Prince's Pov
'Paano ko to aayusin?'
Ayaw pa din niya akong kausapin e, miss ko na siya.
Nagdadalawang isip pa ako ngayon kung papasok ako, ang sakit kase ng ulo ko e. May lagnat ata ako, pero paano naman yung away namin? Kailangan ko tong ayusin.
"No! Papasok na ako"
Tumayo na agad ako sa kinahihigaan ko kahit sobrang sakit ng pakiramdam ko.
Kinuha ko na yung mga susuotin ko at pumunta sa banyo para maligo.
×××
Papunta na ako ngayon sa room, buti nalang hindi pa ako late.
Naglalakad na ako ng mabilis para makausap pa si Geli habang wala pa yung next subject. May 20mins pa naman.
Nandito na ako sa room at nakita ko na si Geli.
Lumapit ako sakanya at kinausap.
"Geli, pwedi ba tayong mag-usap?"
"Okay"
Lumabas muna kami at pumunta sa garden para mag-usap.
"Sorry na, magpapaliwanag ako"
"Wala ka ng dapat ipaliwanag"
"Ano kasi e"
"Ano?!"
Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan. Bahala na!
"Diba nililigawan ko si Carmilla, ikaw pa nga palagi naming kasama diba?"
"O tapos?"
"Akala ko din kami na e, na may pag asa talaga kami at sasagutin niya ako"
"Ah? Akala ko bang sinagot ka niya?"
"Hindi, sinabi ko lang yun sayo para hindi ka magalit sakanya"
"Tss, at dahil dun hindi mo sinabi ang totoo? at pinagtatanggol mo pa siya? Ang galing mo din e no"
"Sinabi ko lang talaga na sinagot niya ako at para hindi ka na rin masaktan?"
"Huh?! Wow ah!"
"Makinig ka muna, madami ka pang hindi nalalaman!"
"At bakit ko naman kailangan malaman?"
"Argh! Okay fine, sorry na. Please please"
Luluhod na ata ako para patawarin ako e.
"Uhm?" -pataray niyang sabi.
"Sorry na, gagawin ko ang lahat. Patawarin mo lang ako"
"Sure?"
"Oo, lahat"
"Sige, tulungan mo akong makapagsorry kay Carmilla"
"Ah?"
"Angal?"
"Oo sige!"
Yun lang pala e, uhm... Tiis tiis... Ugh! Sumasakit ulo ko, pero atleast okay na kami. :') Kaya ko to, lagnat lang to.
"Thankyou at sorry talaga, tara pasok na tayo"
"Sorry din, sige tara"
BINABASA MO ANG
Lifetime or Forever?
Novela JuvenilNagmahal ka na ba, nagselos, nasaktan, naloko, iniwan, nag-moveon at nagbago? Angelinah Kathy Gonzales, isang babae na ipinanganak na maganda, medyo mataray at masungit pero may pagkamabait, mayaman at iba pa na nabago ang buhay dahil sa mga pangaya...