Prince's Pov
Hindi ako makatulog ngayon -.- 11am na ng gabi, mapupuyat pa ata ako neto -.-
---...---
Ayoko naman siyang gisingin e.
'E kung, makitabi nalang kaya ako sakanya?'
Gusto ko na talagang matulog e, kaso hindi ako comfortable dito sa sahig :(
Tumayo ako at bumulong sa tenga ni Geli.
"Geli, makikitabi ako diyan sa iyo no?"
"Uy!"
"Uy!"
Ilang beses ko pa siyang ginigising pero wala talaga.
Hindi padin siya sumasagot at mukhang tulog na tulog.
"Geli, punta na ako ah"
Nakita ko siyang tumango at mukhang narinig naman niya ako at sign na yun na pumapayag siya.
°^_^°
Kinuha ko yung unan at inilagay sa kama.
Tumabi na ako sa kanya at ilang sandali lang ay nakatulog na ako.
===
***
Angelinah's Pov
Umaga na pala, muli kong naimulat ang aking dalawang mata at napagmasdan ang liwanag.
Naisipan kong silipin si Prince sa sahig, nakaharap ako ngayon sa bintana at si Prince ay nasa kabilang side.
'Nakatulog kaya siya? hahaha'
Akmang ibabaling ko na ang aking katawan sa isang side ay biglang nadapi ako sa katawan ng isang tao.
ו_•×
Multo ba to?! huhuhu
Muli kong ipinikit ang mga mata ko at nakaramdam ng takot.
Muli akong nagdahan dahan ng galaw at nadampi nanaman sa isang katawan ng tao.
Tuluyan na akong humarap sa isang side at nakita ko si Prince.
O.o
'Si Prince lang pala hay'
Si Prince? Si Prince?
Si Prince?!
Anong ginagawa nito dito?! Biglang lumaki ang mga dalawang mata ko at bigla akong napatayo.
"ah, aray!"
>>_<<
Ang sakit!
Nakalimutan ko, may sugat pa pala ako. Huhu, masakit pa din e :-(
Sabay ng sigaw kong yun, nakita ko si Prince na mukhang nagising.
"Ge-geli? anong nangyare?" -sabi ni Prince.
"Ano ka ba?! Bakit nandiyan ka?! ginulat mo ako!"
"Hehe sorry, hindi kase ako makatulog kagabi e" -sabi niya sabay kamot sa ulo.
"Sorry ka diyan, alis!!!"
"Opo! eto na nga po e"
Umalis nga siya at tumayo. Iniligpit niya din niya yung hinigaan niya sa sahig.
"Paano ka napunta dito?"
"E kasi, hindi ako makatulog. Kaya nakitabi ako, pero nagpaalam naman ako sayo ah"
BINABASA MO ANG
Lifetime or Forever?
Teen FictionNagmahal ka na ba, nagselos, nasaktan, naloko, iniwan, nag-moveon at nagbago? Angelinah Kathy Gonzales, isang babae na ipinanganak na maganda, medyo mataray at masungit pero may pagkamabait, mayaman at iba pa na nabago ang buhay dahil sa mga pangaya...