PROLOGUE

7K 83 4
                                    

Halos mapaigtad siya sa gulat ng biglang sumulpot sa kwarto si Terrence.

"Pwede ba Terrence umuwi ka na nga sa inyo.Ang aga-aga pa nambubulabog ka na.Wala ka bang pasok ngayon?" naka kunot ang noo niya na bumaba ng kusina.Tahimik na sumunod naman ito sa kanya.

"Ang sungit mo naman!ITatanung ko lang naman kung nagustuhan mo ang pinadala kong bulaklak." Bumatak pa ito ng bangko at umupo malapit sa kinatatayuan niya.

"Sigurado ka bang para sa akin 'yun?Baka naman namali ka lang ng address na nailagay 'don!"

Nakasimangot ito na iniabot sa kanya ang kape at umupo malayo sa kanya.

"Grabe ka naman mag-isip,siyempre para sa'yo talaga 'yun!" sambit nito habang sumisimsim ng kape.

"Eh bakit mo naman ako binibigyan ng bulaklak aber?" taas ang kilay na tanong niya rito.

Tila nabigla naman ang binata.Namula ang mukha nito at hindi nakapagsalita.Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Hannah.Muli siyang sumimsim ng kape na tila nag-iisip ng isasagot.

"Oh bakit hindi ka makasagot diyan?"

"Ano ulit ang tanong mo?"

"Never mind!"Tila nadismaya si Hannah sa sagot nito.Although inaasahan na niya ang pag-iwas nito but still nasaktan parin siya sagot nito.

"Bakit nga ba kase tinanong ko pa eh obvious namang wala lang 'yun sa kanya!ako na nga mismo ang nagsabing wrong sent lang siya pero inalam ko pa talaga ang isasagot niya"

"Ok ka lang ba?" tila napansin naman nito ang pananahimik niya.

"Ou naman,bakit?"

"para kaseng may iniisip ka.Ano nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?" muli naman nitong tanong.

"Hindi ako kumakain ng bulaklak,paano kung magugustuhan?" nanlalaki pa ang matang sagot niya.

"Joke ba 'yun?"natatawang tanong nito.

"Tse!ayoko sa bulaklak!"

Naiiling na lang si Terrence sa reaksyon ng dalaga.Iniwan siya nitong mag-isa.Mukhang mahihirapan siyang iparealize kay Hannah ang totoong value nito sa kanya.Pakiramdam niya ay hindi ito talaga basta-basta maniniwala sa kung anumang sasabihin niya.Malamang na pagtawanan lang siya nito.

"hay,anu bang gagawin ko sa'yo Hannah!"hawak ang ulo na tila nababaliw na si Terrence.

Mabilis na lumipas ang mga araw na tila hindi parin nakakadiskarte ng maayos si Terrence.Nagpapahangin siya noon sa terrace ng kwarto niya ng matanaw ang isang lalakeng masayang kausap ni Hannah.Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw na tanaw niya ang maya't mayang tapik ni Hannah sa braso ng lalake.Napakunot ang noo niya.

"Aba't mauunahan pa yata ako ng mokong na 'yun ah!" asar na tila pilit niyang minumukhaan ang lalake."Sino kaya ang lokong 'yun?Mukhang tuwang tuwa sa kanya si Hannah ko ah."asar na asar siya sa nakikita o mas tamang sabihing selos na selos siya.lalo't nakikita niyang masaya si Hannah habang kausap ito.

"Ba't ganun?parang ang saya saya niyang kausap ang mokong na 'yun?May pahalakhak-halakhak pa samantalang pag ako ang kausap niya hindi naman siya nakakatawa ng ganun."para siyang tangang kinakausap ang sarili.

Natanaw niyang tila nagpapaalam na ang lalaki kay Hannah kaya nagmamadaling bumaba siya at pumunta kay Hannah.Kaaalis lang ng sasakyan na hinabol niya pa ng tingin ng mag abot sila ni Hannah sa daan.

"Sino naman 'yung mokong na 'yun ha?"tila sinasadya niya pa ang pagsingkit ng mata habang nagtatanong sa dalaga.

"Sus!mukha mo!" sa halip na sumagot ay natatawang nilamukot lang nito ang mukha niya."Pa"cute" ka pa diyan!"At dire-diretso itong pumasok ng gate.

"Aba't..." asar na sumunod naman siya sa dalaga.

"Hoy,tinatanong kita kung sinu 'yung lalaking kausap mo!"naabot niya naman ang kamay kaya wala itong nagawa kundi harapin siya.

"Bakit ba kase?nagseselos ka noh?"nakangising tanong dalaga.

"Hindi noh!bakit naman ako magseselos 'dun sa panget na 'yun di hawak na gwapong-gwapo naman ako 'dun noh!"tila nagyayabang na lalo pa nitong pinasingkit ang mata.

"Diyan ka magaling sa kayabangan mo!"naiiling na pinagpatuloy niya ang paglalakad habang si Terrence naman ay patuloy sa pangungulit.

"Sinu ba kase talaga 'yun?" muling tanong nito ng makarating sila sa loob ng bahay.Tumabi pa ito malapit sa kanya.

"Wala,classmate ko lang 'yun noong high school, si Jacob!"

"Ex mo?" kunot ang noong muling tanong niya.

"Hindi noh!"asar na pinalo pa siya nito ng unan."Bakit ba ang dami mong tanong?Nagseselos ka lang yata diyan eh!" natatawang sinundot niya pa ito sa tagiliran.Natatawa naman ito habang iniilagan ang mga kamay niya.

"Pero alam mo ang laki ng iginuwapo niya,dati payatot lang 'yun pero ngayon ang gwapo niya na!" umayos pa ito ng pagkakaupo at humarap sa kanya habang ang mga mata ay tila kumikislap habang nagsasalita.

"Sus!ang panget talaga ng taste!"tila asar na pinukpok niya ng unan ang ulo ni Hannah.

"Hmm..aminin mo na kase nagseselos ka lang!"natutuwang sinimulan na naman siyang kilitiin ni Hannah.

"Alam mo naman pala eh,nanadya ka pa diyan!Ayoko ng makikita ang lalakeng 'yun dito ha?"Napakunot ang noo niya tila hindi naman kase nagbibiro ang kaharap.Tumayo ito at lumayo sa kanya.

"Seryoso?"kunot ang noong tanong niya rito.

"Wag mong pababalikin dito 'yun,babangasan ko talaga 'yun!"madilim ang mukhang sagot nito.

"At bakit naman hindi?" nanlalaki ang matang kunwa'y tanong niya.

"Dahil ayoko!,nagseselos ako!"padabog na hinagis pa nito ang unan bago umalis.

Halos naiwang nakanganga si Hannah.Mukha kaseng totoo ang drama ni Terrence.Gusto niyang isiping totoong nagseselos ito pero ayaw niya nang paasahin ang sarili lalo't alam niyang palihim na nagkikita si Heidy at Terrence.

Catching FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon