Chapter 3

47 1 0
                                    

Nabigla si Trixxy sa tanong na ipinataw sa kaniya ng lalakeng ito. Sino ba siya sa akala niya? Ang lakas naman ng loob niyang usisahin ang pribadong buhay niya. Hinde naman sila gnun kaclose di ba? Hinde niya kailangang sagutin ang tanong niya. "Benz, I'm sorry for being rude but I think I don't have to answer that question. It's my private life after all."

Namangha si Benz sa sagot niya, napatahimik na lang ito. Naisip niya na hindi siya magpapatalo dito. Saka namang may kumatok sa pinto, napangiti siya, eto na pinakahihintay niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto.

"Senorito, tumawag po ang mama at papa niyo, baka hinde po daw sila makauwi ngayon. Dumiretso na po sila sa airport, may emergency business meeting po daw kasi sila sa America at baka dalawang linggo pa silang mananatili muna doon."

Nagkunwaring nainis si Benz sa mama at papa niya, isinara niya kaagad ang pinto pagkaalis ng kanilang mayordoma, patago niya itong ini-lock para hinde marinig ni Trixxy.

Tumayo naman kaagad si Trixxy sabay sabing, "It's ok... may next time pa naman di ba? Aalis nako."

Agad namang lumapit si Benz sa kaniya, "Why don't you stay for dinner? Nahihiya tuloy ako sayo."

Patalikod namang humakbang palayo si Trixxy, "No, thanks Benz. I really have to go. Madami pakong gagawin sa bahay." Palapit naman ng palapit si Benz sa kaniya at napatigil siya sa kakahakbang ng mapasandal siya sa maliit na mesa ng opisinang iyon.

"I insist. Please... stay for dinner... Nagpaluto nako, saluhan mo naman ako," pagsusumamo ni Benz sa kaniya. Sobrang lapit na niya kay Trixxy. Si Trixxy naman ay naiilang na tumingin sa kaniya, yumuko ito para hindi sila magkatinginan diretso sa mata.

Ngunit hindi papatalo si Benz, itinaas niya ang mukha ni Trixxy sa kaniya. Akmang hahalikan niya ito nang itinulak siya ni Trixxy, pero sadyang malakas si Benz, hinde siya nagawang itulak ni Trixxy.

"Benz please... wag mong gawin..." napatigil siya ng hinalikan siya ni Benz sa labi. Itinulak niya ito pero tila ayaw bitawan ni Benz ang kaniyang labi, masuyong hinahalikan siya nung una, pero nung tila nanlalaban si Trixxy, ay parang mas idiniin pa ni Benz ang paghalik sa kaniya, walang magawa ang dalaga kundi pumikit na lamang.

Nang mapansin ni Benz na parang humahalik siya sa isang estatwa, inilayo na ni Benz ang labi niya sa mga mapupulang labi ni Trixxy sabay sabing, "First Kiss mo ba yun?" ska ito ngumiti ng nakakaloko.

Bumalik ang pagkainis ni Trixxy sa lalakeng ito saka sunud-sunod itong nagsalita ng pagalit, "Ang kapal mo naman Mr. Benjamin Villanueva! Kung akala mo na ikaw ang unang humalik sakin! Nagkakamali ka! Masyado ka naman atang bilib sa sarili mo??" saka niya ito itinulak at mabilis na kinuha ang kaniyang bag sa upuan, "Aalis nako! Di nako interesado sa kumpaniya niyo lalo na kung alam kong lagi kitang makikita! Kinamumuhian kita! Isa kang walang kwenta na mayabang na feeling gwapo!!" dali-dali siyang tumungo sa pinto nang hawakan siya sa kamay ni Benz. "Bitiwan moko!"

Pero hinde siya binitiwan ni Benz, "Look, I'm sorry... nadala lang ako ng emosyon ko kanina. Please forgive me..." pagsusumamo ni Benz sa kaniya pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaniya na nagawa niyang bitawan ang kamay nito. Saka namang patakbong lumabas si Trixxy sa pintuang un at dire-diretso itong tumakbo palabas ng bahay hanggang sa gate.

Bahala nang hinde ko alam ang palabas sa subdivision na ito, hinde ako babalik dun sa bahay ng bastos na lalakeng un! Huminto na siya sa pagtakbo noong nakarating siya sa may kanto, hinde siya tatalikod at babalik sa bahay na yun. Magtatanong-tanong na lang siya sa mga makakasalubong niya, ang laki naman ng subdivision na ito! Nasan ba ang main gate dito?! Nagtitingin-tingin siya sa mga sasakyang dumaraan nang may bumusina sa likod niya, napabalikwas siya at kaagad na tiningnan kung sino ang bumusina sa kaniya.

Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon