Chapter 3

10 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos ng nangyare kahapon.

Andaming nangyare na hindi ko naman inaasahan.

Mahirap maging masaya, dahil may kapalit din itong kalungkutan.

Throwback...

Hindi ako nakisabay sa pag-uwi kay Prince, ngunit sa desisyon kong iyon ay alam ko na may takot akong mararamdaman.

Alam niyo ba na?

HINDI AKO MARUNONG UMUWI NG MAG-ISA!!!

Paninindigan ko parin tong desisyon kong ito.

Hindi alam ito ni Prince kahit matalik ko siyang kaibigan.

Iisang tao lang talaga ang may alam ng ito tungkol sa akin.

"Bahala na :'( huhuhu"

Promise, hindi ko talaga kayang umuwi mag-isa. Lalo na kapag comute? diba nga, kaya kami laging sabay ni Prince e hindi ako marunong umuwi mag isa.

Although alam ko kung paano umuwi mag-isa pero madaming mangyayare sa akin kapag ako lang mag-isa ang umuwi. Hindi ko namuna ikukwento kung anong kamalasan ang nangyayare sa akin kapag ako lang mag-isa ang umuuwi.

"Kathy!"

|O.o|

Tumingin ako sa likod ko at siya ang nakita ko.

"uh-uhm?"

'Grabe, kapalan nalang ng mukha neto'

"Nasaan si Prince?"

"Eh-Ah"

Hindi ko na alam ang sasabihin ko at talagang yung puso ko e parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok.

"Nag-away kayo?"

"Eh, Oo e hehe"

"So?"

"Uhm, hehehe"

Alam niyo bang kahit ganyan lang ang usapan namin e, nagkakaintindihan nakami? Alam na kase niya na, kapag nag-aaway kami ni Prince ay hindi ako sumasabay sakanya at the same time alam na din niya na wala akong kasamang uuwi. Alam niya din na hindi ko kayang umuwi mag-isa siyempre.

Buti nalang pala, nakita ko siya. Siya lang kase maaasahan ko kapag ganito e.

"So, okay lang na sumabay ka?"

"Pwede ba? hehe"

"Siyempre naman, ikaw pa?"

"Hehehe, hindi na ako mahihiya ah? alam mo naman hehe"

"Oo naman, kilalang-kilala na kita."

"Sus, basta quiet lang ah."

"Oo naman, ako lang naman nakakaalam e."

"Sige sige, okay lang ba na makisabay ako? baka kase may magalit e?"

"Oo naman no, okay lang"

"Hehe sige, tara"

Sumabay na ako sakanya, as if namang may choice pa ako eno? habang papunta kami sa parking lot ay naririnig namin yung mga bulungan ng mga ibang students.

"Sila na ba ulit?"

"Uy!"

"Ang sweet nila hihi"

Lifetime or Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon