Nang matanaw ni Lexie na papasok na si Dok Terrence agad niya itong sinalubong.
"Dok, katatawag lang po ni Hanna."
Napangiti ang binata."Ano'ng sabi?Hinahanap ba ko?" excited pang tanong niya.
"Tinanong lang po kung nandito na kayo pero binabaan din po ako ng phone nang sabihin kong may kausap lang po kayo sa labas."
Napakunot ang noo ni Terrence."Bakit hindi siya sa cell phone ko tumawag?"
Napangiti nang alanganin si Lexie atsaka ito nagkibit ng balikat.
Dinukot ni Terrence ang cell phone sa bulsa at tinawagan niya si Hanna habang naglalakad siya papasok sa silid.
"Hello, Panget? Bakit hinahanap mo raw ako?" kunwa'y tanong niya.
"Hindi kita hinahanap, na-wrong number lang ako," matabang na sagot ng dalaga.
"Anong--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang pinutol ni Hanna ang tawag.
"Pasaway," naiiling na sabi niya.
Matapos niyang mag-duty sa hospital, dumiretso siya kay Hanna.Pero si Tatay Bert na lang ang inabutan niya na noo'y nagsasara na ng talyer.Maaga raw kasing nakatulog ang dalaga.Naupo si Terrence sa gilid ng kalsada habang pinanood ang matanda sa kung ano pang kinukutkot.
"Tay, iniiwasan po ba ako ni Hanna?" matamlay ang boses na tanong niya.
Naglakad ang matanda papalapit sa kanya atsaka ito naupo sa tabi niya."Hindi niyo pa ba naayos ang gusot niyong dalawa?" tanong nito.
Bigla siyang natigilan.Pano nga ba niya aayusin ang isang bagay na hindi niya nga alam kung ano?Sa simula palang malabo na ang set-up nilang dalawa.Sa tuwing tatangkain naman niyang kausapin si Hanna, agad naman itong umiiwas.
"Iyon na nga po ang isa pang problema, Tay, hindi ko po kasi alam ang pinagkakaganyan ni Hanna." sabi niya.
"Sigurado ka bang hindi mo alam?"
Hindi naman nakaimik ang binata.
"Nabalitaan ko, bumalik na raw si Heidy? Kumusta na kayo? Kayo na ba ulit?"
Napakunot ang noo ni Terrence at napasulyap sa matanda."Tay, wala na po kami ni Heidy at wala po akong balak makipagbalikan sa kanya."
"Pero gusto kang balikan ni Heidy, hindi ba?" seryosong tanong nito.
Hindi nakaimik si Terrence.
"Naiintindihan ko kung bakit ka iniiwasan ni Hanna.Natatakot siyang mapamahal ng husto sa'yo at masaktan lang sa huli."
"Pero Tay, Si Hanna na po ang mahal ko ngayon," kunot ang noong sabi niya.
"Alam ko at nakikita ko naman 'yun hijo.Pero hindi ako ang dapat mong pakitaan noon, kung hindi si Hanna.Sa kanya mo iparamdam 'yang pagmamahal na sinasabi mo hanggang sa tumapang siyang tanggapin ka."
"Pero paano po?Ni ayaw niya nga akong kausapin.Bigla na lang siyang umiiwas sa akin.Dati naman okay kami."
"Dati 'yun, noong hindi pa bumabalik si Heidy.Ibang usapan na kasi ngayong alam niyang bumabalik sa'yo ang babaeng iniyakan mo noon at halos ikalugmok mo."
Napabuntong hininga si Terrence.
"Terrence, anak, saksi kami ni Hanna kung gaano mo kamahal si Heidy noon, kaya hindi mo siya masisisi kung magduda man siya sa'yo ngayon.Hindi ganoon kadaling kalimutan ang nangyari sa'yo noon," malamlam ang mga matang sabi ng matanda.
BINABASA MO ANG
Catching Feelings
RomanceMeet Terrence Han ang nag-iisang lalakeng nag mamay-ari ng puso ni Hannah.Ngunit tila walang epekto rito ang mga diskarte ni Hannah.Kahit lantaran na ang ipinakikita niyang pagkagusto sa binata ay tila wala paring epekto rito.But not so long...dahi...
