Chapter 1 #BastedHannahAgad-agad!

14.6K 239 5
                                        

Matiyagang naghintay sa pila si Hanna para masilayan lang si Terrence.Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkikitang dalawa.Naging abala kasi ito sa kabi-kabilang medical missions.

"Hanna,tara i-bp na kita," narinig niyang tawag ni Lexie, ang sekretarya ni Dok Terrence.Nakangiting lumapit siya rito at iniabot ang kanang braso.

"Matagal pa ba Lex?"

"Naisingit na kita.Pagkalabas ng patient sa loob pumasok ka na," halos pabulong na sabi nito.Napangiti naman siya sa narinig."Salamat ha?The best ka talaga," natutuwang um-apir pa siya rito.

"Warning lang friend ha?Medyo bad mood si Dok."

Bigla naman siyang kinabahan sa sinabi nito.Kapag ganoon kasing bad mood si Terrence siguradong malalagot siya.Nang lumabas na ang pasyente na nasa loob agad siyang sinenyasan ni Lexie at excited siyang pumasok.

"Hi,Terrence," nakangiting bungad niya.

Pero ni hindi man lang siya nginitian ng binata."Ano na naman ang masakit sa'yo ha?" kunot ang noong tanong nito habang idinadampi ang stethoscope sa bahaging malapit sa puso niya.

Pigil ang ngiting yumuko ang dalaga.

"I think, 'eto talaga ang may tama sa'yo eh," sabi nito nang idiin ang stethoscope sa noo niya.

"Grabe ka sa'kin, ha," nakasimangot na sabi niya sabay hawi ng kamay ni Terrence.Nagmamaktol na naupo siya sa ibabaw ng mesa paharap dito.

"Umupo ka nga nang maayos.Para kang sanggano kung kumilos," kunot ang noong sabi nito.

Lalo pang sumama ang mukha ni Hanna.Lumundag siya pababa ng table atsaka naglakad papalapit sa binata."Nahiya naman po ako sa pagiging perfect niyo, Dok," nakatulis pa ang ngusong sabi niya.

"Sabi ko naman kasi sa'yo huwag mong ginagawang laro ang pagpapa-check-up sa'kin.Hindi ka ba nahihiya?Ang daming mga matatandang nakapila sa labas ang siningitan mo.Sana man lang kung totoong may sakit ka nga," naiiling na sabi nito.

Masama ang tinging ipinukol sa kanya ni Hanna."Hindi ka pa pasalamat at dinadalaw kita diyan." Naglakad ito papunta sa mesa kung saan nito inilapag ang dala-dalang lunch box atsaka nito padabog na inabot sa kanya. "Oh, food mo.Tipirin mo, wala nang kasunod 'yan," nagmamaktol na sabi nito.

"Lagi ka namang ganyan eh.Ilang beses mo na ring sinabi na hindi mo na ako kukulitin sa trabaho pero paglipas ng ilang araw bigla ka na lang sumusulpot at sumisingit sa pila."

"Pwes, hindi na ngayon," mariing na sabi niya atsaka siya naglakad palabas ng silid.Hindi na niya nilingon pa si Terrence.

"Next." narinig na lang niyang sabi nito.

"Nakakainis hindi man lang talaga niya ako pinigilang umalis."

"Oh, ano Hanna, okay ka na?" nakangiting salubong sa kanya ni Lexie.

Masama ang mukhang napailing ang dalaga. "Aalis na ko baka mahuli na ako sa flight namin ni Ate.Magpapaalam lang sana ko kay Terrence pero mukha namang wala siyang pakialam," matamlay na sabi niya.

"So, hindi pala alam ni Dok na pupunta ka sa Canada?"

Tango lang ang naisagot niya kay Lexie.Ayaw na kasi niyang magsalita dahil lalo lang sumasama ang loob niya.

Kasalukuyan nang nagliligpit ng gamit si Terrence nang katokin siya ng secretarya niyang si Lexie. "Dok,mauna na po ako sa inyo."

"Napansin mo ba kung nasa labas pa si Hanna?" kaswal tanong ng binata. Gawi na kasi ni Hanna na hintayin siyang matapos mag-clinic atsaka ito muling mangungulit sa kanya.

Catching FeelingsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon