapan niya.
Pinagsusuntok ni Benz si Eric. "Umalis ka dito Eric! Lumayas ka! Huwag na huwag mo nang lalapitin ang girlfriend ko!" sigaw ni Benz kay Eric.
Hindi kumibo si Eric habang tumatayo, liningon siya nito, "Trisha, I'm really sorry. Sana ay makapag-usap uli tayo." Yun lang at lumabas na ito ng pinto.
Galit na hinarapan siya ni Benz, hinawakan ang braso niya at hinila paakyat sa hagdan.
"Ano ba Benz! Bitiwan moko! Nasasaktan ako..." pero hindi siya binitawan nito hanggang makapasok sila sa kwarto. Mabilis ang pagkakatulak sa kaniya ni Benz at alam niyang sinadya nito na mapahiga siya sa kama.
Hindi siya makapagsalita dahil natakot siya sa nanlilisik na mata ni Benz.
"Are you not satisfied with me Trish?!" galit na wika nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Falling in Love
RomansaBenjamin Villanueva is the kind of guy that Tricia Annemarie Montaviste hates. The feeling is mutual. But what will happen when their worlds collide? Who will fall in love with each other first?