Chapter 1

16 1 0
                                    

All I thought, magtatagal talaga kami. Yung bang akala mo kayo na talaga? Panghabang buhay ba kamo at kayo na talaga hanggang sa future. Akala ko lang pala talaga yun.

Kahit gusto mo balikan yung nakaraan, hindi na pwedi.

Nasa room na ako ngayon at nakikinig sa sinasabi ng teacher ko, kahit wala akong naiintindihan.

Habang nakanganga lang ako sa teacher namin, ng bigla niya akong kinalabit at nagsalita.

"Geli, sabay tayo mamayang pag-uwi ah?"

"Oo na!"

Akala mo naman, hindi kami laging sabay umuuwi kung makakulit siya. Beastmode pamo ako, kanina pa.

Wala kayang mangyayareng maganda sa araw ko na ito?!

"Okay, magkakaroon tayo ng role playing bukas. I will group you into 3, you will perform this in friday."

Role Play? Yes! I like that, very g :-) Nakikinig lang ako sa mga groupings at malapit na yung pangalan ko.

"Ms. Gonzales, Mr. Lazaro, Mr. Zebanial, Ms. Heiz, Ms. Perez, Ms. Bondoc, Mr. Mendez, Mr. Santos"

Sino naman kaya mga kagroup ko? ni hindi ko man kakilala, sabagay kakaumpisa palang ng klase. Last year nalang to kaya inaayos ko na, kilala nila ako pero hindi ko sila kilala pero baka narin kase sikat ako dito sa campus. Campus Girl ako e :-)

"Okay class, go to your groups"

"Hi Angelinah" -sabi ng kagroup ko.

"Hi :)"

"Ako nga pala si Karl Angelo Lopez :)"

"Hi, nice to meet you"

Nagpakilala din yung mga iba kong kagroup, kilala na nila ako pero ako hindi ko pa sila kakila as i said.

Masaya ako na role play agad yung gagawin namin, dito kasi ako magaling e. Masaya din ako na may makilalang ibang tao, baka sakaling may makaibigan akong totoo talaga at maaasahan sa lahat ng oras.

Sadyang may mga taong, nandiyan lang kapag may kailangan at biglang mawawala kapag walang kailangan.

Natuto na din ako, at mahirap ng magtiwala ngayon. Pero friendly pa din naman ako, hindi nga lang nag oopen up.

Pinag-usapan lang namin ang gagawin at nagkamustahan lang kami.

"Okay guys, gawin niyo nalang yung  pinapagawa ko at mag-usap nalang muna kayo. Alis na ako at may gagawin lang ako sa office, bye class"

"Good day ms." -pamamaalam namin kay teacher.

Madaming nagpakilala sa akin pero may isang lalaki lang na hindi, ang tahimik e.

Hindi ako sanay na hindi agad nakikilala yung mga classmates ko kaya lumapit ako sakanya.

"Uhm, Hi?" -sabi ko ng nakangiti.

Tinignan niya lang ako at hindi sumagot.

|>>__<<|

Wow! as in WOW!

Biglang sumumpong ang pagkamasungit ko or pagkamataray.

Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik sa temporary place ko.

"Ako na ngang lumalapit, ako pa talagang ugh!!!"

"Oy! Anyare?!"

"Pake mo?!" -sabi ko at humarap.

Lifetime or Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon